LOUVE RIEKA MORRIGHAN
After I said those words. Parang nakita ko yung buong universe sa mga mata niya. Damn. Parang nagpasabog ng napakaraming fireworks dahil nagniningning ang mga ito. Pakiramdam ko kakapusin ako ng hangin ng unti unti siyang ngumiti. Yung singkit niyang mata naging crescent moon.
Wala sa loob na naipangako ko tuloy sa sarili ko na. Gagawin ko lahat just to see her smile like this everyday.
Im willing to do any single damn thing to see those smiles. Because it's worth it.
With a wide smile. Dahan dahan kong hinaplos ang mga pisngi niya. She closes her eyes as soon as our skin make contact na para bang sinusulit niya yung bawat pagdidikit naming dalawa.
Hindi ko na nakontrol yung sarili ko. I lean closer as I give her a kiss on the tip of her nose. Mas lalong lumaki yung mga ngiti nito. She once again. Open her eyes and I felt home ng muli ko iyong matitigan. Naramdaman ko ang mga kamay niya sa balikat ko. Dahan dahan itong yumayakap sa mga batok ko. Naninindig yung mga balahibo ko sa mga ginagawa niya.
From her eyes. My stares landed on her lips. It look so soft and pink. Para akong nauhaw sa nakikita. Hindi ko namalayan na unti unti ko na palang nilalapit yung sarili ko sa kanya.
Hindi naman ako nakarecieve ng kung anong violent reaction from her so I guess it's okay kung itutuloy ko. Right?
I close my eyes ng sobrang lapit ko na sa kanya and she also did the same. We are just few inches apart ng bigla akong nakarinig ng mga nagtatakbuhang yabag from the outside.
I immediately withdraw myself as I focus my senses.
Nanlaki na lang yung mga mata ko when I realized na papunta dito kung sino man ang mga naghahabulan na iyon.
Without second thoughts. Hinila ko agad si Ms. Nadeline papasok sa isang cubicle na malapit. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko. Saktong pagkasara ko ng pinto ay siyang bukas ng entrance ng comfort room.
Kung sino man ang mga ito. Tang*na niyo. Grasya na. Naudlot pa.
Deep inside nagwawala na ako tapos nakakaasar pa si Hardulph kasi mamatay matay na ito kakatawa. Bwisit na asong to. Hindi siya nagpaparamdam kagabi pero ngayon parang ewan kung makatawa.
Isinandal ko si Ms. Nadeline sa pinto. Saka ko pinatong ang isang kamay ko to support myself. Nakikinig lang ako sa mga kalandian ng nasa labas. Kesyo.
"Ang pogi talaga ni Rollin"
"Basta walang agawan ah. Akin si Connor."
"Iyong iyo na. Si Olcan lang naman yung gusto ko sa kanilang apat."
"Ang dadaldal niyo. Tabi nga. Asan yung lip tint ko? Gosh! Bilisan niyo ibigay niyo na. Malapit na yung next class. Makikita ko na si Mac."
Alam kong magkasalubong na yung dalawang kilay ko ngayon. Nagsisimula na akong mainis kaso ng marinig ko yung mahinang tawa ni Ms. Nadeline parang biglang nabura lahat ng inis ko. Napatitig na naman tuloy ako sa kanya. Yung simangot ko napalitan ng ngiti.
Walang nag warning sakin na ganito siya kaganda pag nakangiti!
"Relax. There is always a next time." I nodded my head then I felt her hand rubbing my arm. Effective yung ginagawa niyang pagpapakalma.
We waited for few minutes then we both heard the door as they leave. Dun na ako tuluyang lumayo sa kanya. She step back from the door saka ko iyon binuksan. Inilusot ko yung ulo ko to check kung may tao pa ba and when I confirmed na kami na lang ay hinawakan ko ang kamay ni Ms. Nadeline saka kami lumabas.