LOUVE RIEKA MORRIGHAN
"Come on Louve, faster!"
Hindi ako umimik at mas binilisan na lang ang paglalakad as soon as I heard Mac. Magkakasama silang magkakaibigan. Sila nila Rollin, Connor, Olcan at Edon.
They are wearing the same varsity jacket for basketball players at pare parehas silang may mga kaakbay na babae. They are just chilling with thier girls at ako itong pinapahirapan nila bringing thier duffel bags na sobrang bibigat. Nag mukha akong sabitan dahil kahit leeg ko may nakasabit na bag.
I heaved a sigh ng madatnan ko sila. Huminto kasi sila sa paglalakad para hintayin ako. Nakangisi silang lima habang nakatingin sakin. Ng makalapit ako ay nakatanggap lang ako ng hampas sa ulo.
"Napaka bagal mo, pag kami nalate sa klase, that will gonna be your fault." Ni hindi ko magawang himasin yung ulo ko dahil parehas may bitbit yung dalawang kamay ko. All I can do is just bow my head.
"Im sorry." And apologize.
Narinig ko na pinatunog lang ni Mac yung dila niya. Alam kong masama na naman ang tingin niya sakin. Lagi naman. Buti na nga lang ay hindi na ulit siya nambatok at nagpatuloy na lang sa paglalakad.
Nagsisunuran na rin naman sa kanya yung apat at kahit nahihirapan ay pinilit kong bilisan.
Ng marating namin yung locker room ng mens basketball team ay inutusan lang nila akong ilagay sa isang gilid yung mga dala ko. Then they just leave me there. I wipe my sweat at pasimpleng tinignan yung relos ko sa kamay.
I still got 20 minutes before my first class.
Because of that. I decided to go to the cafeteria first. Hindi pa kasi ako nag aalmusal. Ayokong kumain sa bahay. Nalulungkot kasi ako. I live alone in the outskirt of Brokenridge. It was our pack's village situated deep in the northern forest.
For the record, I just want to confirm something that Ive been hinting.
Maccon, Rollin, Connor, Oldan, Edon and me are not normal as you think. We are werewolfs. The mythical being that human thought did'nt exist.
The six of us came from the same pack lead by Maccon's Father, Conri Fenrisulfur. Our alpha. Which means Mac will be the next in throne. Halos magkakasing edad lang kaming 6, but our only difference is. Silang lima ay galing sa pamilyang may katungkulan while me. Im just nothing, I dont even have a family to begin with.
Hindi lang iyon. They are also considered as the strongest cubs on our generation kaya naman nagagawa rin nilang alipinin ako. If you ask about me. I rank the lowest. Im the weakest.
My life is so fuck up.
"Isa pong ham sandwich at tubig na rin po." I ordered ng matapos bumili yung nakapila sa harap ko. Ate Gina gave me a warm smile bago kunin yung inorder ko, napansin ko rin na naglagay siya ng mocha cake kasama ng mga binili ko. Pupunahin ko na sana kasi hindi ko naman inorder yun at wala akong extra to buy that slice pero maagap niya akong pinigilan.
"Libre na to Louve. Wag ka ng umangal."
"Pero ate, baka po malugi kayo sakin. Lagi niyo na lang po ako binibigyan ng kung ano ano. Nakakahiya na po" I stated.
Totoo kasi. Pag bumibili ako dito sa cafeteria at pag nagkataon na siya yung nakatao dito sa labas ay lagi niya akong linilibre. Hindi ko na mabilang lung pang ilang beses na to.
"Hindi kami malulugi sa isang slice ng cake Louve. At isa pa, consider this as my thanks for always brightening my day. Natutuwa ako sayo lalo na pag nakikita kitang ngumingiti. Your dimple is so cute. Just give me a smile at bayad na tong cake na to." Inabot niya sakin yung tray na may lamang pagkain. At kahit nahihiya ay nginitian ko siya.