Chapter 14

4.8K 147 5
                                    


Chapter 14

"I want to go home"mahinang usal ko. Hindi ko alam kung bakit nanlalabo ang mata ko. Siguro dahil sa nangyari.

Mahal na mahal ko kasi ang katawan ko. At nangako rin ako sa sarili ko na tanging ang asawa ko lang ang pwedeng humalik sa akin ng ganoon.



"Hey look at me. Are you scared?"malumanay na tanong niya sa akin ng tumungo ako. Sinubukan niyang itaas ang baba ko pero hindi ako pumayag.


Ayaw kong makita niya ang muka ko. Rinig ko siyang bumuntong hininga. Pagkakuwan ay binuhat niya ako paupo sa mahabang sofa sa gilid namin. Inuupo niya ako roon bago pinulot ang bra ko na nasa sahig.


Pagkatapos non ay bumalik siya sa akin at lumuhod sa harap ko upang masilip niya ang muka ko. "Don't worry Siah , I'm responsible for what I've done"aniya at siya na mismo ang naglagay ng bra sa akin. Inalis ko ang kamay ko sa dibdib ko upang malagay niya iyon ng maayos dahilan upang magkaroon siya ng pagkakataon na matingnan iyon bago tuluyang maitago sa kulay krema kong bra.

Pagkatapos ay siya narin mismo ang nag ayos ng damit ko at itinakid ang mga butones nito. Inayos niya rin ang belt ko.

"U-uuwi na ako"sabi ko. Tumango naman siya. "Okay I'll take you home"wika niya at lumapit sa akin upang hagkan ang noo ko.

"Pananagutan kita"bulong niya.


Na hindi ko man lang inasahan na gagawin niya talaga. Dahil kinabukasan ay nagulat nalang kami ng nasa labas na ng gate namin ang buong angkan ng Dela Fuente kasama ang gobernador.

Halos lumabas ang puso ko sa dibdib ko sa kaba. Takang taka sina Dad at Mom dahil don. Tumingin sila sa akin pero umiling ako.


"Wala po akong alam"aniko. Lumabas ng bahay si Dad at lolo upang harapin ang mga Dela Fuente sa labas ng gate namin. Nasa may pintuan lang kami ng bahay at pinagmamasdan sila.


"Magandang araw ho Governor Dela Fuente"bati nina Lolo. Tumango naman ang lalaki samantalang ngumiti naman ang babaeng katabi nito.


Maganda ito at sopistikada. Nakakawit siya sa braso ng gobernador at sa tiyansa ko ay kaedad lang ito ni Mommy.


Nilingon ko si Ika. "Siya ba ang asawa ng gov?"taka kong tanong. Tumango siya. "Oo , si Donya Feliza"


Muli kong tiningnan ang babae. Naalala ko ang kwento nina Mommy sa akin tungkol sa masaklap na pinagdaanan ng babaeng iyon. Pero nagtataka ako kung bakit wala man lang bakas ng galit sa muka ng Donya gayong ang lalaking katabi niya ang pumatay sa buong pamilya niya.



Sa halip ay makikitaan mo ito ng pagmamahal para sa lalaki. Kumunot ang noo ko. Sa nakikita ko kasi ay mahal na mahal nila ang isat isa. At hindi ko maintindihan kung paano nangyari iyon.



Dahil kung ako ang nasa katayuan niya ay baka isumpa ko sa galit ang lalaking sumira ng buhay ko.




"Naparito ho kayo gobernador? May ipaglilingkod ho ba kami sa inyo?"magalang na tanong ni lolo. Ngumiti si governor Dela Fuente bago inakbayan si Yue na nasa tabi niya.


Maraming tao sa labas at nakikiusyuso sa nangyayari. "Narito kami upang mamanhikan"



"Mamanhikan!?"gulat na tanong nina Lolo at sabay sabay pa silang lumingon sa gawi ko. Kahit si Mommy ay takang nakatingin sa akin. Napalunok ako.


Anong mamanhikan!? Saan sila kumuha ng ideyang iyon!?


Wala sa sariling tumingin ako kay Yue na nakatitig pala sa akin. Hinawakan ako ni Mommy sa braso. "Anong ibig nilang sabihin?"tanong niya sa akin.



Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon