LOUVE RIEKA MORRIGHAN
My vision is blurry at ang tanging malinaw lamang sa paningin ko ay ang walang malay na katawan ni Sir Conri. He's not dead yet. Nararamdaman ko pa ito.
Im not sure what to feel. Oo, magaan sa pakiramdam na sa wakas ay kaya ko ng ipagtanggol ang sarili ko laban sa mga gustong manakit sakin. But, I am not a bad person. I am not evil. What my grandad did to him, he deserves it. Pero kahit na ganon ay hindi ko maiwasang hindi maawa sa pag aagaw buhay ni Sir Conri sa harap ko.
Hindi ko namalayan na ang tagal ko na pala siyang pinagmamasdan. Kung hindi pa ako nakatamo ng sampal kay Zero ay baka hindi pa ako matatauhan. And when I look at her, I can see how worried she is. She keeps on pointing at the direction of the forest pero wala naman siyang nabibitawang salita.
Nakatingin lamang ako sa kanya hanggang sa may mapansin ako. She's alone.
I immediately scan the place looking for Nadeline but I can't found her. Parang bigla na naman akong kinabahan, mas lalo pang nakakadagdag ng takot ang hindi mapalagay na itsura ngayon ng kaharap ko.
"L-Louve. You have to hurry! Si Nadeline. Isinama siya ni Mac." With that said. Ay halos mandilim na naman ang paningin ko. Nilingon ko ang ang direksyon na tinuturo ni Zero saka nakiramdam. My vision is clear kahit na madilim. That's why I can see them. I can see Mac running away bitbit ang mahal ko.
Medyo malayo na sila but I can still catch up. Hindi na ako naghintay pa ng kung ano at dali daling sumunod sa kanila. Im using my wolf speed at ito na ang pinaka mabilis. Wala na akong pakialam kung nadadaplisan ako ng mga sanga. Basta hindi ako titigil sa pagtakbo. My eyes are glued into Mac kaya kita ko ang paglingon niya ng malapit na ako. Mas lalo nitong binilisan ang pagtakbo at naririnig ko rin na umiiyak si Nadeline kaya mas lalong nadagdagan ang galit na nararamdaman ko sa lalaking iyon.
Ng Lumiko ito ay nakasunod lamang ako. Tumigil si Mac sa gilid ng bangin at hawak na nito si Nadeline. He turned into his human form. I turned myself into my human form too at hindi na ininda kung parehas man kaming hubad ngayon ni Mac.
"I will never forget all of you! Hinding hindi ko kayo mapapatawad!" He shouted while crying. Tumingin ito kay Nadeline at saka ito hinawakan sa kaliwang kamay. I clenched my jaw ng makitang nasasaktan niya ito. Then, narinig ko na lang ang pagtili ni Nadeline ng iangat siya ni Mac at akmang ihuhulog sa bangin. Halos tumakbo na ako palapit sa kanila pero mabilis din akong natigilan ng nagbabantang lumingon si Mac sakin.
Ito na yata ang pinakamatinding takot na naramdaman ko sa buong buhay ko. Nakakapanghina habang nakikita ko kung paano niya ilambitin si Nadeline sa gilid ng mataas na bangin.
"Kinuha mo na ang lahat sakin. You took my father's life. Pati si Nadeline! Gusto mo pang kunin!" I felt like my heart skip a beat ng muntik na nitong mabitawan si Nadeline.
Huminga ako ng malalim, gusto kong maiyak. Bakit ako ang may kasalanan?
"Wala akong kinukuha sayo Mac! Wala akong ginawang kasalanan sayo! Bakit ako ang sinisisi mo! Bakit parang ikaw pa yung dehado sating dalawa! Kung tutuusin. ikaw yung may malaking atraso! Buong buhay ko yung ginawa mong impyerno Maccon! I grew up being bullied by you! By everyone! Pero gumanti ba ako? Hindi! Hinayaan ko lang kayo! Hinayaan ko lang na kutyain niyo ako, na alipinin mo ako. Halos nga pati si Nadeline, muntik ko ng bitawan dahil sayo! Pero ni minsan, hindi ko naisip na gantihan ka. Lagi kitang pinagbibigyan sa mga ginagawa mo noon. Lumaki akong takot at duwag dahil sa inyo! Minsan lang ako naging matapang. Minsan lang akong naging masaya." I look at my girl when I said the last word. Hindi ko ugaling maglabas ng lahat ng hinanakit ko. Pero pakiramdam ko ay ito ang tamang pagkakataon para ipaalam kay Mac ang naging epekto niya sa buhay ko.
"Once in my life. I became happy because of Nadeline. She's my everything Maccon. She is my mate." Muli kong binalingan si Mac matapos kong bigyan ng maliit na ngiti si Nadeline.
"Lumaki kang nakukuha lahat ng gusto mo, na nasusunod kahit anong hilingin mo. Sana ako naman ngayon Mac. Please give me back my life. Ibigay mo na sakin si Nadeline. She's all that I have. I can't live my life anymore without her." Halos lumuhod na ako sa harap ni Maccon. Nakatingin lamang ito sa akin at hindi nagbabago ang ekpresyon. Maya maya pa ay mas lalo itong nagalit.
"Did.. Did you just said that she's your mate?" He ask.
Tumango ako sa kanya. I waited for I don't know how long hanggang sa iduro ako nito.
"You're lying! Its impossible! It can't be. Nadeline is my mate! Paanong magiging siya ang mate mo!" Im pbserving him, kung nagsasabi ito ng totoo. Hindi ako makapaniwala sa sinabi nito pero ng makita ko kung gaano ito kaseryoso, dun na ako nagsimulang maguluhan.
Maccon, he's not lying.
Parehas kaming tatlong hilam sa luha. The three of us is in pain. hindi ko na kailangang alamin kung sino ang mas higit na nasasaktan.
My mind is clouded with just one question.
Bakit.. bakit iyon ang paniniwala ni Mac. Why is he thinking that Nadeline is his mate.
"It's impossible. Im sure that Nadeline is my mate." Bulong ko sa hangin.
Unti unti na akong nagdududa sa koneksyon naming dalawa ni Nadeline when I felt a hand on my shoulder. Ng lingunin ko iyon ay nakita ko si lolo na nakatayo na sa tabi ko. He looks so serious habang nakatingin kay Mac at may nakasinding tabacco sa bibig.
"None of you are lying. And the situation right now is not imposible." He said. Itinapon nito ang nasa bibig saka inapakan bago kami muling tignan.
"Werewolves can share a mate. It's rare but it's not impossible." Naramdaman ko na may nagpatong ng tela sa balikat ko para matakpan ang katawan ko, tinanguan lamang ako ni Rollin ng lingunin ko siya. He stand beside me habang ang kapatid nito ay sumandal sa isang puno. Ang atensyon naming lahat ay nakafocus kay lolo at sa mga sasabihin nito.
"I remember a similar case before, inilapit nila iyon sakin to settle things. I gave them two options dahil iyon lamang ang maaring lumutas ng problema. At ang dalawang pagpipilian na iyon ay irerekomenda ko rin sa inyo." Walang kumibo samin. Naghihintay lamang kami sa sasabihin ni Lolo, kahit si Maccon nga ay tahimik lang din na naghihintay.
Pumikit si Lolo matapos tumingala para mapagmasdan ang buwan. I saw him smile matapos ay muli kaming tinignan. Matingkad ang mga mata nito.
"And those options are. It's either magkakasundo kayong dalawa to share Nadeline. Or one of you will sacrifice, one must break the bond."
After what we heard, ay sabay pa kaming tumingin ni Maccon sa isat isa. Parehas kaming nanantya, hanggang sa maya maya ay ngisihan ako nito.
"I don't like sharing at hinding hindi rin ako papayag na mapasayo si Nadeline. I love her. She belongs to me." His voice is venomous.
If I am the old me, ay baka nagparaya na ako. Pero hindi. Si Nadeline na ang pinag uusapan dito. At gaya niya. Hindi rin ako papayag ng may kahati. At hindi ko rin hahayaang ibigay na lang ng basta basta si Nadeline.
"We are just thinking the same Mac."
Pumalakpak si lolo to get our attention.
"I see, nakapagdesisyon na kayo. There is only one thing left para tuluyan ng matapos ito."
.
.
.
.
"You two. Both of you need to fight. Fight for your love."