Chapter (R) - Recreation

120 3 0
                                    


"Rod! Ano ka ba ang bagal mo! Bilisan mo na at kailangan ko nang magpalit ng swim suit!"

"Tngina teka lang naman! Ikaw na kaya nito magbuhat na mga bagahe mo! Tatlo ano ba to dito ka na ba titira ha?!"

"Hwag ka ngang makialam! Bilisan mo na dali!"

"Gusto mo ikaw na magdala nito? Tsh. Kung hindi mo lang hawak credit cards ko di ko to gagawin bwisit."

"Tse! Hwag kang maginarte!"

After 4 hours ng byahe ay nakarating din kami dito sa private beach resort nila Marvel. Sa labas palang maganda ang pagkakagawa at structure nito. Nagpapicture nga sila agad maliban saakin. Napahawak ako sa dibdib ko.

Sht!

How could I forget that thing?!

"Okay ka lang Vicky?"

"Yeah. Just forgotten something at home."

"Gusto mo bang ipakuha yon sa driver ko?"

"No! No. It's okay."

"Are you sure?"

"Yeah. Tara na sa loob."

I sighed in disappointment. Kinabahan ako kasi hindi ko sure kung saan ko yun nalaglag. Siguro natanggal yun habang natutulog ako. Sana nasa kama lang iyon.

Ngumiti lang saakin si Marvel at hinawakan ang kamay ko. Sabay kaming pumasok sa loob. Kami nalang pala ang hinihintay. Sila Ros at Rod nag tatalo pa din dahil sa tatlo ang dalang maleta ni Ros. Hindi nga namin alam kung ano ang mga dala niyan.

Si Gustin at ang barkada niya ay nakaupo sa sofa. Napagod siguro sa byahe pero sobrang ingay nila. Damn. My head hurts.

"Where's Greg?"

"I'm here little sis." Sumulpot bigla sa likod namin si Greg kasama yung babaeng sinama niya dito. I'm sure it's just his fling.

"Hey everybody, this is Joanna Swain." Ngumiti lang saamin yung babae. Napatingin din siya sakin at ngumiti pero inirapan ko lang. Halatang btch ang isang toh at may habol lang talaga sa kuya ko. Psh.

"Woooh! Salamat kuya Marvel ah! Pinasama mo ang barkada ko."

"Wala yun. Sige na. Dalhin niyo na ang mga instruments niyo sa music room. Ituturo naman sainyo ng mga crew dito kung saan."

"Sht! May music room dito?!"

"Yeah."

"Ayos!"

Kinuha nila ang mga instruments nila at nagtakbuhan papunta sa music room. Tss.

"Where's my room?"

"Ah. It's over there, come on." Dinala ni Marvel ang mga gamit ko papunta sa kwarto ko. Pang single person lang ang kwarto pero kumpleto. May banyo, may sofa, may kainan, may dressing room and etc. Buti nalang at may malaking bintana na nakaharap sa beach. This way I can smoke freely.

"Okay ka na ba dito? Do you want to change your room?"

"No. Okay na ako dito. Pakilagay nalang diyan ang mga gamit ko. Lalabas nalang ako mamaya. Biglang sumakit ang ulo ko."

"Yeah sure. Matulog ka na muna. Call me when you need something." Lumapit siya saakin and kissed me on my forehead.

"Hope you'll enjoy our stay here. I love you." Tila naghihintay siya ng sagot pero ngumiti nalang siya at dirediretsong lumabas ng kwarto ko.

Sumilip ako sa bintana at nakita agad sila Ros na nagswiswimming. Damn. Gusto ba nila agad magka-sun burn? Heat stroke? Alas dose ng tanghali nasa labas sila? Oh well.

The Bad Girl's DepressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon