Chapter 19

4.6K 115 1
                                    

Chapter 19

"Get your fucking jacket off me!"napailing nalang ako kay Aereal na halos bumuga na ng apoy sa inis. Masama ang tingin niya sa katabi niya ng i-zipper nito pataas ang jacket dahilan upang matakpan ang revealing niyang damit.



"D naman!"reklamo nito pero tinaasan lang siya ng kilay ng lalaki. Kanina pa sila nag babangayan dahil sa tigas ng ulo ni Aereal. Ayaw kasi nitong isuot ang jacket ni Denrel. Eh ang lalaki naman ay pursigidong takpan ang dibdib niyang halos lumuwa na.




"Subukan mong tanggalin yan. Makikita ko mo Ae"banta nito. Nagkatinginan nalang kami ni Ika.




Umusog ako palapit sa kaniya at bumulong. "Sila ba?"kuryuso kong tanong. Umiling siya. "Hindi , mag best friend lang ang dalawang yan"paliwanag niya na mukang sanay ng makita ang pag aaway ng dalawa. Napatango naman ako bago muling ibinaling ang tingin kayna Aereal.





"Kj ka kasi!"anito. Panay ang reklamo niya sa katabi pero hindi na siya nito pinansin. Inubos ko nalang ang burger na inorder ko. Pagkatapos ay niyaya ko na si Ika.

"Uhhh mauuna na kami sa inyo"paalam ko. Tumingin sa amin ang dalawa.

"Okay ate Siah. See you around"ngiti sa akin ni Aereal pero agad nawala iyon ng bumaling kay Denrel.

Iniwan na namin silang dalawa don. Nagpasya kami ni Ika na dumeretso sa malaking mall na kaharap ng Mcdo. Tumawid lang kami ng kalsada upang makarating don.

"D.F mall?"basa ko sa sementong letra na nakalagay sa itaas ng gusali. Apat na palapag iyon.

"Oo , lika na"yaya sa akin ni Ika. Hinila niya ako papasok sa loob. Nanuot sa balat ko ang lamig sa loob ng mall pagkapasok namin. Napangiti ako , ngayon nalang ulit ako nakapasok sa ganitong gusali.


Sumakay kami sa escalator ni Ika pataas sa second floor. Pagkarating namin roon ay nag libot libot lang kami. Nang madaan kami sa isang boutique ay pumasok kami roon upang maghanap ng damit na magugustuhan namin.


"Siah , look here!"rinig kong tawag ni Ika sa akin. Busy ako sa pamimili ng mga damit. I looked at her who's holding a two dresses. "Which one?"tanong niya.

Tinitigan ko muna ang dalawang dress sa kamay niya bago ko itinuro ang kulay krema.

"The cream one"wika ko. Tiningnan naman niya iyon. "Talaga?"

"Yeah. Mas bagay yan sayo"ngumiti naman siya sa akin. Naglakad siya papunta sa fitting room at sinukat iyon. Samantalang patuloy naman ako sa pamimili.

"Good morning Mrs. Dela Fuente"

"Good morning"

Napalingon ako sa may pintuan ng magkagulo ang mga sales lady. Hindi sila magkandaugaga sa pag aasikaso sa bagong dating. Nang mapagsino ko iyon ay agad akong napatalikod sa kaba.


Yue's mother is here!

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Eh ano naman kung nandito ang nanay ni Yue? Ano namang pakealam ko diba?

Napatikhim ako. Inayos ko ang sarili ko at nagpatuloy sa pagpili ng damit. Sinubukan kong wag lumingon sa gawi niya pero hindi ako nagwawagi. May kung ano kasi sa awra niya na hindi mo kayang balewalain.


Umupo si Mrs. Dela Fuente sa sofa. Inasikaso nama siya ng mga staff ron. Kahit na nakangiti ang Donya ay hindi parin naalis sa muka nito ang pagiging sopistikada. Sobrang ganda niya kahit medyo may edad na. Hindi na nakakapagtaka na baliw na baliw sa kaniya ang gobernador.


Obsession of Dela Fuente Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon