NADELINE BUSCH
Masama ang timpla ko ngayong araw. Naiinis ako sa lahat ng bagay na naririnig at nakikita ko. Naiirita ako pag may naririnig akong ingay. Kahit nga paghinga ng ibang tao. Nabwibiwisit rin ako.
Simula lang to kaninang umaga. Pagkagising ko kasi. Sobrang sakit na ng puson ko and I feel the familiar sticky feeling on my crouch. When I check my white beddings, that is when I confirmed that my red days has come.
Oh fvck everyone.
"Why so grumpy Nads? Kanina ka pa nakasimangot. Did you know that you scared the students awhile ago. Parang any moment. Mangangain ka na ng buo." I sigh when Elizabeth noticed my mood right now.
Nilapag ko ang tinidor na hawak ko. Kanina ko pa pala pinapaikot lang yung pasta at hindi naman kinakain. We are at some Italian restaurant just like how I requested since I dont want to eat at the school cafeteria right now. I want to eat in silence.
Akala ko gaganahan ako dito. Pero hindi din pala. Im craving for something and I cant figure out yet. And that is annoying too.
"Im sorry." Matamlay kong sagot.
"Im not in the mood. Masakit ang puson ko and I dont know what Im craving for. Red days" i told them.
Sabay sabay naman silang tatlo na tumango. Na parang naliwan sila sa kung ano man ang iniisip nila. Siguro hindi lang si Elizabeth ang nakapansin ng mood ko ngayon.
"So that is the reason for the grumpiness. Akala ko si Morrighan na naman ang rason." Muling nagsalubong ang kilay ko as I look at Stefani. Nagpupunas ito ng labi while looking at me.
Kumakalma na sana ako kaso bigla niyang babanggitin ang apelyido ng batang iyon. Isa pa iyon na nakakainis. Hanggang ngayon ay hindi pa din kasi tapos ang pakikipag tagu taguan niya sakin. Umiiwas pa din siya at parang nakikipag tayaan kung makatakbo palayo pag nakikita ako. Ano feeling niya maganda siya?
Pwes, oo, maganda naman talaga siya. Mas maganda lang ako.
"Bat naman nasali sali sa usapan ang batang iyon? Pake ko ba don? Bwisit yon. Mabilaukan sana kung kumakain man siya ngayon." May narinig akong naubo sa may bandang likod ko pero hindi ko na lang pinansin dahil naaasar nga ako. Sila stef naman ay sumulyap roon since nakaharap siya sakin. Maya maya pa ay ngumiti ito.
"Wala ka naman palang pake eh bat nagagalit ka diyan?"
"Kanina pa ako galit. Di mo halata?" Tusukin kita netong tinidor eh.
"Kalma, hindi ako kalaban." She flipped her hair. Isa din tong feeling maganda.
"Pero by the way. Since nasali naman na din si Morrighan sa usapan. May gusto lang ako itanong." She said. Napalunok ako dahil hindi ko gusto ang tono ni Stefani ngayon.
Tonong mang aasar eh.
"Bakit parang pakiramdam ko, lagi mo siyang hinahanap?"
Napalatak ako. Ako? Laging hinahanap yon? Asa.
"Hindi. Pakiramdam mo lang yon." Pagtataray ko sa kanya.
I look at Daphne ng ito naman yung magsalita.
"I actually noticed it too Nads." Mas lalo akong sumimangot dahil sa sinabi nito. Bago pa man ako makapagsalita ay gumatong na din si Elizabeth.
"Before you object. I just wanted to say that I noticed it too. Lagi kitang napapansin na palingon lingon tuwing free time sa Hendrix. Tapos bigla kang ngingiti pag nakikita mo si Morrighan. Na mukha namang natatakot sayo kasi tinatakbuhan ka."
Yung inis ko kanina mas nadagdagan pa ng talagang ivoice out ni Elizabeth ang pinaggagagawa ni Morrighan. Tapos sasabayan pa nila ng hagikhikan. Tuwang tuwa na naman silang tatlo dahil napagkakaisahan na naman nila ako.