Final Chapter

5.8K 129 3
                                    

Final Chapter

Leaving my hometown is a good choice. Marami akong napagdaan pero worth it ang lahat ng yon. Akala ko nung una ay magiging napaka boring ng probinsiya ni Dad. Pero hindi. Especially when I met the first son of the governor.

I hate him , really. Umabot sa punto na kinamuhian ko siya dahil sa lahat ng ginawa niya. He always do things that against my will.

Pero sa lahat ng nangyari ay natutunan ko ang mga bagay bagay. Ni hindi na nga naalis sa utak ko ang sinabi ni Vio eh. 'Not all villains are bad'. Natuto akong huwag humusga ng tao base sa nakikita ng mata.

"Siah , nandiyan na sundo mo"rinig kong ani Ika. Napangiti ako. Dali-dali akong lumabas ng kwarto namin.

Paglabas ko ay bumungad sa akin ang bughaw niyang mga mata. Ang walang hiyang lahi ni Leonardo DiCaprio. Napangiti ako. Naglakad siya palapit sa akin at hinapit ang bewang ko.

"I miss you"bulong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Nagkita lang tayo kahapon"aniko.

Yue and I , we started a new. Hinayaan niya akong bumalik sa bahay nina Lola para makapag simula kami ng bago. Niligawan niya ako ulit. Yung matinong panliligaw na. Hindi na niya ako binibigyan ng kung ano-anong hayop. Kasi talagang babastedin ko siya kapag inulit niya pa iyon.

Umamba siyang hahalik sa akin pero iniiwas ko ang muka ko. Sumimangot siya. "Hindi pa kita sinasagot"paalala ko. Mas lalong humaba ang nguso niya.

"Asawa na kaya kita"maktol niya.

"We are staring a new Mr. Dela Fuente"aniko. Walang bisa sa ngayon ang kasal na sinasabi niya para sa akin. Sa ngayon ay single pa ako at nanliligaw siya.

"I know, I know" wika niya at pinagbuksan na ako ng kotse. Sumakay ako sa loob nun ng may ngiti sa mga labi. These days , I realized what I really feel for him.

I love Yue , sigurado ako ron.

Matagal bago ko naamin iyon sa sarili ko. Natatakot kasi akong aminin na gusto ko na talaga siya. Na nagkakaroon na siya ng puwang sa puso ko. Pero ngayon , malinaw na sa akin ang lahat.

Kung bakit bumibilis ang tibok ng puso ko tuwing malapit siya , kung paano ako nahihipnotismo sa tuwing tumitingin sa mga asul niyang mata at kung paano ako bumigay sa tuwing lumalapat ang labi niya sa akin. The answer is right here in my heart.

Ayaw lang lumabas dahil mas nanaig sa akin ang kaalaman na galit ako sa kaniya. Na ayaw ko sa kaniya. But now , it was all in the past.

Masaya na ako ngayon. Although hindi ko pa sinasabi ang tatlong salita na iyon kay Yue. Hindi pa kasi ako handa at nahihiya ako. Halos ipamuka ko na sa kaniya nuon at paulit ulit ko na sinasabi na hinding hindi ko siya magugustuhan. Pero anong nangyari? Kinain ko lahat ng sinabi ko. Busog na busog pa nga ako eh.

Totoo talaga yong sinasabi nila na 'the more you hate , the more you love'. Because the more I hate Yue , the more my hear beat fast for him.

Pinaandar niya ang sasakyan ng may ngiti sa labi. "Where do you want to go?"tanong niya. Nag isip ako , sunday ngayon at walang pasok kaya nagyaya siyang mag date.

"Hmmmm , mall?"I suggest. Ngumisi siya. "You mean our mall?"

Umikot ang mga mata ko. Nito ko lang nalaman na sila pala ay may ari ng malaking mall sa town. Kaya pala D.F mall ang nakalagay. Meaning 'Dela Fuente'. I wonder kung ano ano pa ang mga properties nila.

Nag date lang kami buong maghapon. Nung gabi ay umuwi kami sa bahay namin. Hindi niya kasi ako binalik kina Lola. Halatang halata na may balak ang walang hiyang lahi ni Jack. Hindi na nga ako nagulat ng paulanan niya ako ng halik pagkapasok namin.

Hindi na kami umabot sa kama dahil masiyado siyang nagmamadali. So we ended up making love in the living room. Ang sakit nga ng likod ko dahil sa sofa eh. Hayop na lalaki. Puro pasarap lang sa buhay.

"What are you thinking?"tanong niya. Sinisimulan na ulit na patakan ng halik ang leeg ko.  Hindi ba siya napapagod? Magmamadaling araw na kaya.

"Nothing"aniko. Nakasandig ako sa dibdib niya habang nababalot ng kumot ang buo kong katawan.

"Are you sure?"paninigurado niya. Napabuntong hininga ako. Sa totoo lang ay iniisip ko si Kiro. Kamusta na kaya siya? Ang huli kong kita sa kaniya ay sa kulungan. Sinampahan kasi siya ng kaso nina Yue for harassment and kidnap.

Nag sorry siya sa akin dahil hindi niya daw sinasadya ang nangyari. Alam ko naman iyon dahil lango lang siya sa droga. Bukod don ay mabait ang kilala kong Kiro. Hindi lang siya ang humingi ng tawad dahil nag sorry din ako sa kaniya.

Kung hindi naman kasi dahil sa akin ay hindi siya mag kakaganoon. Nalaman rin ng pamilya niya ang nangyari. Nakiusap sila na iatras ang kaso kay Kiro. Gusto ko mang gawin yon dahil kahit ganon ay may pinagsamahan din kami. Pero hindi kasi ako ang may hawak ng kaso niya kundi si Yue.

Kinausap ko siya tungkol don pero ayaw niyang pumayag. Kung hindi pa ako umiyak sa harapan niya ay hindi siya kikibo. Pero kahit inatras na niya ang kaso ay nakulong parin si Kiro.

Gumamit kasi siya ng pinagbabawal na gamot kaya wala siyang takas sa awtoridad. Hinarap ko si Yue na hinahaplos ang buhok ko.

"Sa tingin mo , pwede kaya nating piyansahan si Kiro para makalabas na siya?" Sumama ang muka siya sa narinig.

"You're thinking of him?"malamig na tinig na aniya. Napalunok tuloy ako sa  kaba. Napaka seloso talaga.

"Hindi naman sa ganon. Iniisip ko kasi na kaya natin siyang tulungan. Kilala ko si Kiro. Hindi siya masamang tao. Alam kong kaya niyang magbagong buhay"paliwanag ko. Hindi siya natinag at masama parin ang tingin sa akin.

Lumapit nalang ako sa kaniya at hinalikan ang tungki ng matangos niyang ilong. "Hear me out please?"pagpapacute ko. Sumimangot siya.

"Dinadaan mo na naman ako sa ganiyan"ismid niya. Napangiti ako. Hinawakan ko ang dibdib niya at hinaplos iyon. Kita ko kung paano siya lumunok sa ginawa ko.

"It won't work"

"Really?"tuya ko. Binaba ko ang muka ko upang mahalikan ang kaniyang leeg. Ramdam ko humawak siya sa bewang ko. Sa isang iglap ay nagkapalit kami ng posisyon. Siya na ngayon ang nasa ibabaw at humahalik sa leeg ko.

"Is that a yes?"

"No"ngumuso ako. "Hayaan mong pagbayaran niya ang mga ginawa niya. Choice niya ang gumamit ng droga kaya harapin niya ang mga consequences non"dugtong niya pa. Hindi na ako sumagot dahil totoo naman ang sinabi niya. Makakalabas din siya sa kulungan. And when that time comes. I know he will start a new life just like what I did. I know someday , he will find the right girl for him.

Yung hindi siya sasaktan gaya ng ginawa ko.

Tumigil ako sa paghalik sa kaniya at ngumiti. Hinawakan ko ang pisngi niya.

"I love you"bulong ko. Sa wakas nasabi ko rin ang tatlong salitang hinihiling niyang marinig mula sa akin.

Natulala siya sa sinabi ko kaya natawa ako. Inilapit ko ang muka ko sa kaniya.

"I love you , I love you , I love you so much"ngiti ko. Mas ngumiti pa ako ng makita ang luhang lumandas sa mga pisngi niya.

"I thought I would never ever hear those words coming from your lips Siana. You made me so happy"aniya.

My smile faded when he suddenly enter my core and started to thrust himself inside me, deeply.

Tang ina kang walang hiyang lahi ni Leonardo DiCaprio ka!

"You should inform me!"

"I'm sorry baby, don't worry I'll ask for  permission next time"

••••••••••••••••••••

-Epilogue next!😊😊😊

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon