C A M I L L E
Lutang akong pumasok sa mansyon. Nakita ko na nandoon ang lahat at nagkakagulo. Nandun rin si Mommy na umiiyak, agad siyang lumapit sa akin at yumakap.
"Anak! Why are you not answering your phone? Ang mga anak mo!" para akong sumali sa ice bucket challenge sa panlalamig ng buong pagkatao ko.
"Ano nangyari mom?" hindi ko alam pero napaiyak na ako. Hindi makapagsalita ang mom, lumapit sa akin si Alexander at niyakap ako.
"Camille Nathalia, they take the children. I'm sorry, Camille." umiiyak na rin na sabi ni Alexander. Hindi ko siya magawang saktan kaya yumakap na lang ako sa kanya at umiyak.
"Alex, yung mga anak natin! Yung mga anak natin!" napaupo na ako sa sahig habang humahagulgol
"Camille, Foko, s-sorry. Kukunin ko yung mga anak natin, babawiin natin sila." umiiyak na sabi ni Alexander, hindi ko na kaya ang stress na nakuha ko ngayong araw and I just found myself being consume by the darkness.
A L E X A N D E R
"Kids, may gusto ba kayong inumin?" tanong ko sa mga bata, nasa harapan kami ngayon ng Drinks Safari, isang shop ng drinks. Sa harapan lang naman siya ng building
"Oreo chocolate shake yung akin dad." sabi ni Alexa
"Peach mango shake sa akin dad." sabi naman ni Alexis
"Just boracay shake." said Alexeir
I told the cashier what we ordered.
"Kids, I'll just go to the cr, don't go anywhere." bilin ko sa mga bata and they nod.
I took 2 minutes in the comfort room, to my surprise ay wala na ang mga bata sa pinag-iwanan ko sa kanila. Naabutan ko ang mga crew walang malay. What happened here?
Pinuntahan ko ang isang lalaking crew na pinipilit pa ring magising. At tinanong ko siya "Have you seen the triplets?" nahihirapan niyang tinuro ang table na pinagiwanan ko sa mga anak ko kaya pinuntahan ko. Nakita ko doon ang isang espesyal na papel na may sulat ng dugo.
"Tomorrow, 3:17 am. At the abandoned headquarters."
Napaupo ako. Sino sila? Anong kailangan nila?
Ang sakit sa aking makita na umiiyak si Camille, pati na rin ang pamilya ko. Magaan ang loob ko dahil hindi mabigat ang loob niya sa akin at hindi niya ako sinisi, ngunit alam ko sa sarili ko na ako ang may kasalanan, na kung hindi ko sana dinala ang mga anak ko sa opisina ay hindi sana sila mawawala.
Nagulat kami ng bigla bigla na lang siyang himatayin. I guess too much stress na rin sa commotion sa kompanya niya. Dinala agad namin siya sa kwarto at iniwanan namin doon sila Euricka, Lady, Sharmaine, tita Val and tito Rico.
"Ano na ang gagawin natin Alexander? Ang mga bata, diyos ko ang mga apo ko!" halos hysterical na sabi ng mama ko.
"Ipatawag ang lahat ng may magika, sa lahat ng sulok ng pilipinas at papuntahin sila dito ngayon din." utos ko sa kanilang lahat, sinegundahan ito ni papa kaya sumunod sila. Wala pang limang minuto ay dumating na sila, mula sa kapita-pitagan hanggang sa mababang uri ng may mahika ano mang uri ang nasa pasilyo ng Takashima Manor.
"LISTEN, EVERYONE! MY SON HAD BEEN KIDNAPPED, A WEREWOLF JUST DIED AND SHAPESHIFT IN LIVE TELEVISION AND A MASSACRE HAPPENED THAT INVOLVES THE HIDDEN CREATURES. WE HAD ENOUGH, WALA NG MAMAMATAY PA! I WANT YOU TO INFORM EVERYONE AROUND THE WORLD THAT THE GREAT WAR IS ABOUT TO START, BETWEEN THE HUMANS, WEREWOLVES, SHAPE SHIFTERS, MERPEOPLE. LICHES, WITCH, VAMPIRES, ORACLES AND EVERYONE. THE GREAT WAR IS ABOUT TO START." said I, I already started the war. Againts who? I don't know, maybe againts the monstruo vampirs.
I can't change what the fate had stated, I'm just the way to declare the war in the prophecy. Werewolves are now visible in humans, as said to the prophecy, the next is the vampires and we don't care anymore. It is time for the world to inform the humans that they are not the only creatures in existence. I officially declare the start of the GREAT WAR!
A U T H O R
"Dugo. Dugo ay babalot sa lupa.
Tunog ng hignapis ang babalot sa hangin. Luhang dadaloy kasama ng tubig. Pagsasama. Pagsasama ng dalawang pinakamalakas na nilalang, sa kamay nito ay buhay ng lahat ng humihinga.""Darating na ang oras, katahimika'y magwawakas. Patayan ang magaganap sa pagitan ng mga buhay na nilalang."
"Nasa kamay ng mga itinakda ang buhay ng lahat. Kung dadanak ang dugo sa tubig o mananatiling asul. Kung paiilanlang tunog ng hinagpis o digmaa'y lilihis."
"3:28 ng umaga ay titigil ang oras, ang rotasyon ng mundo. Sakob lahat tayo."
"Digmaan."
Ang mga salitang kanina pa bukang bibig ng dalagang si Braziella. Luntian ang mga mata nito at nagdudugo ang ilong, walang tigil sa loob ng 3 araw. Nababahala naman na ang pack dahil sa pangyayaring ito, hindi makausap ng maayos ang dalaga.
"Argh! Ayoko na. Utang na loob tigilan niyo na!" tumakbo ang lahat papalapit kay Braziella.
Puno ng sakit, takot, pighati at galit ang kanyang tinig. Ang kanyang mga mata na puno ng mga luha ay sinasalamin ang kanyang nararamdaman. Masakit sa damdamin at nakabibingi ang kanyang mga sigaw at hagulgol. Paulit-ulit ang kanyang pagmamakaawa na sana ay matapos na ang masasakit na bisyon na nakikita niya. Wala namang makakontrol sa sitwasyon, walang makapagpakalma sa lahat na nahawa na rin sa hinagpis na sumusukob sa loob ng silid.
"Mommy, I want my mom! Bring us back!" Kanina pa umiiyak na sabi ng batang si Alexa, ngumiti lang ang lalaking kanina pa nasa dilim.
"Dadating rin ang mommy, okay mga anak? Papupuntahin ko rin dito ang kuya niyo para may kalaro kayo." matamis na sabi ng lalaki sa mga bata, umalma naman si Alexa
"Don't call us anak! Di ka namin papa. Take us to mom, bad guy!" Nakadama ng poot ang lalaki sa sinabi ng bata.
Lumabas siya mula sa dilim at dahan-dahang tinungo ang mga bata. Nanlaki ang mata ng magkakapatid nang makilala nila ang wala sa tamang pag-iisip na dumakip at naglayo sa kanila sa kanilang mga magulang.
"T-tito..." sabay na bigkas ni Alexa at Alexis na hindi mahanap ang tamang salitang dapat bigkasin.
"Tito Yuan." Malamig na pagkompirma ni Alexeir sa naturang lalaki na may malaking ngiti sa mukha.
"Ako nga, welcome to the family my children."
///
Nakakaloka na ito. I need your comments guys! Ang di magco-comment ay dadalawin ni....ni someone na nakakatakot! Di pa rin ako makamove on kay Cloud.
Kung mapapansin niyo ay mabilis na ang phasing ng story natin lahat, naisip ko kasi na tapusin na agad ang istorya.
Nagdadalawang isip pa nga ako kung gagawa ako ng continuation book ng MDG eh. Should I?
I need your vomments guys.
Muah muah.
-Jaze (Dyosamine)
BINABASA MO ANG
My Demon Groom /Completed/
Vampire"You can run but always remember you can't ever hide" Highest rank: #2 in Vampire Category