Chapter (F) - Feelings

208 4 0
                                    

My crazy friends just brought me on a private beach resort. Napansin kong simula ng mapadpad ako dito ay naging over protective at strict sila saakin. Ang weird ng mga kinikilos nila! Lagi silang may meeting palagi na hindi nila pinaparanig saakin. Ugh.

Kung dati hinahayaan lang nila ako, ngayon hindi. Wala na din silang paki-alam kung bugbugin at murahin ko sila. Pinoprotektahan lang daw nila ako dahil hinahanap na ako ng pamilya ko.

Mas naging maingat sila. Ayaw nilang sabihin saakin kung saang lupalop kami ng Pilipinas. Ayaw nila ako pagamitin ng cellphone. Ayaw nila akong lumabas, hanggang sa beach location lang ako dahil may mga nakabantay na guard na akala mo mga wrestlers sa entrance nitong resort.

Mukhang hindi magiging maganda ang buhay ko. Pero siguro mas mabuti na ito. Kailangan ko muna ng space at time. Ako rin naman ang may gawa lahat ng ito, pero hindi ko ito ginusto. Tngina, kasalanan ko ba kung manyakis at sadista yung gagong kabit ng malandi kong lola?

Sa ngayon I'll live with their way. Sa ngayon, sila lang ang makakapitan ko.

"Vicky?"

"Bakit?"

"Lunch is ready. Tara kain na tayo."

Lumapit ako sakanya at niykap ko siya.

"Ros, anong balita sa mga kapatid ko? Okay lang ba sila? 'Cause damn, I already miss them."

"Shhh. Don't worry.. Sooner or later, tatawag din saatin si Rod kung may balita okay? For now, hwag mo muna istress ang sarili mo. We brought you here to make your mind at peace. To relieve all your stress and take you away from all of your depression. Ipagdasal nalang natin sila. Your brothers are strong. Don't think too much."

I know that my brothers are aliens but I can't be that relaxed. *sigh* I hope they are really okay.

"Thanks Ros."

"Always, Vicky."

Pagdating namin sa kusina ay nakaupo na si Marvel habang si Brent ay patuloy pa din sa pag prepare ng pagkain. Tamad talaga 'tong ugok na 'to kahit kailan.

Nabigla ako ng yakapin niya ako at halikan sa noo. Mabuti naman at nagfunction ang isip ko kaya naitulak ko siya palayo.

"Sorry. Just missed you."

"OA mo, Marvs. Nagluto lang kayo ng dalawang oras namiss mo agad?"

"Kahit isang segundo lang na hindi ko siya makita, miss ko na siya agad."

"Korny mo pre, tngina."

Napatingin kami lahat kay Brent. Nilalagay na niya ang mga pagkain sa lamesa. Natawa nalang kami ni Ros. OA naman talaga si Marvel. Hindi nalang umimik si Marvel at naupo nalang kaming lahat.

"Ikaw ba nagluto nito lahat Brent? Mukhang masarap ha!" Si Ros ang unang nagbawas ng kanin at ulam. Nasabi ko na bang kahit kasing sexy nito si Ashley Tisdale ay patay gutom siya? Well, pareho sila ng kambal niya. Brent just smiled and ignored Ros.

Napansin ko this past few days ay hindi siya gaanong umiimik. Parang wala lang siya dito sa bahay. Hindi niya din ako kinakausap simula nung magising ako. Iniiwasan niya ako kapag nagkakasalubong kami. At sino naman siya para habulin ko diba? Tch. Atsaka, Well, paano naman pala niya ako makakausap eh 24/7 ang kasama ko lagi ay si Marvel at minsan ko lang din siya makita, saan kaya siya pumupunta?

**

Pagkatapos kumain ay hinatak ako ni Marvel papuntang beach side. Oo. Hinatak niya ako kaya naglalagay sya ngayon ng icebag sa panga niya. Alam na.

"Grabe ka Vicky. You didn't even show mercy to me."

"That doesn't even exist in my world."

"Tsk. Anyway, do you remember this?"

"Yes."

"Asan yung sayo?"

"Threw it away together with our memories we spent together."

Halatang nalungkot ang mukha niya. He showed me a necklace that has a half-heart pendant. That was our couple necklace. Binigay niya saakin yung kalahati pero tinapon ko kung saan, nung iniwan niya ako.

"Bakit mo naman tinapon? Sana naman tinago mo nalang."

"At bakit ko yun itatago ha? Pagkatapos ng lahat ng ginawa mo saakin? Oo, baliw ako sayo nun pero hindi sa puntong magpapaka-gaga ako sa buong buhay ko."

His expression changed, and looked at me desperately. Bakit? Ano bang mali sa sinabi ko? Totoo naman eh. Hindi ako tulad ng ibang babae na kapag sinaktan, buong buhay iiyak iyak na akala mo babalik lahat sa dati. Umiyak ako non kay Marvel oo, pero madali akong napagod. Tulad nga ng sinabi ko, hindi ako tulad ng iba.

"I'm so frustrated."

"Oh, the feeling is mutual Marvel. In fact, I'm frustrated everyday hanging around with you."

"And why is that?"

"Hindi ko kasi alam kung bakit ako nakikisama sayo eh. Disapointed ako sa sarili ko kasi isinumpa ko na na ayoko na kitang makasama pero nandito ako ngayon, katabi mo."

He sighed. "Vicky, I thought we're okay."

"Easy for you to say."

"But the kiss—-"

"Ah. The kiss? Don't over think. I let you kiss me because I want to make sure about something."

"Something?"

"What I really feel about you."

"So ano yung naramdaman mo."

"That I still love you.. I still love you bastard but this time, sinusubukan ko ulit maalis ang nararamdaman ko sayo. Challenge to saakin kasi ginagawa ko mag-move on sayo ng kasama ka."

Nabigla ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

"Get off!"

"No! Hinding hindi kita pakakawalan. Please Vicky, hwag kang mag move on. Ayoko! Hindi ko kaya. Hindi ko kayang mawala ka saakin. Mahal na mahal kita."

"Tsk! Ano ba! Bitawan mo nga ako! Hindi ako makahinga!" Hindi niya pa din ako binibitawan and sobrang awkward na dahil sobrang dikit na ng katawan namin sa isa't isa. Tngina makaalis lang ako dito.

"Vicky, please just please.. I'm sorry! Sorry sorry sorry.I don't want to lose you."

Umiiyak nanaman siya. Tsk. Bad trip naman oh! Sana pala hindi ko na sinabi, nyeta.

"MARVEL! NASASAKTAN NA AKO!"

Nabigla ako ng biglang may humila papalayo saakin si Marvel at tinulak pa ito ng malakas. Brent? Why is he...

"Gago ka ba? Nasasaktan na si Vicky hindi mo pa bitawan!" Tumayo na si Marvel at tinulak din ng malakas si Brent.

"Hwag ka nga makialam!"

Tumayo na din si Brent at tinulak ulit si Marvel.

"Ang saakin lang, alamin mo limitasyon mo sakanya! Alalahanin mo pa ding galing siya sa isang trauma kontrolin mo yang pag-obsess mo sakanya!"

"SHT! TUMIGIL NA NGA KAYO!"

Pinipilit kong pumagitna sakanila pero tinutulak nila ako palayo para hindi ako makalapit sakanila habang nagsusuntukan sila. Can't this day get any worse!

"BAHALA NA NGA KAYO DIYAN! PA-CHOOSY PA KAYO EH! PUMASOK NALANG KAYO SA LOOB KUNG TAPOS NA KAYO. BAD TRIP KAYO!"

Kinuha ko yung tsienelas ko at pumasok na sa loob. Iniwan ko silang dalawa sa labas. Bahala sila!

"Oy Vicky! Anong nangyare?"

"Nagsusuntukan sila Marvel at Brent sa labas."

"HA?! BAKIT?! BAT DI MO PIGILAN?"

"Ewan ko sakanila. Tinry ko yun pero wala pa din. Hindi sila tumitigil kaya pumasok nalang ako."

"HAIST! YOU'RE HOPELESS VICKY."

"I know. Pigilan mo na sila."

"Ano pa nga ba? Ugh!"

Tumakbo na palabas si Ros. Pumunta na ako sa kwarto ko at natulog. What a crappy day for me.

The Bad Girl's DepressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon