Chapter 24

4.4K 124 4
                                    


Chapter 24

Tahimik lang ako at nakatulala sa plato ko. Samantalang patuloy naman  silang nagpapasya at nag uusap tungkol sa kasal namin ni Yue. Nasa mansion kami ngayon ng mga Dela Fuente.

Pagkatapos kong malaman kagabi ang tungkol sa kasunduan nina Dad at ng mga Dela Fuente ay hindi ko na siya kinausap. Galit ako sa kaniya dahil nagawa niya akong ipagpalit sa lintek niyang kompanya. Alam ko namang mahal niya ang company naming iyon dahil dugo at pawis  ang ipinuhunan niya rito. At alam ko rin kung gaano siya nasaktan na nawala iyon sa amin.

Pero hindi naman tama na isakripisyo niya ang kaligayahan ko.


"How about March 16?"rinig kong tanong ni Donya Feliza. They're talking about that wedding date. Hindi ako sumasali sa usapan nila dahil baka sumabog lang ako.

"March? Masyado namang malayo Mom. Bakit hindi nalang next month? Ano sa tingin mo brother?"rinig kong tanong ni Den.

"Next month? Ano kaba naman Denrel. Hindi yon sapat para sa preperasyon"anang Donya.

"I want our wedding to be held next week"napaangat ang tingin ko ng magsalita si Yue. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kaniya. Pati sina Vio ay gulat din dahil sa sinabi niya.

"Kuya , nagmamadali ka naman yata"komento nito. Hindi sumagot si Yue sa kanila sapagkat sa akin nakatutok ang mata niya.

"Next week is our wedding. That's final"may awtoridad niyang saad. Natawa naman ang gobernador at tinapik pa ang likod niya.

"You're really is a Dela Fuente son"aniya sa anak. Ngumisi naman si Vio.

"Bakit Kuya? Takot kang magbago isip no?"asar niya.

"Manahimik ka na nga lang. Dada ka ng dada eh"tinampal siya ni Ezra. Ang nag iisang anak na babae ng mga Dela Fuente. Kanina ko lang siya nakilala.

Natapos ang gabi na yon na puro tungkol sa kasal ang usapan. Kinabukasan ay hindi na ako nagulat ng may mga designers na pumunta sa bahay namin. Susukatan daw ako ng gown nito.


Hindi nalang ako umangal. Para akong robot na sumusunod lang sa gusto nila. Ginawa nila ang lahat para maayos ang kasal na gagawin next week. Sumabog ang balitang iyon sa buong laguna. Sana lang ay hindi makarating kay Kiro. Sikat pa naman ang mga Dela Fuente. Baka ibalita sa tv. Pero buti nalang at hindi.

Ayaw kasi ni Yue ng ganoon. Gusto niya ng tahimik at simpleng kasal.


Three days before my wedding ay nakatanggap ako ng hindi inaasahang bisita. Para akong tinakasan ng kaluluwa sa katawan ng makita ang pamilyar na ngiti , buhok , mata at amoy ng isang lalaki.

Nakasandal ito sa BMW niya at may hawak na white roses. Napalunok ako sa kaba. Nang makita niya ako ay naglakad siya papalapit.

"Hi love. Miss me?"malawak ang ngiti ni Kiro. Kinabig niya ako upang yakapin ng mahigpit.

"Hey , bat hindi ka nag sasalita? Gulat ko no?"ngiti niya ulit. Gusto ko ng maiyak sa problema. Ngayon palang ay naiisip ko na ang nguso ng baril ni Yue na nakatutok kay Kiro.

"A-Anong ginagawa mo rito?"utal kong tanong. Inilahad niya ang bulaklak sa akin. Ngumuso siya. "Why? Ayaw mo ba?"

Umiling ako. Hindi naman sa ganon pero si Yue kasi. "No. Nagulat lang ako"aniko. Nangiti siyang muli at niyakap ako.

"Nakapag file na ako ng leave , kaso three days lang eh. Hindi kinaya ang one week. Dami pa kasing trabaho"aniya pa. Nanlaki ang mata ko. So ibig sabihin mananatili siya rito ng tatlong araw?

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon