Chapter 38

4.8K 132 1
                                    

Chapter 38

"Nandito po pala kayo Mrs. Dela Fuente"bati sa amin ng mga tao sa loob. Pilit ang naging ngiti ko. Lumapit ako kay Ika at pasimpleng hinila ang dulo ng buhok niya. Napasimangot siya sa ginawa ko.

Naglakad palapit sa amin si Yue at ang kasama niyang babae. Seryoso siyang nakatingin sa akin habang iniiwas ko naman ang tingin ko.

"What are you doing here?"mas sumama ang loob ko sa tanong niya. Bakit parang galit pa siya sa tonong iyon? Parang hindi niya gusto na pumunta ako rito. Siguro ay ayaw niyang makita ko ang pangbababae niya. Tss.

Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. Pasimple kong inirapan ang babaeng katabi niya kaya nawala ang ngiti nito. "Why? Don't you want me here?"I asked him.


"I didn't say that—"


"It's written all over your face. Why? Kasi ayaw mong makita ko ang ginagawa mong katarantaduhan?"kumunot ang noo niya sa akin. Nilapitan niya ako pero tinulak ko siya.


"What are you talking about?"

"Oh come on Yue. Wag mo ng subukan pang itanggi dahil nakita ko na"aniko at tiningnan ang babaeng kasama niya. Kimi itong ngumiti sa akin kaya mas lalo akong nainis.


"Ikaw , alam mo bang may asawa na ang nilalandi mo? May pahawak hawak ka pa sa braso niya!"galit kong saad. Ewan ko pero gusto ko siyang sabunutan sa inis. Mas lalo akong nagalit ng makitang tumaas ang sulok ng labi ni Yue. Samantalang nag iwas naman ng tingin ang mga tao sa loob at umiling iling pa.


Sinamaan ko ng tingin si Ika ng humagikgik siya. "Hindi daw nag seselos"rinig kong bulong niya.


Naglakad ulit palapit sa akin si Yue at hinawakan ang bewang ko. Galit ko siyang tiningnan. "Wag mo akong hawakan"banta ko pero ngumisi siya.


"Damn baby. Are you jealous?"

Mas lalong nag init ang ulo ko sa tanong niya. Anong nagseselos?! Ang kapal ng muka niya.

"Me? Jealous? Oh come on Mr. Dela Fuente! You're wishing for a moon!"tanggi ko. Inalis ko ang kamay niya sa akin pero bumabalik iyon. Tiningnan niya ang babae.

"Doctora , meet my wife Siah"ngiti niya.


Tumingin naman sa akin ang babae at ngumiti pero masama ang tingin ko sa kaniya. "Nice to meet you. I'm Doctor Isabel. Ako ang veterinarian ng mga hayop ng buong hacienda"pakilala niya. Halata naman na napipilitan lang siya.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Hell to meet you"maanghang kong sagot. Siniko ko sa tagiliran niya si Yue ng tumawa siya.


"Pasensya kana sa asawa ko doctora"aniya. Ngumiti lang ang babae bago nagpaalam na i-checheck ulit ang bagong panganak na kabayo. Samantalang hinila naman ako ni Yue palabas ng kwadra. Nakangiti parin siya.



"Wag mo akong hawakan"tinanggal ko ang kamay niya sa akin. Naglakad ako palayo sa kaniya.


"Baby , we're just friends"aniya. Nang mahabol niya ako ay hinawakan niya ang kamay ko. "Wag ka nang magselos"

"Hindi ako nagseselos! Saang lupalop mo naman nakuha ang salita na iyan?!"inis kong saad.


"Baby hindi mo naman kailangang itanggi—"

"Hindi nga ako nagseselos! At bakit ako magseselos ha?!"

"Because you love me too"

"Hah! I don't!"kapal ng muka niya. Makapal pa sa pader.


Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon