A U T H O R
Kataka-takang malakas na bagyo ang kasalukuyang nararanasan ngayon sa lugar nila Camille at Alexander.Nanatiling bukas ang balkonahe sa kadahilanang na-trauma ito dahil malakas rin ang ulan nang maganap ang accident.Tila nagsasayaw sa hangin ang kurtina ng balkonahe dahil sa pag-taas baba nito,minsan minsa'y tumataas ito.Ayaw lumingon ni Camille dahil baka may makita daw siyang nilalang.Ipinikit ni Camille ng napakadiin ang kanyang mga mata at pinipilit matulog.Palakas ng palakas ang hangin na para bang isang ihip na lang nito ay liliparin ka na.
"Creepy,creepy,creepy.When will this storm stop?" nasabi ni Camille sa hangin habang hinihigpitan ang pagkakapikit sa mga mata at yakap sa tatlong unan.Napabalikwas naman siya ng higa kahit masakit pa ang mga sugat at pasa nang biglang kumidlat ng napakalakas.
"T-thunder storm! Awww ang sakit na ng katawan ko,three o'clock palang ng umaga! Bakit ba ayaw niyo akong maging in-peace?" ngawa niya sa hangin.Tumaas ang balihibo niya ng maramdaman niyang may nakatingin sa kanya at tila ba nagpipigil ito ng tawa.
"Aba loko ito ah.Kung sino mang maligno ang nandadiyan sana patulugin niya na ako.Sobrang sakit na talaga ng katawan ko,si Alexander kasi nananakit.Diba dapat siya ang sinasaktan ko dapat?" nasabi niya sa sarili,hindi niya talaga maintindihan kung bakit sinaksaktan siya ni Alexander.
Patuloy pa rin sa pagulan at kapag naka-iiglip na siya ay bigla namang kikidlat ng napakalakas,tila ba may naglalaro sa mga ito.
"Ano ba? Magpatulog ka naman oh! Oh Zeus! Kontrolin mo ang kidlat mo dahil papasok pa ako mamaya at lantay na lantay na talaga ako!" nakapikit at nagluluhang sigaw nito.Mukhang naawa naman ang kumukontrol at pinatulog na siya.
--6:30AM--
*insert alarm tone here*
"Tsk.Mag-snooze ka na lang ulet.Five minutes pa." sabi niya at bumalik sa pagkatulog
--7:00AM--
*insert alarm tone here*
"Ang bilis naman ng five minutes." nakapikit ngunit nakangusong sabi nito.Kinusot kusot niya ang mata bago patayin ang cellphone alarm niya.Nang mapadako ang tingin niya dito ay nalaglag ang panga niya sa nakita.
"Makikita ko ulit si Soulmate?! Tengeners! Kailan pa ako nag-note ng ganito?" usal niya
"Ohh 7:00 na pala.Hayaan mo na.First subject ko naman si Ms.Hally Parut a.k.a Ma'am Ratatat."
"Arghh.Hang-over ng pagiging battered fiance ko.Aww ang sakit talaga." daing niya habang tumatayo.Dumeretso na siya sa banyo para maligo,napatingin siya sa salamin at nakita ang mga pasa at sugat sa katawan niya at hindi niya mapigilan mapaluha.Kahit naman parang wala lang sa kanya ang mga natamo kay Alexander ay hind maipagkakailang masakit ito,sobrang sakit lalo na't galing ito sa kina-gagaanan ng loob niya at pinagkakatiwalaan.
"Ano bang nangyari kay Alex? Iiwas na lang ako sa kanya at baka lalo niya pa akong masaktan."
Itinuon niya ng lang ulit ang atensyon sa paglilinis ng katawan kahit maya maya siyang dumadaing dahil sa mga sugat sa katawan.
Nang matapos siya ay lumabas na siya para magbihis.Kumain ng oras ang pagbibihis niya dahil sa mga sugat at no choice siya kundi mag-jacket sa kasagsagan ng tag-init.
Nang bumaba siya ay naabutan niya doon si Alexander na para bang nakokonsensiya.
"Nakokonsensya ba siya dahil sa pambubugbog niya sa akin ng walang dahilan?" tanong ni Camille sa sarili.Magkahiwalay na tumungo ang dalawa sa hapag-kainan,malayo ang pwesto ni Camille kay Alexander dahil nga sa pagiwas niya.
"Bakit ka nandiyan sa dulo? Ganyan ka ba katakot sa akin?" malungkot na tanong ni Alexander
"Gago ba toh? Siya kaya ang bugbugin ng isang bampira,di kaya siya matatakot?" pambabara niya kay Alexander sa isip
Hindi na lang umimik si Camille sa 'nakakalokong' tanong ni Alexander sa kanya at lumipat na lang siya tatlong upuan ang pagitan.
"Bakit ka pala nakaturtle neck at jacket,naka-skinny jeans ka pa at close shoes ang init pa naman.Kung iniisip mong ma-attract ako sa dugo mo ay nagkakamali ka dahil I can control blood lust." bakas pa rin ang lungkot sa boses niya dahil para bang pinandidirihan siya ni Camille.
"Well isang reason iyan.Hindi naman kasi ako pwedeng pumasok na kita ang mga pasa at sugat ko no,pati nga ang kalmot mo sa kamay ko ay nilagyan ko na ng concealer para hindi mahalata eh." Again,sa isip na naman siya sumagot at pinagpatuloy na lang ang pag-kain sa tuna omelet niya.
"Camille,sorry nga pala at tinago ko na isa akong bampira."
"Iyon lang ang iso-sorry siya? Eh yung halos pag-torture niya sakin?!" sa isip isip ni Camille,nagagalit parin siya kay Alexander dahil para sa kanya ay isa itong demonyo.
"Teka! Bakit may sugat at pasa ka sa mukha?! Sinong gumawa niyan?!" napatayo at galit na sigaw ni Alexander nang mapansin ang sugat sa bandang noo ng dalaga at pasa sa gilid ng labi ng huli.
"Tsk.Hindi gumana yung concealer" sabi ni Camille sa sarili.Nagtaka siya sa sinabi ni Alexander na para bang walang alam.
"Wala ka ba talagang maalala?" malalim ang boses na tanong ni Camille
"A-anong..."
"Ikaw.Ikaw ang may gawa ng mga iyan at lahat ng pasa at sugat ko sa buong katawan.Huwag ka ng painosente pa,bampira!" galit na sabi nito kay Alexander
"Anong pinagsasabi mo Camille Nathalia?" naguguluhang tanong ni Alexander
"Alalahanin mo bampira.At sana sa susunod ay alalahanin mong tao ang binubugbog mo bago magpasa-demonyo." ibinagsak ni Camille ang kubyertos bago iwan ang nagtatakang si Alexander.
*
A/N:Sorry kung maikli,double update this day.
Next tuesday ang mga mangyayari sa Blood Academy.
Ano kayang manyayari ngayong alam na ni Camille na puros bampira na ang kasama niya?
ABANGAN!
BINABASA MO ANG
My Demon Groom /Completed/
Vampire"You can run but always remember you can't ever hide" Highest rank: #2 in Vampire Category