Chapter 6

5.3K 143 12
                                    


Chapter 6

Nagpupuyos ako sa galit habang pabalik sa upuan. Inis na inis ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang magkaroon ng pagkakataon na halikan ako.

Hindi ko matanggap. Para akong maiiyak sa inis. Tiningnan ko ang cellphone ko at binuksan ang gallery para makita ang picture ni Kiro. Ni hindi ko man lang nasampal ang walang hiyang blue eyes na iyon.

Humanda siya sa akin kapag nakita ko siya. Sasamapalin ko talaga siya ng mag asawang sampal na may kabit.

I'm sorry love. I'm sorry.

I feel like I cheated on him. Nagpahalik ako sa ibang lalaki habang may boyfriend ako. Pinahid ko ang luhang lumandas sa pisngi ko at tumigil sa paglalakad.

Idi-nial ko ang number ni Kiro. Nakailang ring iyon bago niya sinagot.

"Hey , di kana busy?"bungad niyang tanong. Sa halip na bumalik kina Ika ay lumabas nalang ako ng covered court.

"I love you so much Kiro"aniko. Sa ganitong paraan ay baka mabawasan ko ang kasalanan ko.

"I love you more"

"Gusto na kitang makita"aniko. I want to hug him and kiss him too. Baka sakaling mawala ang marka ng labi ng  Yue na iyon. Kahit na hindi ko siya nakikita ay alam kong nakangiti siya.

"Miss na miss na talaga ako ng mahal ko. Don't worry I'll file a leave one of these days"aniya. Ngumuso ako. "Matagal pa yata yan"

He laughed. "Easy love , sabik na sabik ka naman"asar niya. Sumimangot naman ako. Kung alam mo lang Kiro. Baka hindi kana makatawa kapag nalaman mo na may lamok na kumagat sa akin.

Sayang nga lang at hindi ko napatay. Humanda ka talagang Yue ka sa akin pag nagkita tayo. Ilalampaso ko ang lintik mong labi sa semento.


Sa isiping iyon ay tumaas ang presyon ng dugo ko. Fuck you to hell , Dela Fuente!!!

•••••••••••••••••

"Saan ka nag suot?"takang tanong sa akin ni Ika ng bumalik ako sa upuan namin.

"Oo nga , di mo tuloy nasubaybayan yung laro"sang ayon ni Tina.

"Tumawag kasi boyfriend ko"palusot ko nalang. Buti naman at naniwala sila. Natapos ang laro at panalo sina Obet.

Tuwang tuwa nga sina Ika at sinabing mag celebrate kami. Napag desisyunan nila na maligo sa falls na pinuntahan namin ni Ika ng una akong dumating dito.

"Magdala nalang kayo ng pagkain"ani Miko.

Umuwi muna kami sa bahay ni Ika para magdala ng damit. Busy ako sa pamimili ng susuotin ng mahagip ng mata ko ang mga mangga.

Agad kumulo ang dugo ko. Gusto kong ihampas ang basket na iyon sa muka ni Yue. Tumingin ako kay Ika.

"Ika , pwede ba tayong bumisita kina Lolo?"tanong ko.

Lumingon siya sa akin. "Bakit?"

Kinuha ko ang mangga at ipinakita sa kaniya. Agad naman siyang lumapit. "Wow! Paano ka nakakuha ng mangga sa hacienda? Dala ba yan nina Lolo?"manghang tanong niya. Kukuha na nga sana siya ng ilayo ko ang basket.

"Damot naman"nguso niya.

"Ibabalik ko to"

"Ha? Bakit?"

"Galing to sa walang hiyang lahi ni Jack"sabi ko. Natigilan siya. "Si Senior Yue?"paninigurado niya. Tumango naman ako at masamang tiningnan ang mga mangga sa harapan ko.


Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon