CHAPTER TWENTY TWO

2.5K 124 1
                                    

NADELINE BUSCH

Tahimik kaming nag aabang ni Zero sa mga sususnod na mangyayari. Hawak ko ng mahigpit ang isa kong kamay dala na rin ng matinding kaba na nararamdaman ko para kay Louve at kay Sir Czar. Pinaukutan sila ng mga kalaban nila, na parang hindi sila hahayaang makatakas.

Nakakatakot pagmasdan ang itsura ng mga lobong nakapaikot sa kanila. Lahat sila ay mga handang umatake kahit na anong oras. Pero kahit na nasa mapanganib na sitwasyon, ni hindi ko makitaan ng kahit kaunting takot si Louve at si Sir Czar. Mga mukha pa nga silang walang pakealam at ang mga tingin ay hindi naalis sa mag amang Fenrisulfir.

Hindi din nagtagal ay napansin ko ang pagsenyas ni Sir Conri. Sabay sabay na umatake ang mga lobo ng makita nila iyon. Halos mapatalon ako sa gulat dahil sa sobrang bilis ng pangyayari, nakita ko na lang na tumalon sa direksyon nila Louve ang mga kalaban nila.

I can't even blink because I am too worried and scared for my baby at Sir Czar. Pero nawala lahat ng pangamba ko sa sumunod na nangyari. Sa isang kisap mata, Louve showed her wolf, she roared loudly at huli na para sa ibang lobo para umatras.

It only takes one second, just one second for Louve to annihilate Sir Czar pack. Saglit lang na nangyari. All of them are now on the ground, spitting blood as they suffer the damage that they got from Louve.

Naiwang nakatayo ang mag ama, I can see how shock they are because of what they just witnessed. Kahit si Zero ay natawa sa itsura nila.

Ng muli silang balingan ni Louve. Halos mapaupo si Mac sa lupa. Kahit si Sir Conri ay napaatras. Then, Louve started to walk towards them. Naalala ko ng una kong makita ang wolf form nito, she looks exactly the same that night. Matalim tumingin ang mga mata, her white fur is stained of blood coming from the other wolves. Parang kumikinang ang balahibo niya sa ilalim ng liwanag ng buwan. She looks marvelous and dangerous.

"Call me weak again, Sir Conri. I dare you." Narinig kong hamon ni Louve. Tumayo siya sa mismong harap nila. She was towering the both of them, taas noo at parang kahit sino ay manliliit sa paraan ng pagtitig niya.

Halos hindi makapagsalita ang mag ama. I can see them trying to speak but there are no words coming from them. Maya maya pa ay galit na nakabawi si Mac. Matapang itong lumapit, nakatingala ito kay Louve saka niya dinuro.

"Stop being cocky! You're just lucky! Those wolves are just weak!"

Narinig ko ang pagtawa ni Louve sa sinabi ni Mac. Yung klase ng tawa na hindi natutuwa. Matapos ng pagtawa niya ay yumuko siya para maayos niyang matitigan si Mac.

"Hindi mo pa rin ba matanggap na hindi na ako ang dating Louve na inaalila mo noon? I am not the same weak wolf before Maccon. Sa paanong paraan ka ba maniniwala? Ganito ba?" After saying those. Agad na sinunggaban ni Louve ang isa sa mga were wolf na akmang susugod sa kanya kanina. Tumalon ito papunta sa kanya pero sinalo niya ito gamit ng bibig niya. Bumaon ang matatalim niyang ngipin sa tiyan ng wolf na siyang kinaiyak nito sa sakit. Hindi ito tinantanan ni Louve kahit na halos wala na itong buhay. Binitawan niya lamang ito ng hindi na talaga iyon gumagalaw. Akala ko ay tapos na si Louve sa ginawa niya. Pero mali ako. Nagbalik sa anyong tao ang kaninang wolf na sinakmal nito dala ng sobrang panghihina, gamit ang malalaki niyang paa ay inapakan niya sa dibdib iyong lalaki na siyang ikinasuka nito ng dugo. The guy was trying to break lose from Louve paws pero mas lalo lamang idiniin ni Louve ang mga paa niya. Ilang sandali pa ay dahan dahang tumigil sa paggalaw ang lalaki hanggang sa tuluyan na itong bawian ng buhay.

"Is this not enough proof?" Maya maya pa ay tanong muli ni Louve kay Maccon.

Muli ay hindi sila nakaimik. Tahimik si Sir Conri pero alam kong galit na galit na ito. Si Mac ay nakatingin na lamang sa mga wolves na halos bawian na ng buhay dahil sa ginawa ni Louve sa kanila.

"I WILL NOT FORGIVE YOU!" Mula kay Mac ay bumaling ako kay Sir Conri. Nakita ko itong tumakbo ng mabilis patungo kay Louve. Akmang sasaktan niya ito gamit ng matatalim niyang kuko ng walang ano ano ay biglang lumitaw si Sir Czar sa pagitan nila. Sinalo nito ang pag atake ni Sir Conri ng walang kahirap hirap gamit ng kanyang bibig. Isang alulong ang pinakawalan ni Sir Conri dahil sa sakit lalo na ng mas bumaon ang pagkakakagat sa kanya ni Sir Czar.

Ng bitawan siya ni Sir Czar ay masaganang tumutulo na ang kanyang dugo mula sa kanyang paa.

Paika ika itong muling umatras.

"Huwag kang sumawsaw sa away ng mga bata Conri. Ako ang kalaban mo. Hindi si Louve." Muling umatake si Sir Czar na hindi napaghandaan ni Sir Conri. Tumilapon ito ng malakas siyang hambalusin ni Sir Czar gamit ng mga paa nito. Nagsimulang mag laban ang dalawa at base sa nakikita ko. Malaki ang agwat ng lakas nilang dalawa. Ni hindi man lang makaganti si Sir Conri kay Sir Czar sa bawat pag atake nito.

Pakiramdam ko ay parang may dalawang naglalakihang aso ang nagpapatayan sa harap ko. Halos hindi na rin masundan ng mga mata ko ang nangyayaring palitan ng atake ng matatanda dahil sobrang bilis nito.

Walang umawat sa kanila. Maya maya pa ay biglang tumilapon ang nanghihinang katawan ni Sir Conri sa tapat mismo ni Mac.

Halos hindi makapagsalita si Maccon habang nakatingin sa ama niyang punong puno ng sugat at kagat. Paisa isa na lang din ang ginagawa nitong paghinga.

Muling naglakad si Sir Czar sa tabi ni Louve na tahimik lamang na nakamasid. Lahat kami ay nakatingin lang sa mag amang Fenrisulfir, lalo na kay Mac.

Nakita ko ang pagtulo ng luha nito habang dahan dahang yumuko sa harap ng nanghihinang ama. Patuloy ito sa pag iyak habang maingat na hinahaplos ang balahibo ni Sir Conri. Ingat na ingat siya rito at takot na masaktan pa ang ama. Ng bumalik sa pagiging tao si Sir Conri ay mas lalong naging kapansin pansin ang natamo nitong pinsala. Malalalim ang mga sugat nito mula sa mga kagat ni Sir Czar at ganon din ang mga kalmot.

Hindi ko marinig kung ano ang binubulong nito pero alam kong nag uusap silang mag ama.

Nakita ko na lamang ang pagtapik ni Sir Conri sa balikat ni Maccon, hanggang sa dahan dahang pumikit ang mga mata nito. Ang kanina ay tahimik na paghikbi ni Mac ay naging malakas. Wala na itong pakialam na may ibang nakakakita sa pag iyak niya. Nakayakap lamang ito sa kanyang ama at patuloy na isinisigaw ang pangalan nito.

Hindi ko gusto si Mac sa kahit anong aspeto pero hindi ko maiwasang hindi madala sa nasasaksihan ko ngayon. His cries is too painful for me. Iba din kasi ang epekto kapag nakita mong umiyak ang isang gaya ni Mac.

Lahat kami ay nakatingin lamang kay Mac habang yakap nito si Sir Conri at parang ayaw pakawalan. Maya maya pa ay halos mayakap ko ang sarili ko dahil sa biglaang paglamig ng hangin. Tumingala din ako dahil sandaling dumilim ang paligid. Natakpan pala ng makakapal na ulap ang buwan.

Naging tahimik ang buong paligid, na tanging mga kuliglig na lang ang naririnig. Kahit ang pag iyak ni Mac ay tumigil rin.

Nag hihintay lamang ako sa muling pagsilay ng buwan ng may mapansin akong kakaiba. Nag iba kasi ang kulay ng liwanag nito. Parang naging pula. Kasabay noon ay nakaramdam ako ng kakaibang kilabot, kakaibang kaba na parang may mga matang nagmamasid sakin.

Ng muli akong tumingin sa direksyon nila ay halos mapaatras ako sa gulat ng mapansin kong si Mac pala ang ang naramdaman kong nakatitig. Natakot ako dahil sa kakaibang aura nito. Ang mga mata nito ay naging gaya kay Sir Conri. Mapupula at parang nagliliyab. Diretso itong nakatitig sakin, halos hindi ako makagalaw dala ng nararamdaman ko. Maya maya pa ay unti unti ng sinasakop ng sinag ng buwan ang paligid. Ang pulang sinag nito ay unti unting lumalapit sa kung saan naroon si Mac. Hanggang sa tuluyan na itong maexpose sa pulang liwanag ng buwan.

Sabay kaming napasinghap ni Zero ng biglang umalulong si Maccon. Para itong nag ibang nilalang. Parang hindi na ito yung Mac na kanina ay umiiyak. Naging mabangis ito habang nakatingin sa direksyon namin. Maya maya pa ay halos kabigin ako ni Zero dahil biglang tumakbo si Mac sa direksyon namin. At habang tumatakbo ay bigla itong naging malaking itim na lobo.

He turned into his wolf.

Pakiramdam ko ay napako ako sa kinatatayuan ko at wala akong ibang nagawa kung hindi pumukit na lamang at maghintay sa kung ano man ang gagawin saamin ni Mac.

And later on, I just feel the cold breeze of wind kasabay ng pagtakbo ni Mac sa kakahuyan. Isinama ako nito sa ginawa nitong pagtakas.

Moon and SunflowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon