THIRD PERSON POV
Both of the young wolves received severe injury from each other during thier fight. Parehas silang naghahabol ng paghinga at puno na rin ng sugat ang bawat isa. They both can't even stand straight dahil sa sakit na parehas nilang nararamdaman.
One hour had already passed since they started battling. Hindi maitatanggi na nakakamangha ang galing ni Mac pagdating sa pakikipaglaban, pero pagdating sa lakas at bilis, ay mas nangingibabaw si Louve.
Louve lack on skills since she's not trained to fight just like Maccon but her strength is immeasurable. While Maccon have all the skills of a great fighter but she can't cope up with Louve's speed and power.
Sumakatuwid, ito ang naging rason kung bakit naging pantay ang laban nilang dalawa.
Mabilis man si Louve pero nakakalusot pa rin ang bawat atake ni Maccon because the male wolf already build his strategy of his every next move in his mind.
While on the other hand. Wala mang plano si Louve sa mga atakeng gagawin niya at basta na lamang siyang umaatake sa bawat oportunidad na nakikita niya pero kada tatamaan si Maccon, sobra pa sa sobra ang nagiging pinsala nito.
One slash of Louve's claws is equivalent to a hundred sharp knives.
Maka pigil hininga ang nagaganap nilang laban. Hindi na rin mapakali si Nadeline at halos takbuhin niya muli si Louve kung saan ito naroroon para matigil na ang lahat ng ito, kaso ay mahigpit siyang yakap ni Rollin. She's so worried at pakiramdam niya ay pati siya, nasasaktan sa tuwing tumatama ang mga atake ni Mac.
All she can do is close her eyes, and cry.
Sa kabilang banda, dumating na rin ang kumakatawan sa mga mortal na tao kung nasan naroon ang konseho. Tumayo ito sa tabi ng pinuno ng mga diwata dahil ito lamang ang pinakamalapit sa kanya. Tinanggap niya ang binocular na iniabot sa kanya ng kanyang assistant para mas mapanuod niyang mabuti ang labanan. Nais niyang masilayan ang tinaguriang puting lobo na siyang alamat at pinakamalakas sa lahi ng mga ito. At hindi binigo ni Hardulph ang pinuno ng mga mortal. Manghang mangha ang binata habang nasisilayan si Hardulph kahit na hinang hina na ito at puno na ng kalmot, sugat at dugo.
All of the mythical being that he witnessed never failed to amaze him. At isa na roon si Hardulph.
"You have to watch carefully, because whoever wins this battle. Will be the next alpha of thier clan. Siya ang papalit kay Czar bilang kumakatawan sa mga lobo. The winner will be the one who will joins the council." Narinig niyang payo sa kanya ng kanyang katabi.
Dylan, the guy who was tortured by Mac before, just smile as he continue to watch his students. Hindi maitatangi ang gandang lalaki nito kaya naman hindi maiwasang mamula ng diwata sa kanyang tabi.
"Wag kang mag alala. Hindi ko aalisin ang mga mata ko sa kanila."
Going back to the battle. Maccon think of his next move again. Naiinis na siya sa nangyayari. He was so certain that this fight is going to be one sided, on his favor of course. Pero hindi niya inakala na mahihirapan siya. Parang muling dinurog ni Louve ang ego niya thinking that, he was trained all his life to fight compared to Louve. Pero nagagawa siya nitong sabayan.
Wasak na wasak ang pride niya.
After building his next strategy, Maccon growled too loud. Napakalas non na halos takpan na ni Nadeline ang mga tenga niya. Sinabayan ni Nadeline ng pagpikit at pagyuko ang ginawa niya na siyang malaking pagkakamali dahil hindi niya napansing nasa kanya na pala ang atensyon ni Mac.
Mac next move is dirty. He will use Nadeline.
Tumakbo ng napakabilis si Louve papunta sa direksyon ng dalaga. Louve never expected Maccon's next move kaya medyo nahuli ang katawan niyang magreact. The moment na matauhan siya ay ilang hakbang na lamang ang layo ni Maccon kay Nadeline. She tried to run to stop Maccon to whatever bullsh!t he was trying to do. On Louve's mind, her main priority is to protect the girl she love. Ng malapit na siya kay Nadeline ay muli na naman siyang nagulat ng biglang lumiko ang direksyon ng takbo ni Maccon at patungo na ito sa kanya. Iniangat ni Mac ang malaki niyang paa sa harap at pinahaba ang mga kuko, hindi nakailag si Louve ng kalmutin siya ng binata sa mukha, damaging her face. Naglandas ang mga kuko ni Mac mula sa itaas ng kanyang kaliwang mata pababa. And Louve already know that this attacked will leave a permanent scar. Umatras si Louve habang pikit ang isang mata. Malayang umagos ang dugo mula sa kanyang sugat. Hindi pa man siya nakakarecover mula sa huling atake ni Mac ay balak na naman ulit siyang saktan ng binata. Mas pinatulis ni Mac ang kanyang kuko, he was aiming for Louve's neck. balak niya itong gilyitan. And for him, this attacked will going to be the last.
Sumisilay na ang ngisi ni Mac sa kanyang mga labi dahil naamoy niya na ang kanyang tagumpay. He can finally kill Louve. But what he did not expect ay nabasa na ni Louve ang kanyang susunod na galaw. Bago pa man sumayad sa lupa ang mga paa ni Maccon dahil sa ginawa nitong pagtalon. Ay nakapagpalit anyo na bilang tao si Louve. Ipinuwesto ng dalaga ang kanyang kamay kung saan naroon ang dibdib ni Mac. Pinatulis ni Louve ang kanyang mga kuko at sinalubong si Mac. In one swift move, ay parang hangin lamang na dinaanan ni Louve ang katawan ni Maccon na natigil sa pag galaw.
Nakatalikod silang dalawa sa isat isa. parehas na pagod dahil sa labanan nila. Ang mga nanunuod sa kanila ay nag aabang dahil hindi nakita ng mga ito kung ano ang nangyari dahil napakabilis non.
Matapos ng tatlong segundong katahimikan. Unti unti na ring nagtago ang pulang buwan sa likod ng makakapal na ulap. Unti unting kinain sila ng dilim at tanging ilaw mula sa mga dalang torches ng ibang lobo ang nagsisilbing liwanag.
Dahan dahan at sabay na humarap sa isat isa sila Mac at Louve. Bumalik na rin sa kanyang anyong tao si Mac, at ang mga kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa kanyang dibdib, kung saan tumama ang atake ni Louve.
Pakiramdam ni Mac ay unti unting nanlalamig ang kanyang katawan. Nagsimula siyang maging manhid. Hindi niya pa maisip kung ano ang ginawang pag atake ni Louve at kung bakit ganito ang nararamdaman niya. Hanggang sa manlaki ang kanyang mga mata ng itinaas ni Louve ang kanyang kamay.
From there. Maccon saw his own heart. Still beating on Louve's hand. Maccon tried to approach Louve, trying to get his heart back pero sino ba namang niloko niya. Hindi niya na kaya.
His body fall into the ground. Nakataas ang isang kamay at pilit pa ring inaabot si Louve. With Maccon's one last strength, he look again at Louve. He witnessed how Louve crush his own heart right before his eyes. Darkness started to engulfed his vision. He now know that he lost. Before his eyes permanently close. Nasulyapan niya pa sa likod ni Louve ang babaeng minahal niya lubos. Nadeline, how tragic it is to fall in love with that lady, hindi siya nagsisisi na ito ang minahal niya at kung bibigyan siyang muli ng pagkakataon na pumili ng mamahalin niya sa kanyang susunod na buhay. Ito pa rin ang pipiliin niya. A sad smile crept into his lip. Then he whispered some words for Louve to hear.
"M-my heart.. give it to her.. cause it only belongs to her.."
And that.. at that moment. Maccon take his last breathe as his life finally ended.