Chapter 31

4.5K 121 6
                                    

Chapter 31

Lumabas ako ng kwarto ni Dad na iniisip ang pabor niya. Hindi ko yon gusto pero wala na akong choice. Baka kasi pag tumutol ako ay atakihin siyang muli.

Naglakad nalang ako papunta sa counter upang magbayad. Nag iisip ako ng paraan kung paano ko gagawin ang gusto ni Dad. How would I save his company? Ang sinabi niya lang ay kapag nawalan ng bisa ang kasal namin ay babawiin ng mga Dela Fuente ang kompanya. Hindi iyon mahirap dahil pera nila ang nagastos mabalik lang sa Daddy ko ang pangalan ng kompanya namin.

Ibig sabihin ay kailangan kong pigilan ang desisyon ni Yue na makipag annull. Ang tanong ay paano ko gagawin? Pupuntahan ko ba siya sa mansion? At paano naman ako makakasiguro na makakausap ko pa siya?

Ni hindi na nga yon nagpapakita sa akin eh. Malamang na hindi na niya gustong makita ang muka ko. Hindi ko naman siya masisisi dahil ilang beses ko siyang sinaktan.

Lutang ang isip ko ng magtanong ako sa nurse tungkol sa bill ni Dad. Nabalik lang ako sa huwisyo ng sabihin niyang bayad na iyon.

"Pardon?"

Ngumiti ang payat na nurse sa akin. "Bayad na po ang bills ni Mr. Feleno"aniya. Ha? Paano nangyari yon? Eh hindi pa naman kami nag babayad.

"What? Miss hindi pa kami nagbabayad"taka kong ani. Baka naman nagkakamali lang siya.

"No po Mrs. Dela Fuente. Binayaran na po ng senior ang mga bills"ngiti niya. I sighed.

"You mean Yue Dela Fuente?"

"Yes po Ma'am. Asawa niyo po" hagikgik niya na kinilig ng banggitin ang salitang asawa.

Bakit naman babayaran ni Yue ang hospital bills ni Dad? Tumango nalang ako sa nurse. Umalis ako ng counter bago binalikan si Ika sa kwarto ni Dad. Uuwi kasi kami ngayon dahil parehas kaming may pasok bukas.

Nagpaalam lang kami kina Lolo , Lola at Mommy. Tulog na si Daddy kaya hindi na ako nag abala pang gisingin siya upang mag paalam.

Sumakay kami ng taxi ni Ika pauwi. Tahimik lang ako sa biyahe habang iniisip kung anong gagawin ko.

I need to talk to him just like what my father want me to do. Kailangan ko siyang kombinsihin na wag ituloy ang annulment kahit pa iyon ang gusto ko.

•••••••••••••

"Una na ako pinsan!"rinig kong sigaw ni Ika sa labas.

"Okay! Ingat ka!"

Inayos ko ang higaan ko bago humarap sa salamin ng tukador. Mamaya pa naman ang class ko pero nakabihis na ako. Sinuklay ko ang buhok ko bago nag lagay ng kilay at konting lipstick.

Hinayaan ko lang na nakalugay ang buhok ko. Im wearing a button down long sleeve polo. I paired it with my black skinny jeans and white sneakers.

Nang maging presentable na akong tingnan ay lumabas na ako ng kwarto. I've decided last night that I'll going to talk to him today. Makikipag deal ako sa kaniya ng kung ano ano basta hindi niya lang ituloy ang pag file ng annulment papers.

Because being annulled with him means giving my father a head ache and stress. Kapag nangyari yon ay baka atakihin na naman siya.

Sumakay ako ng multi-cab papunta sa mansion ng mga Dela Fuente. Pagdating ko don ay ilang beses muna akong nag exhale and inhale bago ngumiti sa guard.

"Miss Siah?"tawag niya. Mas lalo akong ngumiti.

"Hi! Good morning! Can you open the gate? Kakausapin ko lang si Yue"aniko. Pero umiling ang guard kaya kumunot ang noo ko.

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon