CHAPTER TWENTY SEVEN

3.1K 148 6
                                    

NADELINE BUSCH

I've been trying to contact Louve pero hindi nito sinasagot ang tawag ko. Ilang beses ng nagpabalik balik si Zero sakin asking about my girl pero gaya niya ay hindi ko din alam kung nasaan na ito kasama ang mga kaibigan niya. Tapos na ang speech ni Zero at ilang saglit na lang ay tatawagin na isa isa ang mga graduates.

Hindi na ako mapalagay, nagsisimula na rin akong kabahan kasi baka may nangyari na sa kanila. Buti na nga lang at nasa tabi ko din sila Elizabeth dahil baka kung hindi ay kanina pa ako tumayo para hagilapin sila.

I look behind from where I seated and I see my parents looking at me. Naroon sila nakaupo sa likod kasama ang parents ng ibang graduating students, nasa tabi din nila si Sir Czac.

Nakita ko ang pagsenyas ni mom, asking kung wala pang balita kay Louve. Umiling lang ako kay mommy tapos ay tinawagan ulit ang babaeng iyon.

Gaya kanina, hindi pa rin nito sinagot ang tawag ko. Wala na akong magawa kaya naman nag send na lang ako ng message sa kanya, asking where the fxck she is right now, at sinabihan ko na rin na bilisan na nila.

I put my phone back in my purse at nagfocus na sa harap ng magsimula ng tawagin ang mga graduates.

Naroon sa harap ang parents ni Zero at kita ko ang tuwa sa mga mukha nila habang pinapanood ang mga bata na umakyat. Isa si Zero sa kumakamay at nag cocongratulate ng mga graduates. Kung hindi lang ako nag aalala kay Louve, ay baka pinagtawanan ko na si Zero na nasa taas. Mukha naman kasi siyang ewan. Hindi mo alam kung sincere sa ginagawa niya dahil yung ngiti niya mukhang ngiwi.

I crossed my arms at maya maya rin ay palingon lingon sa entrance ng auditorium kung saan ginanap yung ceremony. Umaasa ako na darating na sila any moment. Napapatap na nga lang din ako ng daliri ko sa braso dahil di na talaga ako mapalagay. Hanggang sa maya maya pa ay marinig ko ng tinawag ang pangalan ni Rollin. Una siyang aakyat sa kanilang magkakaibigan.

At dahil wala pa nga sila dito, ay inulit ng emcee na tawagin ang pangalan ni Rollin. Napansin kong halos lahat ay napalingon sa paligid at naghihintay na may tatayo at aakyat. Ng lumipas ang ilang segundo ay wala pa rin talaga, ay nagpatuloy na ito sa pagtatawag ng ibang pangalan.

Since by surname yung pagtatawag ng graduates, si Louve ang pinakahuling aakyat sa entablo sa kanilang magkakaibigan. At gaya ng nangyari kay Rollin. Wala ding umakyat ng isa isa ng tinawag ang pangalan nila Edon, Connor at Olgan.

"What happened to them? Bakit wala sila?" Narinig kong tanong ni Stef saakin. Dahil hindi ko alam ang sagot at medyo naiinis na rin ako ay hindi ako sumagot.

Ng mapansin niyang wala akong kabalak balak na umimik ay inirapan ako nito saka lumingon sa likod niya kung saan nakaupo si Taika. I heard her ask kung nasan na ang kapatid nito and gaya ko. Wala din itong idea.

Seryoso na lang akong tumingin sa harap. Alam kong mukha akong galit kaya naman yung ibang graduates tuloy na napapatingin sa direksyon naming mga teacher. Ay napapawi yung ngiti pag nakikita ako.

Masaya naman ako para sa kanila pero pasensya at nagsisimula na talaga akong manggigil. Sa dami ng okasyon na maiisipan nilang magkakaibigan na mahuli. Itong graduation pa talaga nila ay napili nila.

Siguraduhin lang nila na may matino silang rason kung bakit late sila ngayon. At wag ko lang malaman laman na may kalokohan silang ginawa dahil ako mismo ang papatay kay Louve na hindi nagawa ni Mac.

Natapos na lang lamang lahat lahat mag awarding ay wala pa rin ang mga ito. Si Rollin ang Summa Cum Laude ng batch nila pero paano siya makakapag speech kung wala siya.

Magsisimula na sanang mag closing remarks yung emcee ng biglang bumukas ng pagkalakas lakas yung malaking pinto ng auditorium. Parang biglang tumigil ang lahat tapos dun natuon ang atensyon namin.

Moon and SunflowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon