A U T H O R ' s P O V
"AAAAARRRRGGGGGGHHHHH!!!!" isang nakabibinging at nakagigimbal na sigaw na nagmula sa silid-aklatan ang bumasag ng natitirang kapayapaan sa loob ng mansyon nila Alexander.
Nagbago ang anyo ni Alexander,kung kanina ay 'mas' pumula lang ang mata niya ay ngayon ay halos hindi mo na makita ang puti sa kanyang mata dahil sa sobrang pula nito at ang parang mga ugat ng kulay itim.
"Sh*t." tanging nasabi na lang ng mga naroroon sa loob
"Nagbabago na ang anyo niya!" nagpapanic na sabi ni Haruko
Nagbabago ang anyo niya dahil sa mga sinabi kanina ni Camille sa kanya at tila bang parang pumasok sa utak niya ang lahat ng paghihirap na ginawa niya at mga sinakripisyo niya kay Camille.Naiisip niya na pinagwawalang kwenta ng dalaga ang lahat ng paghihirap nito.
Ang tanging nasa isip niya ngayon ay isang napakaitim at napakapilagrosong bagay lamang,ayon ay ang turuan ng leksyon ang dalaga,isang leksyon na hinding hindi niya makalilimutan.
Nagpupumiglas siya sa hawak ni Oliver sa kanya.Tinawagan naman ni Haruko si Hayden na kanina pa umuwi para dalhin dito ang kapatid nitong si Hermes na siyang may kakayahang pakalmahin ang sino man.Wala pamang limang minuto ay humahangos ng dumating ang magkapatid sa silid-aklatan ng mansyon ni Alexander.
Lumapit agad si Hermes kay Alexander na kasalukuyang nagpupumiglas at nagwawala,mabuti na lamang ay may kakaibang lakas na taglay si Oliver sapat lang para maagapan ito.
Tinignan ni Hermes ang mata ni Alexander na nakamamatay ang titig.
"Pakawalan niyo ako!" mababa ngunit malalim na boses ni Alexander,sa tunog ng boses niya ay makikita ang galit nito.
"Alexander,huminahon ka." malumanay ngunit madiin na sabi o utos ni Hermes
"ANG SABI KO PAKAWALAN NIYO AKO!" galit na sigaw nito
Napailing si Hermes na parang wala ng ibang magagawa pa.Idinikit niya ang dalawang daliri sa noo ni Alexander at nagbitaw ng salitang nasa lengwaheng Español.
" Calma tu alma ,calma tu alma , calmar monstruo dentro de él." pagkabigkas niya nito ay lumabas ang isang napakaliwanag na ilaw.
Napapikit ng napakadiin si Alexander bago buksan ang mga mata.Unti unting nagbago ang kulay ng mga mata at nababawasan na rin ang napakalakas at dilim na awra na nakapalibot sa kanya.
"Ca...Camille." huling nasabi ni Alex bago tuluyang mawalan ng malay.Hindi napansin ng mga tao roon ang isang napakadilim na ngisi sa kanyang labi.
"Kailangan lagi siyang bantayan." sabi ni Hermes na ikinalito ng lahat.
"Malakas na siya." napalingon ang lahat sa pintuan ng biglang pumasok si Hayden
"Sino?" tanong ni Eury
"Ang monstruo sa loob niya.Its starting to get out of control.This time 55-45." sabi ng pinakamatalinong bampira ng clan
"S-sino ang lamang?" tanong ni Oliver
"Sadly,its the monstruo." sagot ni Hayden
"Wait.May nararamdaman ba kayo?" tanong ni Haruko
"Bukod sa napakalakas na presensya ni Alex na hindi ko alam kung bakit may sumasapaw ay wala na akong maramdaman pa." sagot ni Jan
"Bakit ma iba ka pa bang nadarama?" tanong ni Van
BINABASA MO ANG
My Demon Groom /Completed/
Vampire"You can run but always remember you can't ever hide" Highest rank: #2 in Vampire Category