Chapter 29

4.4K 117 1
                                    


Chapter 29

"I SAID GET IN MY CAR!!"dumagundong ang boses niya sa buong school. Nakuha niya ang lahat ng atensiyon ng mga estudyante. Nagtangis ang mga bagang ko. Gumagawa siya ng eksena!

"You're creating a scene"tiim kong ani. Umigting ang panga niya. "I don't care Siah. Now , get inside my car if you don't want me to cause a lot of scene"banta niya. I glared at him before opening his car door. Pabagsak kong sinara iyon habang nagpupuyos sa galit.

Ano bang problema niya?! Hindi ko talaga siya maintindihan!

Umikot siya sa driver seat. Nang makapasok siya ay pinaharurot niya ang sasakyan hanggang sa makarating sa mansion. Hindi pa niya naipaparada ng maayos ang sasakyan niya sa garahe ay pabalang ko ng binuksan ang pinto at lumabas ng kotse.


"Damn it Siah!"galit na sigaw niya. Hindi ko siya pinansin at deretsong naglakad papasok. Rinig ko ang malakas na pagbubukas niya ng sasakyan niya at ang malalaking hakbang pasunod sa akin.


Wala akong ibang maramdaman ngayon kung hindi ang galit. Kung umasta siya ay parang pag mamay ari niya ang mundo. Ngayon ay pinag dududahan ko na ang mga sinabi nina Vio at Donya Feliza sa akin. Sa utak ko ay namumuo ang isang ideyang maaaring binobola lang nila ako upang bigyan ng chance si Yue.


At nakakainis na muntik na akong maniwala. Giving him a chance? Oh hell! Its not gonna happen! Lalo na sa ipinakita niya ngayon. Dinadagdagan lang niya ang masamang imahe niya sa utak ko.


"Siana!"rinig kong sigaw niya. Nang makapasok ako sa sala ay hinila niya ang braso ko upang iharap sa kaniya. Sumalubong sa akin ang galit niyang muka.

"Don't touch me!"binawi ko ang braso ko mula sa pagkakahawak niya. Kung galit siya ay mas galit ako. Sino ba naman kasi ang matinong bigla nalang nanununtok ng walang dahilan.

"Let's talk"mariing aniya. Natawa ako. Hindi makapaniwala. "Talk? Okay , what kind of talking? Raising your voice at me?! And then what?!"hamon ko. Nanginginig ang kamay ko sa galit at ganon din siya.

"Who is he?"

"Hah!"napabuga ako ng hangin sa tanong niya. Sa tono ng boses niya ay para bang inaakusahan niya ako.

"Is he your man? Are you cheating on me?"seryoso paring tanong niya , umiigting ang panga. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya. Para akong nabingi.

"What?"

"Answer me! Who is he?!"sigaw niya. Ang mga tauhan sa mansion ay nagsimula ng umalis ng marinig ang sigawan namin.

"Are you seriously asking me that?!"

"Your answer will be just yes or no , Siah!"umiwas ako ng tingin ng makaramdam ng konting kirot. Bakit parang ang dali niya akong paratangan ng ganon?

Inayos ko ang bag ko na nakasabit sa balikat ko. Nanlabo ang mga mata ko sa samot-saring emosyon. "If that is what you want to believe then yes"asar ko. Mas lalong tumiim ang bagang niya. Lumapit siya sa akin at marahas akong hinawakan sa mga braso. Sobrang higpit non na napadaing ako sa sakit.

"Don't you dare ever fool me"banta niya. Napangiwi ako sa sakit.

"Nasasaktan ako"hindi ko napigilan ang paghikbi. Nang makita niya ang luhang lumandas sa pisngi ko ay namutla siya at natauhan. Inalis niya ang kamay niyang nasa braso ko.

"I'm sorry baby I....I..."umiling ako. Pagod na ako sa ganito.

"You're crazy fucking manipulative asshole!"ani ko. Nakahawak na ngayon sa brasong kumikirot sa sakit. Kita ko ang pagdaan ng hapdi sa kaniyang mga mata pero wala akong pakialam. Nilalamon ako ng galit at pagkamuhi ko sa kaniya. At ang gusto ko lang ay ang saktan siya.

Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon