LOUVE RIEKA MORRIGHAN
Hindi na ako nakapag focus matapos kong mapansin ang mga tingin ni Mac. So the result. Hindi ako napabilang sa mga napili. Halos nagkalat na lang ako sa court. Naipapasa ko kila Mendoza ang bola at hindi na rin ako ulit naka score.
Tahimik akong lumapit kay Zero, wala na din kasi sila Ms. Nadeline dahil kanina pa nagsimula yung klase. Si Mendoza ay hindi na rin natapos ang pag susungit at pagtratrash talk ng magsimula na akong magkalat. Sabi niya ay naiinis siya dahil kita niya namang may potensyal ako kaso hindi ko ginalingan.
Sumilip ako kay Zero ng malapitan ko siya. I am expecting that I disappoint her because siya yung nag effort magpalista sakin at binilhan niya pa ako ng mga gamit tapos ganon lang ang ginawa ko.
Nahihiya ako sa kanya but the only thing that she did was tap my head. Saka ito lumingon sa likod ko kung saan naroon sila Mac.
Kitang kita ko kung paano niya tignan ang mga ito. Parang nanumbalik ako noong una ko siyang nakita sa cafeteria. Dahil na rin siguro madalas kong kasama si Zero at nakilala ko siyang palabiro at makulit. Nawala sa isip ko kung gaano kalakas ang aura niya.
Nakalimutan ko kung gaano siya kaintimidating at gaano siya kalamig pag may hindi siya nagugustuhan.
"Let's get out of here. We can go to my office. Valid hanggang lunch break yung excuse sayo. You can rest on my place." Sabi nito sa mababang boses. Nauna na itong umalis kaya sumunod na ako. Even the guys wearing black suit na nakatayo sa may entrance ay sumunod na rin samin. Mga bantay ito ni Zero.
Naguiguilty talaga ako dahil hindi ako nakasali sa team. Kaya nung hindi ako nakatiis ay hinawakan ko na si Zero sa braso niya.
Lumingon siya sakin at naroon pa rin ang seryoso nitong itsura. Para tuloy akong naduduwag magsalita.
I breathe out para naman kahit papaano ay kumalma ako. The. i look at her again.
"I-Im sorry. I messed up." It was all that I can say.
Tinitigan lamang ako nito pero maya maya ay ngumiti na rin. Dun lang ako napanatag.
"Okay lang. There's always next year. Kailangan na nating pumunta sa office dahil marami akong itatanong sayo. I need to know all the information between you and Mac. You need to explain to me kung bakit takot na takot ka sa kanila." Hindi na ako tumanggi.
Muli akong sumunod sa kanya hanggang opisina. Inutusan muna ako nitong maligo bago inabot ang isang paper bag kung saan naroon yung pinabili niyang damit para sakin.
Madali lang akong natapos at paglabas ko ay hindi na ako nagulat ng hindi na lang siya ang tao sa loob. I can already sense thier presence when they arrive. Kasama na nito ang mga magulang niya, base sa itsura nila ay mukhang seryoso ang kung ano mang pinag uusapan nila.
"Andyan ka na pala. I hope you don't mind if my parents are here. Gusto ko din kasing malaman nila ang mga sasabihin mo since sila talaga yung makakatulong sayo." Zero explained.
I just smile saka umupo sa tabi niya. Nasa harap namin si Mrs. Shine at Mrs. Yuri na parehas nakangiti. We both exchanged greetings at ng mailapag ni Zero ang hinanda niyang kape para saming lahat ay nagsimula na akong magkwento.
"Alam niyo na po na hindi ako normal na tao. Diba?" Panimula ko.
They both just nodded and wait for me to continue talking.
"I am from Brokenridge. All of the people who lives there are just like me. We are a pack of wolves and base on what I know. We are one of the strongest pack here in the Philippines. Malaki ang populasyon ng lahi namin at kalat din kami sa iba't ibang bansa. Sir Conri Fenrisulfir, Mac's father is our pack leader. He is our Alpha. And Mac is next to his throne." I sip on my coffee before I continue talking.