NADELINE BUSCH
The light peeking from the slightly open window wake me up from my slumber. It's been a while since I sleep so well. Lagi kasi akong kulang sa tulog at kain dahil sa pag aalala ko kay Louve.
Hindi ito pumasok ng ilang araw at wala akong mapagkunan ng impormasyon sa kanya dahil kahit si Zero ay naglahong parang bula. Napabayaan ko ang sarili ko pati na rin ang trabaho ko. Ilang beses akong natutulala sa tuwing nagtuturo na siyang pinag aalala sakin ng mga estudyante ko.
Hindi ako mapalagay at mapakali. Si Louve lang ang laging tumatakbo sa isip ko, I feel like going crazy without seeing her. Wala akong ibang ginawa kung hindi umiyak sa tuwing mag isa. I am overthinking about her na hindi ko na inalala pa ang problema ko kay Mac.
Wala akong pakealam sa kanilang lahat. All I care about is my baby, kung bakit ito hindi nagpaparamdam at nagpapakita.
Halos isumpa ko na rin ang sarili ko when I found out na may supresa pala dapat ito sakin. Kaya pala hindi ko siya mahagilap ng araw na iyon pati na rin si Stefani at Daphne dahil tinulungan siya ng mga ito. Ng dapat ay susunduin na nila kami ni Elizabeth ay siya ring dating ng mga magulang ko. Hindi sila nagkaroon ng chance na sabihin ang tungkol sa hinanda ni Louve dahil maski sila ay nahila sa pamamahay ng mga Fenrisulfir.
Nalaman ko lang ang lahat ng makauwi na kami. Kahit labag sa loob nila Mom ay sumama ako kila Stef para sana puntahan si Louve sa kung saan ito naghihintay sakin. Umaasa na naghihintay pa rin siya.
But we are so late. Wala kaming ibang nadatnan kung hindi ang madilim na bahay kubo. Ang mga litrato naming parang lumulutang sa ere, isang gitara na maayos na nakapatong sa couch, at ang nakaset up na dinner na para sana saming dalawa.
Wala akong nagawa kung hindi umiyak na lang ng maisip ko kung gaano siya umasa sakin noong gabing iyon. Kung gaano siya katagal naghintay. I feel so mad at myself at lalong nakadagdag sa guilt na nararamdaman ko ng maalala na pumayag ako na makipag relasyon kay Mac.
Kung bakit ba naman kasi isa akong malaking tanga.
I hide my face because I feel like crying again. I am silently apologizing at mas lalo akong sumiksik sa niyayakap ko.
I close my eyes so I can stop my tears but I feel someone gently wipe my tears away.
Dahan dahan kong binuksan ang mga mata ko and I am welcome with the most beautiful eyes I ever see. Her golden eyes staring at me lovingly. Inayos nito ang pagkakahiga ko sa kanang braso niya saka ako tinitigan ng mabuti.
"Gusto ko sanang batiin ka ng 'good morning' but it looks like you're not having a good morning. What's the matter baby? Why are you crying?" Masuyong tanong nito.
Hindi ako makasagot dahil mas pinili kong titigan siya. As I am just staring at her. I come to realized few things.
Things like, me being lucky to have her, maranasan kung paano mahalin ng isang gaya niya.
Mas lalo lang tuloy akong naiyak.
What did I even do to deserve someone like her?
I'm being emotional this morning and I can't help it. Ilang araw ko siyang di nakita at nakasama. Ng malaman ko na alam nito ang nangyari nung gabing iyon ay hindi ko na maiwasang isipin na baka hindi ko na siya makita ulit.
At isipin pa lang nawawala siya sakin. Hindi-hindi ko ata kakayanin.
Masyado na akong nasanay sa kanya, sa pagiging malambing niya, sa kung paano niya iparamdam na mahal niya ako, yung lagi siyang nasa tabi ko hanggang kaya niya.
I can't go back to my old life because Louve is my life now.
Sumiksik ako sa kanya just to hide my face. Naramdaman ko na hinahaplos ako nito sa likod para patahanin. Ng makuntento ako sa yakap niya ay bahagya kong iniangat ang kalahati ng katawan ko. I stare at her face na parang kinakabisado iyon. Naramdaman kong hinawakan nito ang isa kong kamay bago ito dalhin sa kanyang labi saka halikan. I felt like melting dahil habang ginagawa niya iyon ay diretso lang siyang nakatitig sakin.