Chapter 21

4.8K 124 14
                                    

Chapter 21

Patuloy ang pag agos ng luha ko habang tahimik na umiiyak sa loob ng kwarto namin ni Ika. Hindi parin ako makapaniwala sa sinabi ni Dad. Anong nangyari at nagbago bigla ang isip niya? Bakit gusto niyang pakasalan ko na ang walang hiyang Dela Fuente na iyon?



Pinahid ko ang luha kong dumaloy sa aking pisngi. Wala akong ibang maisip na dahilan kung paanong nag iba ang takbo ng utak ni Daddy. Ilang beses ko siyang tinanong kung bakit biglang ganon ang desisyon niya pero hindi niya ako sinasagot.



Ang paulit-ulit niya lang na sinasabi ay ang pakasalan ko si Yue. Na sumunod na lamang ako sa gusto ng lalaki. Ang sabi pa niya ay mas mabuting makipag hiwalay na ako kay Kiro habang maaga pa. Like what the fuck? Bakit ko hihiwalayan ang lalaking mahal ko?



At bakit kailangan kong pakasalan ang hayop na lalaki na iyon?! Hindi ko siya mahal!! Ayokong matali sa kaniya. Hindi ko pinangarap sa buong buhay ko ang makasal sa taong hindi naman itinitibok ng puso ko.



Patuloy ako sa pag iyak hanggang sa makatulugan ko na iyon. Kinabukasan ay niyaya ako ni Ika namamasyal pero tumanggi ako. Wala ako sa mood para don. Alam ko naman na niyaya niya lang ako kasi gusto niyang pansamantala ko munang makalimutan ang problema. Pero paano ko makakalimutan iyon kung sa araw-araw na nagdaan ay may nagpapadala sa akin ng kung ano-ano.

Tuwing umaga nalang ay nakakatanggap ako ng bulaklak galing kay Yue Dela Fuente. Kung hindi bulaklak ang matatanggap ko ay puro hayop. Like what the fuck?! Anong naisip niya at pinadalhan niya ako ng tatlong baka?!


Inis na inis ako habang nakatingin sa malaking truck sa harap ng gate namin. Kahit sina Mommy , Lola, at Ika ay nagtataka. Limang tauhan ng hacienda ang sakay ng truck. Nakangiti itong lumapit sa amin. Anong gagawin ko sa baka?!


"Miss Feleno. Pinabibigay po ng senior ang tatlong baka na ito sa inyo"anang matandang lalaki. Tumingin ako sa paligid kung saan nakikiusyuso ang mga tao. Sumama ang muka ko.

"Ano hong gagawin ko riyan?"inis kong tanong. Ayaw ko mang maging bastos pero hindi ko na napigilan. Nung isang araw lang ay apat na baboy ang pinadala. Ngayon naman ay baka! Anong karantaduhan ang pumasok sa utak niya?!



"Bahala na raw ho kayo"mas umusok ang ilong ko sa inis.

"Ang sweet namang manligaw ng Senior"

"Oo nga , tatlong baka agad."rinig kong hagikgikan ng mga babae sa paligid. Nag igting ang panga ko.


At oo , ang tang inang lahi ni Leonardo DiCaprio ay nililigawan ako! Matapos sabihin ni Dad na pumapayag na siyang pakasalan ko ang lalaking iyon ay nagsimula na sa pangliligaw ang bwusit na Dela Fuente. Lagi nalang akong nagagalit sa tuwing nakakatanggap ako ng kung ano-ano galing sa kaniya.



Tinatapon ko lang naman ang mga bulaklak na pinapadala niya. Kaya bakit pa siya nag aabala? At talagang ang lakas ng loob na manligaw gayong engage na kami ng hayop na yon! Galit akong pumasok sa loob ng bahay. Bahala si Mommy sa gusto nilang gawin sa baka. Pero alam ko naman ang nasa isip nila. Ibebenta nila yon gaya ng ginawa nila sa baboy.


Pabalang kong isinara ang pinto ng kwarto at impit na nagsisigaw sa inis at pagkamuhi ko kay Yue. Hanggang ngayon ay hindi pa din ako makapaniwala. Buti nalang at hindi pa siya nagpapakita sa akin dahil talagang hahampasin ko siya ng dos por dos na kahoy.


"I hate you!! I hate you!!"sigaw ko. Nanlabo ang mata ko at umupo sa kama ni Ika. Napahinga nalang ako ng malalim. Kinuha ko ang cellphone ko sa may tukador at idi-nial ang number ni Kiro. Tanging boses nalang niya ang pinag kukunan ko ng lakas. Kahit na lagi akong kinakain ng guilt ko dahil alam ko sa sarili ko na niloloko ko na siya.

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon