Chapter 15

4.9K 138 2
                                    


Chapter 15

Napaupo ako sa kahoy na bangko ng umalis na ang mga Dela Fuente. Humingi sila ng tawad dahil sa nangyari at sa kasinungalingan ni Yue. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko matapos ang ginawang pag bulong niya sa akin.

Pinagbabantaan niya kaya ako? Sabi niya kasi ay hindi pa kami tapos. Napahinga ako ng malalim. Muling sumagi sa isip ko ang kawawang doctor na halos hindi na makatayo
dahil sa suntok ni Yue.

"Nakita mo ang nangyari? Ganon kasama ang mga Dela Fuente!"sigaw ni Dad na masama ang tingin sa akin. Ang tinutukoy niya ay ang nangyari sa family doctor.

Hinawakan siya ni Mommy sa braso ng magsimula siyang magpabalik balik. Pagkatapos ay tiningnan ako ng seryoso.


"Tell me the truth Siana! Anong meron sa inyo ng lalaking iyon at umabot sa puntong gusto niyang mamanhikan!?"


"Henry, calm down"alo sa kaniya ni Mom. Tahimik lang na nakamasid sa amin sina lolo at Ika.


"Walang namamagitan sa amin—"


"Sa tingin mo ay maniniwala ako? Siah , pwede mong gustuhin ang kung sino mang lalaki rito. Wag lang ang isang Dela Fuente!"putol niya sa akin. Naglalabasan na ang mga ugat niya sa noo.


Napayuko ako. Masiyado talagang hindi maganda ang impression nila sa kanila.


Lumipas ang mga araw na hindi mapanatag ang loob ko. Nakabalik na sa trabaho sina lolo at ang mga uncle ko pero sa halip na magsaya ay natakot lang ako.


Paulit ulit kasing nag pe-play sa utak ko ang huling sinabi ni Yue. Tatlong araw ang lumipas pero hindi ko nakita ni anino niya. Hanggang sa naging linggo iyon.


I should be glad because he's not bothering me. But I can't. I keep on thinking of his last words last week.



I'm in my room now and brushing my hair infront of the mirror. This is the 7th day that my father is ignoring me. Maybe because he's still mad at me for making a big trouble.



I sighed. Malapit ng matapos ang bakasyon at magsisimula na ulit ang klase. Sa susunod na araw nga ay sasamahan ako ni Ika sa lungsod upang mag enrol for first semester.



"Siah kakain na"tawag sa akin ni Ika.


"Nandiyan na"tugon ko. Lumabas ako ng kwarto at kumain ng hapunan. Pagkatapos ay pumunta ako sa may garden nila lola upang sumagap ng malamig na hangin.


Dala ko ang cellphone ko habang nag papatunog ng malamyos na musika. Ganon na lang ang gulat ko ng may pumasok na lalaking nakaitim sa aming bakuran. Tatlo sila at puro nakasuot ng itim na bonet.

Natigilan ako. "S-sino k-kayo?"takot kong ani. Sisigaw na nga sana ako ng tutukan ako nito ng baril. Nabitawan ko ang cellphone na hawak ko dahilan upang malaglag ito sa lupa.


Napalunok ako sa kaba. "Siah—shit!"napatingin ako kay Ika na nasa pintuan at nanlalaki ang matang nakatingin sa mga lalaki. Tinutukan din siya ng baril ng isa.



"Subukan mong sumigaw pasasabugin—"


"Lola may masasamang loob!!!!"hindi na natapos ng lalaki ang sasabihin niya ng sumigaw na si Ika. Kasasabi lang na huwag sisigaw. Matigas din ang ulo niya.



Nataranta ang mga nakaitim na lalaki at mabilis na lumapit sa akin. Pumiglas ako ng hawakan nila ako sa braso.

"Bitawan niyo ko!! Ano ba-hmm!"natigil ako sa pagsigaw ng takpan nila ang bibig ko ng isang panyo.


Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon