NADELINE BUSCH
"Fix yourself, Nadeline. You have to smile. Mamaya ay makita ka pang ganyan ng mapapangasawa mo. Ano na lang ang sasabihin ng mga Fenrisulfir pag nakita nilang nakasimangot ka sa gabi ng kasal mo? Ano na lang sasabihin ni Sir Conri at lalo na ni Maccon. Mukha kang napipilitan." Babala ni Mommy sakin.
Sinamaan ko siya ng tingin at wala akong pakialam kahit makita niya pa iyon. Nagagalit ako sa kanila. Alam naman nilang napipilitan talaga ako sa mga nangyayari ngayon dahil noon pa man ay sinabi ko ng hindi ko gusto ang ginawa nilang pag seset up sakin kay Mac. Pero hindi nila ako pinakinggan. Halos iniyakan ko na sila noon tapos eto at ipapakasal pa nila ako sa taong di ko gusto.
This is bullsh!t. Nagagalit ako sa kanilang lahat. Gusto kong tumakas pero bantay sarado ang lugar kung nasan ako ngayon. Nagkalat ang mga tauhan ng Fenrisulfir at nila mommy sa paligid dahil gusto nilang manigurado na walang mangyayaring hindi naayon sa plano nila. I am trap on this place and my only hope to escape is my Louve.
Kung alam ko lang na mangyayari ito. Sana ay hindi na lang ako humiwalay kay Rollin o hindi kaya ay nagpasama na lang ako sa kanya. Hindi ko naman kasi ineexpect na naghihintay sakin sa opisina si Edon at Connor. Nagulat na lang ako ng datnan ko sila doon at walang pag aalinlangan na kunin ako.
Dito ako diniretso sa teritoryo nila. At first ay nagulat ako kung bakit nandidito rin ang parents ko pero ng malaman ko na part sila ng nangyayari at matapos nilang sabihin ang plinaplano nila ay halos isumpa ko na silang lahat.
My parents are not like this before. Binibigyan nila ako ng kalayaan to make my own choices kaya nga naging guro ako. They want me to take over our businesses but when I told them that teaching is my calling. Hindi nila ako pinigilan. Now, they are controlling me. My father even said that since I declined to manage our businesses, they will find a suitable man for me to marry at sa kanya nila ipapamana ang mga negosyo nila. And that man that they are talking about is none other than Maccon.
"I can not smile because all of this is against my will. Paano ako ngingiti kung pinipilit niyo ako. I DONT LOVE MAC. And I will never be. I already told you that I love someone else. Mom, please. Umuwi na tayo." I beg.
I hold my mother hands sabay pisil doon. Tuluyan na akong naiyak and I really want to see Louve right now. I already miss her. I want to feel her embrace because I feel so alone and defeated.
I want her here with me.
Im hoping na sana ay bumigay na ito at umiral ang pagiging ina niya sakin. Pero hindi iyon ang nangyari. Sumama ang timpla niya and she even yank my hands away from her.
"You will love your husband and that's final. Kung hindi mo siya mahal ay kailangan mong pag aralan kung paano siya mamahalin. Youre a teacher. Magaling ka magturo. Ngayon turuan mo ang sarili mo. And about that lover of yours, hindi pa kami naghaharap ng taong iyon. Your relationship with that kid disgust me. Paano mo naatim na makipagrelasyon sa babae? Hindi kita pinalaki para maging makasalanan at imoral Nadeline."
Sa sinabi nito ay mas lalo akong naiyak. How can she say those things. Where is the loving mother that I grew up with?
Yumuko ako because I really can't stop my tears. Natatakot ako dahil hindi na ako makapag isip pa ng ibang paraan para matigil lahat ng ito. Im already losing hope and all I really need right now is Louve.
I need her. Please baby, save me.
"Hon?" Parehas kaming tumingin sa pinto ng magsalita mula roon si Dad. His head is peeking on the slightly open door at hawak nito ang doorknob.
"Can I talk to our daughter? Just for a while?" Tanong ni Daddy dito.
Hindi agad na sumagot si Mommy. Parehas kaming nakatingin sa kanya, later on, she eyed the both of us bago walang sabi na umalis. My dad open the door for her at ng wala na si Mommy ay ngumiti ito sakin.