Chapter 4

5.4K 145 5
                                    

Chapter 4

Tulala ako ng iwan ako ni Dad pagkatapos ng sinabi niya. Hindi ko sila maintindihan. Bakit lahat sila ay sinasabing layuan ko ang blue eyes na yon? Ano bang meron sa kaniya?


Tiningnan ko ang basket ng mangga na nilahad sa akin ni Dad kanina. Walang reaksiyon lang akong nakatingin roon. Ang sabi ni lolo ay bigay daw ito ng kanilang senior.




The question is , why did he gave me this? Anong kapalit nito?



Napabuntong hininga nalang ako bago pumasok sa loob. I can feel that something strange is happening. Inilagay ko ang basket sa kwarto namin ni Ika. Tulog na siya pagbalik ko.



Humiga nalang ako sa maliit na kama sa taas at tumitig sa kisame. Hanggang ngayon ay iniisip ko parin kung anong problema nila. Bakit nila sinasabi sa akin na layuan ko ang blue eyes na iyon? Eh hindi ko nga iyon kilala.




Tapos ang weird pa ng mga sinabi ni Ika kanina. Mas lalo lang akong na curious sa mga Dela Fuente.



Nakatulugan ko na ang pagiisip na iyon. Gaya kahapon ay si Ika nalang ang naabutan ko sa bahay. Maaga daw kasing umalis sina Mommy. Hindi ko alam kung nakahanap na ba siya ng trabaho.



Lumabas ako ng bahay at nakitang may bisita si Ika. Kilala ko ang isa sa kanila. Siya yong may weird na buhok.



"Good morning manila girl"bati ni Obet. May dalawa siyang kasama na na kuryusong nakatingin sa akin. Tipid akong ngumiti.



"Stop calling me that"puna ko. Ngumuso naman ang lalaki. "Eh anong gusto mo? Babe—aray! Gago to!"reklamo niya ng batukan siya ng kasama niya. Napairap tuloy ako.



"Ahh Siah , sina Miko nga pala tapos si Tina"pakilala niya sa dalawang kasama niya na ngumiti sa akin at kumaway. Muka naman silang mabait.


"Ako hindi mo papakilala?"singit ni Obet.


"Pinakilala na kita kahapon"irap ni Ika sa kaniya. Kumamot naman sa ulo ang katabi niya.


"Siya nga pala Siah. May game kami ngayon. Gusto mong manood?"yaya ni Miko. Tumango naman sina Ika sa sinabi niya.


"Oo nga Siah. Masaya don"sang ayon nila. Basketball? Hindi naman masama ang manood diba? At saka ayokong ma bored rito sa bahay.


Tumango ako sa kanila kaya isinama nila ako sa covered court na sinasabi nila. Pagdating namin doon ay sobrang dami ng tao. Marami ring nagtitinda ng mga street foods sa gilid.



"League ba to?"tanong ko. Masyado kasing madaming tao para sa isang simpleng laro. Tumango si Ika sa akin. Iginaya naman kami nina Obet at Miko sa unahang upuan. Ang sabi nila ay nireserve yon para sa VIP.




"Ahh oo"tango ni Ika. Masayado nang maingay kaya kinailangan niya pang bumulong sa akin. Nang makaupo kami sa unahan ay inilibot ko ang tingin ko. Hindi pa nagsisimula ang laban. Naghahanda pa lang ang mga player. Umalis narin sa tabi namin sina Obet at Miko. Magbibihis kasi ang mga ito ng uniform nila.



Naiwan kaming tatlo nina Tina. Inilibot ko ang patingin ko at dumako ang mata ko sa dulo ng court kung saan may stage. Ngayon lang ako nakakita ng covered court na may stage sa unahan. Mukang ganito talaga sa probinsya.



May lamesang nakalatag doon at nakaupo ang sampung tao. Hindi ko iyon kilala pero isa lang ang umagaw ng atensiyon ko. Siniko ko si Ika sa tabi ko. Tumingin naman siya sa akin.


"Nanonood ng basketball ang mga Dela Fuente?"tanong ko. Tumingin siya sa may stage.



"Oo , hands on kasi si gov. kapag ganitong liga" paliwanag niya. Napatango naman ako. "Eh bakit kasama yung apat niyang anak na asul din ang mata?"


Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon