TBGD: Special Chapter

163 5 0
                                    

"Bakit masyado kang mabilis?"

"Hindi ka pa namin lubusang nakikilala bata."

"Ilang taon ka na ba?"

"Mahal mo ba talaga si Genevic?

"Kaya mo na bang buhayin ang ate ko?"

"Naging babaero ka ba dati?"

"Anong habol mo sakanya? Pera? Ganda? O make-up?"

"Saan ka nakatira?"

"Naging bakla ka ba?"

"Asan NBI clearance mo?"

"Magkano sweldo mo buwan buwan?"

"Marunong ka bang mag-gitara?"

"Hindi mo pa nga nililigawan ate ko niyaya mo nang magpakasal!"

"Kailangan kong makita-----"

"WILL YOU SHUT THE FCK UP! GREG AND GUSTIN! SILA MOMMY AT DADDY NGA HINDI NAGSASALITA TAPOS KAYO AKALA NIYO NAMAN! UGH!"

Kanina pa talaga ako naiirita sakanilang dalawa! Dinaig pa NBI kung mag-interrogate tngina. Nagulat nalang nga ako pagka-uwi ko ay nakauwi na din pala si Greg.

Kung ako iritang irita, si Brent naman natatawa pa! Siniko ko siya kaya bigla natahimik siya at nagseryoso. Magkatabi kaming nakaupo na dalawa sa sofa habang sila Mommy naman ay nasa kabilang sofa kaharap namin.

"Concern lang naman kami Ate Genevic. Hindi ko pa nga siya masyadong kilala."

"Oo nga baby, kailan ba kayo nagkakilala?"

"The time when Alejandro tried to rape me."

"Ha? Bakit hindi mo siya saamin nababanggit?"

"Bakit? Kailangan ba?"

"Syempre naman! So siya pala yung batang dinala dito ni Grandma. Ang swerte mo bata dahil na in love sayo ang unica ija ng Ravago. Ano nga ulit ang pangalan mo? Hindi ko natanong pangalan mo nung nasa bakasyon pa tayo."

"Nice to meet you all, I am Sebastian Grant. You can call me Brent."

"Sebastian Grant?!" Tila nagulat si kuya noong nalaman niya ang pangalan ni Brent.

"Bakit Kuya Greg ano bang problema? Sindikato ba siya? Tara patayin na natin siya!"

"Gusto mo ikaw ang patayin ko Gustin? Tumahimik ka nga!" Damn! Bakit ang OA ng mga kapatid ko ngayon!

"Sebastian Grant? Owner of BLG Hotels and Restos?!"

"Ugh... Yeah?"

"Damn! Hindi ko alam na ikaw yon. Pamilyar lang ang pangalan mo pero hindi ko akalain na ikaw pala yon. Thank you for helping my company when it needed help." Tumayo si kuya at nakipag-hand shake kay Brent.

What the hell did just happen?

"Oh! It's my pleasure. Sorry hindi ko alam. Yung secretary ko lang kasi ang pinapaasikaso ko ngayon sa business kaya wala akong alam sa sinasabi mo. Hehe!"

"Hahaha! It's okay. Dad, Mom. Boto ako sakanya para kay baby sister."

"Hayop ka tinulungan ka lang sa company mo boto ka kaagad?! Paano pala kung mamamatay tao yan!"

"Hahahahahaha--- owww!" Siniko ko ulit si Brent. Bakit ba parang nag-eenjoy pa siya? Nilalait na nga siya ng kapatid ko.

"Relax Gustin! Hwag ka ngang mapanghusga. Kita ko naman na mahal na mahal niya si Genevic. Atsaka, may tiwala naman ako sakanilang dalawa. Kung sila talaga, then let it be. Tadhana na ang bahala kung sila talaga o hindi."

The Bad Girl's DepressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon