Chapter 32

4.7K 117 1
                                    

Chapter 32


Ilang sandali kaming natahimik ni Yue. Hanggang siya na mismo ang bumasag sa nakakabinging katahimikan.

"Why don't you sit?"

Ngayon ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatayo. Uupo na sana ako sa kaharap niyang upuan pero nagsalita siya.

"Sit on my lap"he said. Agaran ang pag angat ng tingin ko sa kaniya. Sit on his lap? Again?! And then what? Baka bumigay na naman ako sa kaniya. Hindi pwede!

"Ayoko. Momolestiyahin mo lang ako"aniko at umupo na sa harap niya. Tumaas ang kilay niya. Totoo naman kasi. The last time I sat on his lap we almost have sex. Kung hindi lang ako natauhan ay baka hindi na ako birhen ngayon.

Hindi naman siya nagsalita at sumandal nalang sa upuan niya. "Let's make your deal clear"aniya. Tumango ako.

"Gagawa ka ng kontrata gaya ng sabi ko"he nodded.

"Exchange of everything I want right?"

"Yes"

"Our house is almost done. Lilipat na tayo ron sa isang araw"aniya. Oo nga pala , nagpagawa siya ng sarili naming bahay sa malawak na lote ng kanilang lupain. Milya lang ang layo non sa mansion nila.

"Okay"sagot ko nalang. Ngumisi siya na parang natuwa dahil hindi ako tumutol. Napairap tuloy ako. Tumayo siya at naglakad palapit sa akin. Hindi ko napigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"Stand up"utos niya. Tumaas ang kilay ko. Bakit niya ako pinapatayo?

"What?"

"Tumayo ka"umirap ako. As if naman hindi ko naintindihan ang sinabi niya. "I know what its mean okay? Ang tinatanong ko ay para saan at pinapatayo mo ako?"

"Akala ko ba gagawin mo ang lahat ng gusto ko ng walang reklamo?"tuya niya , nakataas ang kilay. Inis akong tumayo.

"Oh ayan na—"napasinghap ako ng ikulong niya ako sa mga bisig niya upang yakapin ng mahigpit.

"I miss you so much"rinig kong bulong niya. Parang hinaplos ang puso ko dahil don. Ewan ko ba pero biglang pumayapa ang katawan ko sa yakap niya. It feels like I'm safe whenever I'm in his arms. Ramdam na ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.


Ilang minuto niya pa akong niyakap bago siya kumalas. He held my chin and lifted it up. Kaya napatingala ako sa kaniya. So sobrang taas at laki niya ay nagmukha akong batang paslit. Matangkad naman ako pero hanggang balikat niya lang ang height ko.

"Did you eat breakfast?"malambing niyang tanong. He looked like a good husband taking care of his wife. Hindi naman siguro ako magsisisi sa desisyon ko.

I shooked my head making his lips smiled. "Okay , let's have a breakfast then"ngiti niya. Hinawakan niya ang bewang ko palabas ng opisina.

Sobrang aliwalas ng muka niya na parang siya na ang pinaka masayang lalaki sa mundo. Ngumiti ako ng lihim. Kung hindi siguro kami nagkita sa maling pagkakataon ay baka nagustuhan ko siya. Sa nakikita ko kasi ay muka namang hindi siya mahirap mahalin. Tanga lang kasi ako para hindi makita iyon.

Nakakalungkot lang isipin na ako pa ang pinili niya. Eh wala naman akong ibang ginawa kung hindi ang saktan lang siya. Nakarating kami sa tahimik na dining area ng mansion. Alertong lumapit ang mga katulong sa amin upang maghayin.


Pinaghila ako ng upuan ni Yue. Nakangiti parin siya na minsan ko lang makita. Kahit ang mga kasambahay ay naninibago rin sa ngiting nakapaskil sa muka niya.

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon