Chapter 16

4.7K 127 2
                                    

Chapter 16

"I want you to marry me"



Para akong nabingi sa sinabi niya. Hindi mag sink in sa utak ko. Anong kalokohan ang pumasok sa utak niya? Mataman lang siyang nakatingin sa akin at pinag mamasdan ang itsura ko.




"H-ha?"tanging nasambit ko nalang. Napahinga siya ng malalim at kinuha sa gilid ko ang damit kong hinubad kanina. Tumingin siya sa akin at isinuot iyon sa katawan ko.




Nang makabawi ako sa pagkakagulat ay umiling ako sa kaniya. Alam ba niya kung anong lumalabas sa bibig niya? Hindi biro ang kasal. At isa pa, bakit  gusto niyang pakasalan ko siya?





"You're insane"iling ko. Sumeryoso ang muka niya. "I'm dead serious , Siana"aniya. Kumalabog ang puso ko dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay binanggit niya ng buo ang pangalan ko. Hindi ako makapaniwala sa sensiridad ng tono ng boses niya.





Hinawakan niya kamay ko at dinala iyon sa mga labi niya upang hagkan. Parang may dumaloy na boltahe ng kuryente sa buo kong katawan. Na ni minsan ay hindi ko naranasan sa tuwing si Kiro ang hahawak sa akin.





"Pakasalan mo ko"mahinang aniya habang nakatitig sa mata ko. Nagulo ang utak at sestema ko dahil sa mga sinabi niya.





Is he proposing? Dang it!




Muli akong umiling at binawi ang kamay kong hawak niya. Nalukot ang muka niya at nakita ko ang pagdaan ng sakit sa kaniyang bughaw na mga mata. Kumunot ang noo ko ng makaramdam ng kirot dahil sa nakikitang ekspresyon niya.






"No"aniko. Umigting ang panga  niya. Bumilis ang kaniyang paghinga na animo ay nagpipigil ng galit.





"Why not?"galit ang tono ng boses niya. Napalunok ako sa takot. Dapat ay hindi na niya tinatanong ang bagay na iyon. Syempre hindi ko siya papakasalan. Bukod sa hindi ko siya mahal ay may nobyo ako na nasa manila.




"Marriage is sacred Yue. Hindi yon basta basta pinupulot lang. At isa pa ,bakit mo ba ako gustong pakasalan? Sa pagkakatanda ko ay wala naman tayong relasyon. Higit sa lahat hindi kita mahal"deretsong sabi ko. Mabuti ng magkaliwanagan kami na imposible ang gusto niyang mangyari.




Dumilim ang mga mata niya sa sinabi ko. Ganon nalang ang gulat ko ng itulak niya ako pahiga sa kama. Napasigaw ako sa gulat ng pumatong siya sa akin. Akala ko ba ay hindi katawan ko ang habol niya? Eh bakit siya nasa ibabaw ko?




Kumalabog ang puso ko sa posible niyang gawin. "W-what are you doing?"takot kong tanong. Sobrang lapit ng muka niya sa akin at naamoy ko ang mabango niyang hininga.




At naiinis ako kasi para akong nilalasing ng mabangong amoy niya. Natatakot ako na baka maulit ang nangyari nung  nakaraan na bumigay ako sa kaniya.




"Is it because of him?"galit niyang tanong. Alam ko kung sino ang tinutukoy niya. Pero hindi ko maintindihan kung bakit nagdalawang isip ako na kumpirmahin ang kaniyang tanong. Dahil ba alam kong masasaktan siya? Eh ano namang pakialam ko kung masaktan nga siya?





"Answer me Siah"seryosong wika niya. Napaiwas ako ng tingin. Ayaw kong makita ang muka niya kasi baka hindi ko masabi.




"Y-yes. I love Kiro"nanginginig kong ani. Bumaling ako sa kaniya ng umalis siya sa ibabaw ko upang kunin ang baril na nilapag niya sa side table kanina. Dumagundong ang puso ko sa takot ng ikasa niya ang baril at ilagay sa likod ng pantalon niya.




Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon