Chapter 28

4.6K 118 0
                                    

Chapter 28

Hindi ko alam kung paano ako nakatulog ng gabing iyon. Basta pag gising ko ay wala na si Yue. Malamang na nasa hacienda na naman siya. Bumangon ako sa kama upang maligo. Pagkatapos ay bumaba na ako  upang mag agahan.

Pagbaba ko sa sala ay naabutan ko si Donya Feliza. Ito ang unag pagkakataon na nakita ko siya ng ganito kaaga sa mansion. Kadalasan kasi ay maaga siyang umaalis. Nakaupo siya sa may sofa at nakaharap sa loptop niya. Nakasuot siya ng pang opisina.

Nang makita niya ako ay ngumiti siya. Klase ng ngiting hindi mo kayang balewalain. "Good morning hija"bati niya. I smiled back. "Good morning po"

Naglakad ako palapit sa kaniya dahil magmumuka naman akong bastos kung hindi ko man lang siya lalapitan.

"How are you?"she asked me when I sat on the other sofa. I stopped for a second before I fake a smile.

"I-Im good po"I said , diverting my eyes on her. I heard her sighed.

"Hindi mo naman kailangang magsinungaling hija"aniya. Ang mga mata ay may bahid ng kalungkutan. Bakit ba sobrang bait niya?

"Wala naman po akong choice diba?"tanong ko. Inilagay ko ang mga kamay ko sa hita ko at tumungo.

"No , hija. You're wrong. We are always have a choice"aniya. Hinawakan niya ang kamay kong nasa hita ko kaya tiningnan ko siya.

"Ang anak kong si Yue , siya iyong tipo ng taong hindi mahilig makihalubilo. Seryoso siyang lalaki , hindi marunong makipag biruan , at mahirap siyang patawanin. Sa madaling salita—wala siyang pakialam sa paligid niya. But when you came he learn how to love and care"kwento niya.

Mukang alam ko na kung saan patungo ang usapan na ito. "He's evil"mahina kong saad. Ni hindi ko na inisip kung magalit siya sa akin dahil sa paratang ko sa anak niya. Pero yon naman kasi ang totoo.

"Yon ang akala ng lahat......yon din ang tingin nila sa mga Dela Fuente. Pero para sa akin , bilang lubos na nakakakilala sa kanila ay hindi naman talaga sila masama. Infact , Dela Fuente's family is the most amazing clan I ever seen"may kislap ang mga mata niya habang sinasabi iyon.

Sa hitsura niya ngayon ay wala man lang mababakas na galit dahil diba ang pumatay sa pamilya niya ay ang gobernador? Kaya hindi ko maintindihan.

"Hindi ka po galit sa kanila?"kunot noong tanong ko.

"Bakit naman ako magagalit?"

"Because governor Dela Fuente killed your parents"sabi ko. Bahagya siyang natawa at umiling. Mas lalo akong na curious.

"Yon ang alam ng lahat"

"What?"

"Arnaldo didn't do anything. Hindi niya pinatay ang pamilya ko. Ang tanging totoo lang sa mga kwento ay ang pinilit niya akong magpakasal sa kaniya. Just like what my son did to you"

"Ha? Pero iyong ang kwento ng lahat"hindi makapaniwalang aniko. Mas lalo akong naguluhan. Ano ba ang totoo?

"Gaya ng sabi ko, yon ang pinananiniwalaan ng lahat. Tanging ang buong angkan lang ng Dela Fuente ang nakakaalam ng totoo. My parents , they are drug addict. Lumaki ako sa poder nila ng puro pasakit lang. They are always hurting me. Merong paulit ulit akong sinasampal ng inay  ko samantalang pinapaso naman ako ng sigarilyo ng itay ko. My childhood is a nightmare"kwento niya. Natigilan naman ako.

Tanging ang mga Dela Fuente lang ang nakakaalam ng totoo? Kung ganon bakit niya sinasabi sakin ang mga bagay na ito? At bakit hindi man lang nililinis ng mga Dela Fuente ang pangalan nila?

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon