CHAPTER TWELVE

2.8K 145 1
                                    

LOUVE RIEKA MORRIGHAN

Unang dalawang klase lang sa umaga ang napasukan ko. At dahil don. Hindi ko nakita si Ms. Nadeline.

After kasi namin kumain kanina ay naexcuse na lahat ng mga students na mag tr-try out sa mga sports club. Isa ako sa mga excuse at mismong si Zero pa ang sumundo sakin sa room. Nagtataka nga ang mga kaklase ko kanina kung bakit nakaabang na agad si Zero sa labas di pa man time. Napakaseryoso pa nito na akala mo may nang away sa kanya.

Natakot tuloy para sakin yung mga classmates ko dahil akala nila ay may mali akong ginawa. Kung alam lang nila kung ano talaga ang ugali ni Zero. Ewan ko na lang kung matakot pa sila uli dito.

"Oh ayan. Anak. Ang gwapo mo na. Pakiss nga si Mama." Naiinis akong lumayo sa matandang ito ng ngumuso siya sa mukha ko. Dito niya kasi ako pinagbihis sa opisina niya tapos nilagyan niya pa ako ng bimpo sa likod.

Tawa niya lang yung naririnig ko. Tuwang tuwa siya sa mga pinaggagagawa niya sakin ngayon.

Itinuturing niya akong baby. Masyado siyang naattach sakin. Malapit ko na ngang isipin na sinasamantala niya ang kabaitan ko sa kanya. Namimihasa siya kakadikit.

Tinitignan ko yung sarili ko sa salamin. Daig ko pa nagluluksa dahil sa itim na jersey. Maayos na din na nakatali ang buhok ko into high pony para hindi ito makasagabal mamaya. Meron din pinasuot si Zero na itim na sport turban sa ulo ko.

Ng makontento ako ay sinuot ko na yung dala kong jacket. Nahihiya kasi akong maglakad papunta sa gym lalo na at expose na expose ang mga braso ko.

Hindi ako sanay ng ganito lalo pa at laging naka de manggas na mahaba ang suot kong tshirt o hindi naman ay naka jacket ako.

Payat nga kasi ako dati. Nakakahiya ibalandra ang tingting kong braso.

Sabay kaming napalingon sa phone ni Zero ng bigla itong tumunog. Nakapatong lang iyon sa desk kaya naman agad niya iyong nilapitan. Bago niya pa iyon sagutin ay sinenyasan niya na akong lumayas.

Dahil ayoko na rin naman makasama pa siya. Ay di na ako nagreklamo.

Bitbit ang duffel bag ay nagpaalam na ako sa kanya. Tumango lamang ito kaya umalis na rin ako.

Kakaunti lang ang mga nakakasalubong ko dahil nga recess pa. Malamang sa malamang ay naroon ang karamihan sa mga estudyante at kumakain. Sure din akong nandon si Ms. Nadeline kasama ng mga kaibigan niya dahil dun din sila madalas kumain. Tuwing lunch lang naman sila lumalabas.

Mabilis kong kinuha yung phone ko ng maalala ko si Ms. Hindi ko pa nga pala siya namemessage kahit kaninang umaga. Napakabugnutin pa naman non at akala mo ay laging pinagtataksilan hindi ka lang makapag update agad. May pagka territorial siya when it comes to me pero hindi ako nagrereklamo. As I said. Uhaw ako sa affection. Gustong gusto ko pa nga sa tuwing nagkakaganoon siya dahil mas nararamdaman ko na sincere yung nararamdaman niya para sakin.

Halos mamroblema ako ng buksan ko na yung phone ko.

Bumungad ba naman kasi ang napakadaming text at maraming miss call na galing lahat sa kanya. Patay talaga.

Hindi ko namalayan na tumatawag na pala siya. Nakasilent kasi ang phone ko sa tuwing nasa klase dahil nakakahiya naman kung biglang tutunog habang may nagtuturo.

Malapit na rin ako sa gym at natatanaw ko na ang entrance. May isang lalaking nakaabang doon na hula ko ay part ng basketball team dahil na rin sa suot nito.

Nakayuko ako dahil nagcocompose ako ng message na isesend ko kay Ms. Nadeline para naman medyo mabawasan ang inis nito sakin kaso ay may umagaw ng phone ko.

Moon and SunflowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon