LOUVE RIEKA MORRIGHAN
I can't hide my frown anymore when I heard Ms. Nadeline call me by my surname again. Tapos na at lahat lahat ang klase niya samin pero heto siya at tinatawag na naman ako.
Pinagtripan niya ako buong klase Bente kaming lahat na estudyante pero ako at ako lang ang tinatawag niya for recitation. Napapansin na nga don ng mga kaklase ko na panay ako lang ang tinatawag niya. Takang taka na kasi sila habang nagpapalipat lipat ng tingin between me and our teacher.
Ayoko na sana sumagot dahil sumusubra na siya kakatawag sakin kaso nakakatakot naman kasi siya pag nagtuturo na. She have to different personalities. She is strict and terror when she is teaching pero napaka kulit pag naka off na yung teacher aura niya. Konti na lang iisipin ko ng may split personality siya sa sobrang bilis magbago ng aura niya.
At the end, wala akong nagawa kundi sagutin lahat ng tanong niya. Nakahinga lang ako ng maluwag ng marinig ko yung bell senyales na time for the next class. Akala ko tapos na yung pagtawag niya sa apelyido ko. Kaso hindi pa pala.
Masyado niya namang atang gusto ang apelyido ko. Pag yan dinugtong ko sa pangalan niya..
"Morrighan. Are you deaf? Kanina pa kita tinatawag." Pagsusungit ni Ms. Nadeline. Palihim akong napairap dahil ang taray ng boses niya. Pag ako nabadtrip sa tono ng pananalita niya. Pauungulin ko na siya.
Joke. Takot ko lang kay Maccon.
'duwag talaga.' si hardulph.
I can visualize hardulph on my head. Prente lang itong nakahiga. Nakapatong pa nga ang baba neto sa dalawang paa niya sa harap.
Relax na relax lang siya. Parang walang problemang iniisip.
Pinili kong wag ng patulan ang sinabi ni Hardulph. Iniiwasan ko rin kasing kausapin siya kasi minsan. Hindi ko maiwasang i voice out lahat ng sinasabi ko sa kanya. Magmumukha akong baliw na kinakausap ang sarili kapag pinansin ko pa ang papansin na ito.
"No maam. Pero sana nga bingi na lang ako." Binulong ko na lang yung dulo kasi baka hindi ako matantya ni Ms. Nadeline.
Nadeline just look at me bago sinabit sa balikat ang bago bago niyang hand bag.
"Bring my things to my office." Utos niya.
Napakunot ako dahil sa narinig. Utusan na ako nila Mac, tapos makikigaya pa siya. Aba. Kaya ako pumapayag mautusan nila Mac kasi mahal ko pa buhay ko, ayoko mamatay. Pero kung ibang tao ang makikigaya kila Mac. Ibang usapan na.
"Pero Maam. May ne--"
"No buts, Morrighan. Dalhin mo gamit ko. Bilisan mo." Ng tumalikod siya ay padabog akong napakamot ng ulo.
Nakakainis naman kasi. Hindi porke't may konting crush ako sa kanya ay pwede niya akong utos utusan.
In the end ay wala na rin naman akong nagawa kung hindi tumayo na. Natatawa na nga lang din sakin yung mga kaklase ko. Sabi nila favorite daw ako ni Maam. Nginitian ko na lang sila dahil hindi ko naman sila kilala. Wala akong kilala sa kanila.
I shook my head when I see her things above the table. Halatang may plano siyang pahirapan ako. Paano ba naman kasi ay isang libro lang naman ang ginamit niya kanina para magturo pero may extra pang tatlong libro na isang inch ang kapal kada isa ang kasama ng history book niya. Kinuha ko na lang iyon para matapos na. Hindi rin naman mabigat para sakin kasi mahina man ako compared kila Mac ay mas malakas naman ako kung tutuusin kesa sa normal na tao.
Magaan ang mga paang naglakad ako papalapit sa nakasaradong pinto. Naamoy ko yung pamilyar na amoy niya, she's still outside the room. Diba kanina pa iyon nakaalis.