Chapter 18

4.8K 118 1
                                    


Chapter 18

Maaga akong nagising ngayong araw dahil pupunta kami ni Ika sa lungsod para mag enrol. Bukod doon ay ililibot din ako ni Ika sa bayan na tinatawag nila. Iyon daw ang sentro ng buong probinsya. Naroon daw ang lahat ng mga establesemento na gaya ng mga mall , super market at mga malalaking tindahan. Pati ang unibersidad ay naroon din.


Dalawang oras ang biyahe at sumakay lang kami sa tricycle upang makarating ron. Nag suot lang ako ng fitted high waisted jeans and black long sleeve na kita ang balikat ko.
Pagkatapos ay pinarteran ko iyon ng black leather shoes na may three inches na takong. Isang maliit na shoulder bag lang din ang gamit ko habang dala ko naman ang folder na naglalaman ng mga kakailanganin ko sa pag eenrol.



Medyo na eexcite ako sa bago kong school. Second year na kasi ako ngayong taon sa kursong  pang agrikultura. Tahimik lang ako sa biyahe namin ni Ika. Nalaman ko ngayong araw na Erika pala ang tunay niyang pangalan kasi nabasa ko sa certificate niya kanina. Kaya pala Ika ang palayaw niya.



Nakatanaw ako sa labas ng tricycle at pinagmamasdan ang mga bahay at palayan. Buong akala ko ang  probinsiyang ito ay  isang napaka boring na lugar. Yung tipong hindi na aabot ng saklaw ng gobyerno. Pero nagkamali ako. Dahil sa totoo lang , ang probinsiyang ito ang pinakamagandang lugar na napuntahan ko. Sobrang dami kasing tourist spot dito. Maraming magagandang tanawin na pasok sa mga banyaga. Maunlad rin ang pamumuhay nila kahit na halos ilan sa mga tao rito ay naninilbihan lang sa pamilya ng Dela Fuente.



Ika told me that Governor Dela Fuente is a good leader. Wala man sa hitsura nito at sa history background pero marami ang rumerespeto sa kaniya dahil siya ang dahilan kung bakit masagana ang kanilang lugar. Maayos daw kasi itong mamuno at talagang aktibo pagdating sa pangangailangan ng mga tao. Meron nga daw itong pa scholarship sa mga kabataan na hindi kayang pag aralin ng mga magulang. Malaki rin daw ang donasyon na binibigay nito sa simbahan.



Tuwing nagkakaroon ng kalamidad ay hindi daw ito pumapalyang mag abot ng tulong. May charity din daw ito para sa mga ulilang bata. Hindi man kapani-paniwala pero iyon daw ang totoo. Malaki ang pasasalamat nila sa mga Dela Fuente kahit na nakakatakot ang mga ito. Ang sabi pa nga niya ay hulog daw ng langit sa kanila ang gobernador. Ang kaso nga lang daw ay masama itong magalit.




Napapaisip tuloy ako sa lahat ng mga sinabi niya sa akin. Is it possible for someone to be good and bad at the same time? Naalala ko tuloy ang sinabi ni Tina sa akin. Hindi mo daw mababasa ang tunay na ugali ng isang Dela Fuente. Masasabi mo na mabait sila pero masama rin.



"Nandito na tayo"deklara ni Ika. Huminto ang sasakyan sa harap ng isang waiting shed. Nagbayad kaming dalawa bago lumabas ng tricycle. Napamaang nalang ako sa ganda ng lugar. Hindi ko akalain na nasa probinsya ako. Sa nakikita ko kasing mga gusali ay para akong bumalik sa maynila.



Malawak ang kalsada at maraming sasakyan ang dumadaan. Kaliwat kanan rin ang mga tao. Ang mga gusali ay nasa gilid.


Province of Laguna is good than I thought.


"Wow , akala ko hindi ako makakakita ng mall rito"manghang ani ko. Naglalakad kami ngayon patungo sa university na sinasabi niya. Narinig ko siyang tumawa.



"Laging nakatago ang hiwaga ng isang lugar"aniya. Sumang ayon naman ako. Napangiti pa nga ako ng makakita ng mcdo sa kabilang kalsada. Mag memerienda ako ron mamaya.




Hindi din nagtagal at tumigil na kami sa isang napakataas na gate na bakal. Sa ibabaw nito ay nakalagay ang pangalang 'St. Francis University'. Mukang ito na yon. Humarap sa akin si Ika ng nakangiti.



Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon