Chapter 40

5.2K 118 1
                                    

Chapter 40

Nagising ako sa mga kamay na humahaplos sa muka ko. Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko. Unang bumungad sa akin ay ang puting kisame. Nakahiga ako sa isang kama.

"You're awake"napalingon ako sa nagsalita. Kumunot ang noo ko ng makita ang nakangiting muka ni Kiro. Pilit kong inalala ang nagyari sa akin.

Humingi ako ng space kay Yue , then we make love. Kinaumagahan ay umalis ako ng bahay , sumakay ako ng taxi and then I fall asleep because of the smell of a strong madecine.

My eyes widen. Napabangon ako sa kama. Inalalayan naman ako ni Kiro ng bigla akong mahilo. "Careful love"aniya.

Inilibot ko ang tingin sa buong kwarto. Konti lang ang gamit ron. Walang kabinet at simpleng upuan at lamesa lang ang meron. Tiningnan ko siya.

"Why I am here? What happened?"gulo kong tanong. Ngumiti siya sa akin at muling hinaplos ang pisngi ko. Pero hindi gaya ng dati ay kinilabutan ako sa ginawa niya. Lalo na sa uri ng ngiti niya.

"We're escaping. Malaya na tayo mula sa halimaw na iyon. Magkakasama na tayo ulit"aniya. Kumunot ang noo ko. Anong ibig niyang sabihin? Is he the one who abducted me?!

"What? Pinadukot mo ba ako?"hindi makapaniwalang aniko. Tumango siya. "Wala na akong ibang naiisip pa na paraan. I'm sorry about that love. But don't worry , hindi na tayo masusundan ng lalaking iyon"aniya.

Umiling ako. "What? Are you crazy? Why would you do that?"singhal ko. Natigil siya sa sinabi ko at sumeryoso ang muka. There is something wrong with him. Sigurado ako. Hindi siya ang kilala kong Kiro.

"Love , ginawa ko lang ang plano natin. Lalayo tayo diba? Pumayag ka na magtanan tayo"aniya. Hahawakan na sana niya ulit ako ng tabigin ko ang kamay niya.

Sumeryoso ang muka niya sa ginawa ko. Napaatras ako sa takot ng dumilim ang muka niya. Pero saglit lang iyon at bumalik narin ang nakangiti niyang muka.

"Love , kung galit ka dahil sa ginawa ko then I'm sorry , yun nalang ang tanging naiisip kong paraan"aniya. Umiling ako. Mali ang ginagawa niya. At isa pa , hindi ko na gustong makipag tanan sa kaniya. Ayaw ko ng iwanan si Yue.

"Iuwi mo na ako"matigas kong ani. Tumayo siya at hindi ako makapaniwalang tiningnan. "Iuuwi? Hindi ako nasisiraan ng bait para gawin yon! Hindi na kita ibabalik sa kaniya! Magsasama na tayo!"nagulat ako sa bigla niyang pag sigaw.


Nagpalakad lakad siya sa buong kwarto habang sinasabunutan ang buhok niya. Napaatras ako ng bigla siyang bumalik sa tabi ko. "Aalis na tayo rito okay? Pupunta tayo sa ibang bansa. Sasakay tayo ng barko. Papunta na ang yateng ito roon"aniya.  Natigilan ako. Yate? Nasa yate kami?

Ngayon ko lang naramdaman ang pag alon at ang mga hampas ng alon. Bigla akong nataranta. Umiling ako kay Kiro.

"I won't! Hindi ako sasama sayo!"sigaw ko. Bigla kong naalala ang muka ni Yue. Ang gwapong muka ng asawa ko. Ang walang hiyang lahi ni Leonardo DiCaprio. Hindi ko siya iiwan.

"What?! Anong hindi?! Sasama ka sakin! Plano natin to! Hindi ba ito ang gusto natin? Iaalis kita sa kulungan ng halimaw Siah"aniya. Patuloy akong umiling. Umalis siya sa tabi ko at sumigaw. Ilang sandali pa ay lumapit siya sa may lamesa. May kinuha siya sa bulsa niya. Ganon nalang ang pagkakatigil ko ng makita ang isang pakete ng droga mula ron.

Inilagay niya ito sa may lamesa at nagsimulang suminghot. Hindi ako makapaniwala. He's on drugs! Ang sagot kung bakit may kakaiba sa kinikilos niya ay dahil nag dodroga siya.

Kailan pa siya natuto non? Nang matapos siya sa akin ay bumalik ang kalmado niyang hitsura.

"You're on drugs?"hindi makapaniwalang tanong ko. He's not my Kiro. Hindi siya ang kilala kong Kiro.

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon