Chapter 22

4.7K 142 8
                                    

Chapter 22

"I'll fetch you after your last class"Yue said. I rolled my eyes at him.

"Thanks but no thanks"galit kong ani at nilampasan na siya. Wala akong ibang nagawa kanina kung hindi ang sumakay na nga sa kotse niya. Galit na galit ako sa pagnakaw niya ng halik sa akin. At talagang binura pa ang lipstick ko!

Hinanap ko ang classroom kung saan ang una kong klase. May mangilan ngilan naring tao ron. My first day of school was great. I met a new friends and blockmates.

"Merienda tayo"yaya sa akin ni Rayven. My new friend , kasama niya sina Cathy , Jessica and Tony. Nakilala ko sila kanina. Tumango ako. May thirty minutes break din kasi ako.

Lumabas kami ng classroom at bumaba ng building. Dumeretso kami sa cafeteria at umorder. Pizza lang ang sa akin at apple juice.

"So Siana , may boyfriend kana?"tanong ni Rayven. Medyo natigilan pa ako pero agad din tumango.

"Ahh yeah"

Siniko siya ni Tony. "Wala ka ng pag asa pre"asar nito. Napailing nalang ako.

"Hay naku Siana, wag mo ng pansinin ang mga yan"ani naman ni Jessica. Natawa naman ako ng sumimangot na parang bata sina Rayven at Tony.

"Oo nga. So galing ka palang maynila?"usisang tanong naman ni Cathy. Kumakain siya ng fries habang ang mata ay nakatuon sa akin.

I nodd. "Yes , Actually two months palang kami rito"

"Ahhh , so maganda ba talaga sa siyudad?"kuryuso namang tanong ni Jessica.

"Hmmm. Okay lang din"sabi ko. Tumango naman sila. Sa huli ay pinag usapan nalang namin ang tungkol sa mga lessons.

"Narinig niyo na ba yong balita?"pag iiba ng usapan ni Tony. Natuon tuloy ang atensiyon namin sa kaniya.

"Ha? Anong balita?"-Jessica.

"Legit ba?"-Cathy

"Baka chismis lang yan"-Rayven.

Umiling si Tony sa kanila. "Legit to okay. Kalat na kalat na nga sa buong probinsya eh"aniya. Natigil ako sa pagkain ng pizza at biglang kinabahan. Hindi ko alam kung bakit.

"Ang alin?"tanong ni Cathy.

"May kinabaliwan daw na babae ang panganay na anak ng gobernador"

Naibuga ko ang juice na iniinom ko dahil sa narinig. Napaubo ako sa gulat kaya napatingin sila sa akin.

"Okay kalang Siana?"nag aalala nilang tanong. Tumango ako. "A-ayos lang"aniko. Umiwas ako ng tingin sa kanila. Pati ba naman dito ay nakarating ang balitang iyon?

"Talaga? Ang ibig mong sabihin ang gwapong si Senior Yue?"kinikilig na tanong ni Jessica. Sabay pa silang napahagikgik ni Cathy. Muling tumango si Tony.

"Oo ang senior nga"paglilinaw niya. Nagpatuloy sila sa pag uusap tungkol sa bagay na iyon samantalang hindi na ako mapakali sa upuan ko. Sino ba naman ang hindi kung alam mong ikaw ang pinag uusapan? Talaga palang sikat ang mga Dela Fuente.

Natapos ang break ko kaya nag paalam na ako sa kanila. Nang mag ala sais na ng gabi ay natapos ang isa kong klase. May five minutes akong break bago ako pumasok sa huli kong class. Madilim na sa labas kaya hindi ko maiwasang mabahala. Paano ako uuwi? Takot pa naman akong bumyahe kapag gabi.

My last class is Biology. After one hour ay pinalabas na kami ng prof. Bumaba ako ng building namin at bumungad sa akin ang madilim na lugar. Tanging mga lamp post nalang ang nag sisilbeng liwanag. Naglalakad ako mag isa sa may corridor habang mahigpit ang hawak sa bag ko. Ewan ko ba pero ayaw ko kasi talagang maglakad sa school kapag gabi. Iniisip ko kase na baka may sumusunod sa akin o kaya ay may biglang magpakitang multo.


Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon