Chapter 2

5.5K 164 1
                                    

Chapter 2

"What are you doing?"he said with his baritoned voice. Napalunok ako ng wala sa oras ng mapatitig ako sa kaniyang mga mata.

Umiwas ako ng tingin at bumaba sa pagkakasalo niya sa akin. Tumikhim pa ako ng ilang ulit. May nakakita sa akin. Baka isipin niyang nagnanakaw ako.

"I-I d-didn't stole a-anything"depensa ko agad. Baka kasi akusahan niya ako.

His right eyebrows lifted up as he stared at me.

"Oh yeah?"he said and then he looked at my right hand where the mangoes are. Muli akong napatikhim at itinago ang mangga sa likuran ko. Alam kong katangahan yon pero bahala na.

"Y-yeah" matapang kong saad. Kahit na nauutal ako. He smirked at me.

"Stealing mangoes in my place is forbidden"mapanganib ang tonong aniya. Kumalabog tuloy ang puso ko sa kaba.

"I said I didn't—"

"Lying is what I hate the most"he said seriously. Napatungo tuloy ako at binitawan ang manggang hawak ko.

"Muka kasing masarap"paliwanag ko. "Kaya kinuha ko. I'm sorry"hingi ko ng paumahin. Tiningnan ko ang mangga. Sayang naman , akala ko  matitikman ko ang dilaw na prutas na iyon.

I heard him sighed. "Come with me"aniya. Napaangat ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya. "Ha?"

"I hate repeating myself"aniya at naglakad palayo sa akin. Lumapit siya sa isang kabayo. Nuon ko lang napansin na may kasama pala siya. Tatlong matandang lalaki tapos isang puting kabayo.

Sumakay ang lalaking may asul na mata sa kabayo at muli akong binalingan.

"Lead her inside"utos niya sa tatlong kasama niya. Pumasok siya sa likod ng hacienda na sinasabi sa akin ni Ika.

Kunot ang noo kong tinanaw ang lalaki. Nawala lang iyon ng lumapit sa akin ang tatlong lalaki.

"Sumunod ka hija"ani ng isa.

"Bakit po?"taka kong tanong. Hindi kaya paparusahan ako kasi nagnakaw ako ng mangga?

"Sunod ka nalang hija kung gusto mo ng mangga"aniya ng nakangiti. Namilog ang mata ko.

Ibig sabihin bibigyan nila ako?

"Talaga po?"

"Oo halika na. Ayaw ng senior ng pinag hihintay siya"

Sumunod ako sa tatlong lalaki papasok sa loob ng magandang tanawin.

I'm smiling ear to ear while walking. I can't believe it. They will give me mangoes!

Nakarating kami sa loob. Ganon nalang ang pagkamangha ko. Mas maganda pala ito sa malapitan. Inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Maraming puno ng ibat ibang prutas ang nakikita ko. Sa kanang bahagi ay malawak na parang. Sa dulo niyon ay natatanaw ko ang isang malaking puting mansion.

Marami ding tao at sa nakikita ko ay mukang naghaharvest sila ng mga prutas. Iginaya ako ng tatlong matanda kung saan nandon sa basket ang mga mangga na naharvest na. Sobrang dami nito. Ang iba nga ay nakalatag sa carabao grass na sinasapinan ng mantel.

Naroon din ang mga tao na pinipilian ang mga prutas. Nang makalapit kami ay agad akong pinagtinginan ng mga tao.

"Sino yan?"

"Kilala mo ba?"

"Mukang bago lang rito"

"Oo nga. Ngayon ko lang siya nakita"

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon