Chapter 7

5K 136 1
                                    


Chapter 7

Lumabas ako ng bahay kung saan naroon ang magaling na lalaki. Nakaharap ito sa akin at nakapamulsa.


Diretso lang ang lakad ko habang dala dala sa kaliwang kamay ko ang basket ng mangga. Kung ito lang din naman ang dahilan kung bakit niya ako ginugulo ay isasaksak ko ito sa baga niya.

Matapos ang nalaman ko kanina ay nakabuo agad ako ng desisyon. This man infront of me is a devil. Gaano man siya kagwapo ay hindi inaalis non ang mantsang nakadikit sa apelyido niya.


Sino ba naman kasing matino ang papatay para lang sa pag ibig? May sayad yata sa utak ang pamilya niya.


Just like what Ika said. They have the worst history of love. O talaga bang matatawag iyong pag mamahal. Ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ako pinapaiwas nina lola.

Nang makalapit ako sa kaniya ay mabilis pa sa hangin na umigpas ang palad ko sa pisngi niya. Rinig ko ang mga singhapan ng mga taong nakakita sa amin.


Madami kasing chismosa ang nakakalat sa paligid.

Tumabingi ang ulo ni Yue pakanan dahil sa ginawa ko. Alam kong posible siyang magalit pero wala akong pakialam. Kulang payan sa ginawa niya kahapon.


"Sinampal niya ang senior"

"Alam ba niya kung anong ginagawa niya?"

"Siguradong mapaparusahan siya"

"Kawawa naman"


Rinig ko ang mga bulungan nila pero hindi ko na iyon ininda. Masama ang tingin ko sa lalaking kaharap ko.


"That is for what you did yesterday"I said seriously as I throw the basket of mangoes infront of him. Hindi pa siya nakakabawi sa ginawa ko. Mukang nagulat siya at hindi iyon inaasahan.


"And here's your mangoes. I won't date you"mariing aniko. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at tumalikod na ako.


Pero hindi pa ako nakakahakbang ay hinila niya ang braso ko upang isandal sa sasakyan niya. Nahigit ko ang hininga ko dahil doon. Sumalubong sa akin ang asul niyang mga mata. Seryoso ang muka niya at nakakunot ang noo. Sa hitsura niya ngayon ay parang galit na galit siya.



Pero kahit ganon ay nakapa unfair na hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan niya. Bagkus ay mas lalo pa iyong nadagdagan. Hindi ko akalain na may ganito palang tao. Gwapo kapag galit.  Bukod don ay naaamoy ko rin ang mabango niyang hininga ng ilapit niya ang muka sa akin. Ano kayang gamit niyang mouth wash?



Gusto kong sakalin ang sarili ko ng maglandas ang tingin ko sa muka niya. Mula sa makapal na kilay , bughaw na mata na talagang nakakaakit , matangos na ilong , maputing balat at pulang labi.



Kumunot ang noo ko ng tingnan ang makasalanang labi na iyon. Agad kumulo ang dugo ng maalala ang nangyari kahapon.

Nilabanan ko ang masamang tingin na ipinukol niya sa akin. "No one could ever laid their hand on my face"he seriously said. Kumabog ang puso ko dahil don.



Sa mga tingin niya ngayon ay para siyang papatay ng tao. Pakiramdam ko ay isang maling kilos ko lang ay baka sakalin niya na ako. Pero kahit ganon ay nanatili parin ang galit ko sa kaniya. Nakuha ko pa ngang ngumisi para asarin siya kahit na sobrang lakas na ng tibok ng puso ko.


"Oh really? Sorry pala kung ganon , nagawa ko na eh"asar ko na sana ay hindi ko nalang pala ginawa. Mas lalo kasing dumilim ang ekspresyon ng muka niya.


Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon