For @NyrenicaOdlig dahil sa pag-aantay niya sa update at @Junoesque13 sa pagpa-flood votes!
A U T H O R
Dalawang araw na ang nakalipas mula ng mag-agaw buhay si Saki,tanungin ni Rekaina si Camille at ang pagsagot sa kanya nito ng dyosa siya.
Pinainom ulit nila ng dugo ni Camille si Saki na may pahintulot nito.Labis na naguluhan ang mga nasaloob noon ng pasilyo dahil nakainom na ng dugo ng tao,kapwa bampira,lobo at witch si Saki at lahat sa kanila pero hindi naman sila nakaramdam ng ano man kaya malaking misteryo para sa kanila kung ano ba talaga ang mayroon sa dugo ni Camille.
Dalawang araw na ring nakakulong si Camille sa kwarto niya. Tuluyan na siyang hindi pinapasok ni Alexander dahil iba daw ang pakiramdam nito,pinabalik na rin ang lahat ng katulong.
Hindi lumalabas si Camille dahil parang may sapak nanaman daw si Alexander at mga katulong ang pinagbubuntungan. Dinadalhan na lang siya sa kwarto ng pagkain.
"CAMILLE!" napatayo sa kama sa gulat dahil sa biglang pagsigaw ni Alexander sa labas ng kanyang kwarto habang binabalibag ang pinto.Taranta niyang binuksan ang pinto at pumasok naman ng may maitim na awra si Alexander.
Hinawakan ng mahigpit ni Alexander ang mukha ni Camille at itinaas,
"Bakit hindi ka lumalabas ng kwarto ha?!" galit na sabi nito sa kanya. Tinulak niya si Alexander dahilan para mabitawan siya.
"Ano nanaman bang problema mo Alex?! Kung makapag-react ka para kang tinakasan!" nakasigaw rin na sabi niya rito. Bigla siyang sinampal nito dahilan para mapaupo siya sa sahig.
"Sumasagot ka na?! Wala kang utang na loob! Matapos kitang dalhin sa pamamahay ko!"
"Bakit hiningi ko ba ito hah?! You know what?! Iniisip ko kung bipolar ka talaga o demonyo eh!" nandilim ang paningin sa sinabi ni Camille.Pumula ng parang dugo ang mata niya,humaba ang mga kuko at lumabas sa bibig ang mga nakamamatay na pangil.
Sa isang iglap,nakadikit na si Camille sa pader habang hawak ni Alexander gamit ang kaliwang kamay nito ang kanyang leeg.
"Ano bang kulang ha mortal?! Bakit ba ang hilig niyong humanap ng iba kahit may nag-aari na sa inyo?!" galit na tanong ni Alexander
"N-nababaliw k-aa na b-ampir-ra! An-no ba-ang pi-pinagsasabi mo?!" kahit hindi na makahinga ay sinagot pa rin siya ni Camille
"Do you think I'm stupid? Nakikipagngitian ka doon sa anak ni Rekaina na hamak na isang manggagamot lang na mangkukulam sa palasyo.I didn't know you do low standards." habang bumibigkas ay lalong humihigpit ang hawak ni Alexander sa leeg ni Camille
"Re-elease m-me!" kapos hiningang sabi ni Camille.
Binagsak ni Alexander si Camille.Hinila patayo ni Alex si Camille habang mahigpit na hawak ang buhok nito,nang magawa ito ay sinampal ulit si Camille at gumawa ng nagdudugo na sugat ang mga kuko ni Alexander.Bumahid sa mata ni Alexander ang pagkasabik,pagkasabik sa dugo.
"Kakagatin niya ba ako? Bilisan niya na para mamatay siya ng maaga." sa isip isip ni Camille
Unti-unting nilalapit ni Alexander ang bibig sa leeg ni Camille. Ilang sandali lang ay naramdaman ni Camille ang pagdampi ng matutulis nitong pangil sa kanyang leeg nang biglang bumukas at pinto at niluwa nito ang isang humahangos na si Yuki at Sharmaine.
"Anong ginagawa mo Alexander?!" gulat na gulat na sigaw ni Yuki Ra at Sharmaine,binitawan ni Alexander si Camille at tumingin sa dalawang bagong dating.
"H-hindi siya y-an." naturang ng dalawang bagong dating sa isip
"Tinuturuan ko siya ng leksyon!" bumaling ulit kay Camille si Alexander at nakayukom nitong sinampal.
BINABASA MO ANG
My Demon Groom /Completed/
Vampire"You can run but always remember you can't ever hide" Highest rank: #2 in Vampire Category