"Bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon, Vicky. Please. Hwag naman ganto." I slapped him. How dare he ask me that? Pagkatapos niya akong...
"Don't ask me that as if you deserve it. Kung ganto lang din naman ang mangyayare, Let's end this." I walked away leaving him there pero nabigla ako ng yakapin niya ako sa likod.
"Please Vicky, I'm sorry. Don't leave me, please! Okay lang kung hindi mo na ako pansinin o kausapin basta nakikita kita. I'll give you time and space if you want to. Mas kakayanin ko yun pero ang pumunta ka ng America? It's already out of the line. Please, I'll make it up to you. Hindi sa ganon ang iniisip mo --- "
"Just, stop." Mariing sabi ko. I don't want to make this long. Mas lalong humigpit ang mga yakap niya saakin. Nanginginig siya at ramdam ko din na basa na ang kanang balikat ko dahil sa iyak niya.
"Don't leave me. Don't leave me please. I love you." Hinawakan ko ang kamay niyang nakayakap saakin at tinanggal ito. Humarap ako sakanya. Hinawakan niya ang pisngi ko pero tinaboy ko yun.
"Kung mahal mo ako, pinanindigan mo lahat ng sinabi mo saakin. Kung mahal mo ko, hindi mo sakin ginawa yon!" I think that hit him. Napayuko siya at nagbuntong hininga. Pinunasan na din niya ang mga luha niya.
"Hindi sa ganoon ang iniisip mo. Mali ang mga sinabi nila sayo. Sa tingin mo ba kaya kong gawin yon sayo? Sinet-up nila ako!" Napaangat siya at hinawakan niya ako sa magkabila kong kamay.
"I can't explain to you now, Vicky. Galit ka. Alam kong hindi ka makikinig saakin. Please, listen to me. Just don't leave me please. Hindi ko kakayanin yon." Inalis ako ang kamay ko sa pagkakahawak niya. Ayoko na.
"Stop. It's too late now. I had enough of your shtty promises. You gave me so much pain I don't even want to see you anymore." Tumalikod na ako at tumakbo palayo sakanya. Tinawag niya ako pero hindi ko na siya nilingon.
Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Wala akong pakialam. Ang gusto ko malayo sakanya. Malayo sa lahat. I just want to be happy. Bakit ang hirap non maibigay saakin? Gusto ko lang naman, makalimutan ang lahat. Simula nong nilayo nila saakin si -----
Minulat ko ang mga mata ko nang may maramdaman akong humahaplos ng panyo sa pisngi ko. Agad akong napatayo, pero napaupo din agad dahil sa sakit ng ulo ko.
"Arrgh!"
Note to self: Kapag bagong gising, hwag kikilos agad. Fck this headache.
"What was your dream?" Tinignan ko siya habang hinihimas ang noo ko. Napansin ko din na wala nang tao sa classroom maliban saaming dalawa.
"Anong oras na?"
"It's already lunch break. Hinintay kitang magising baka kasi malock-an ka dito sa room. Binantayan kita." I rolled my eyes in frustration. Nang hindi na masyadong masakit ang ulo ko ay binitbit ko na ang bag ko at dirediretsong lumabas ng classroom.
As expected, sumunod siya at pinantayan ako sa paglakad. Tsk.
"What was your dream?" Sinamaan ko siya ng tingin. Bakit ba ang kulit niya? I don't want to open a topic with him. We're not even close.
"Pakialam mo?" Pumila ako sa may beverage station. Ayoko munang kumain dahil nawalan ako ng gana. Sa lahat ng pwede kong paniginipan, bakit yon pa?
"Tabi!" Sumingit ako sa isang lalaking freshmen ata yon at bumili agad ng maiinom ko. Everybody was looking at me because of my recent action but who cares. I told you my patience was not that long.
Umupo ako sa table na vacant and walang nagdare na maki-upo saakin. Siguro naiisip na nila na baka itapon ko ang pagkain nila kapag naki-upo sila. Ha. Buti naman naisipan nila yon.
Pero naramdaman kong may umupo sa harapan ko. Ugh. Kailan ba ako lulubayan ng taong ito?
"Who told you to seat with me?"
"No one." Inirapan ko nalang siya. Hopeless nga pala makipag-talo dito. Lumingon ako sa paligid kung may vacant tables and seats pa pero lahat occupied na. I guess, magtitiis nanaman ako sa isang 'to.
"Ano nga yung panaginip mo kanina?" Seryosong tanong niya. That made me look at him straight. Minsan ko lang siya makitang seryoso. Usually kasi laging nakangiti. Inirapan ko nalang ulit siya.
"It was bad, isn't it?" Oh yeah. Son of a gun, it was a nightmare! Hindi ko ulit siya pinansin. Bahala siya.
"Nag-alala ako sayo kanina. First time kita nakitang umiyak. Umiiyak ka habang natutulog ka. Nakakatakot yun. Pwede mong ikamatay yon. Alam mo ba yon?" Natigil ako sa pag higop ang soft drink ko at tinitigan siya. Anong connect? Hindi ko alam kung nagbibiro siya kasi He was on his serious mode again.
"You were like an angel crying earlier. And angels don't usually cry, unless they are having a bad dream." Natawa ako sa sinabi niya.
"Angel? You called me that? Funny description." I said sarcasticly.
"Bakit naman?" Hindi ko nalang ulit siya pinansin. Kinuha ko ang phone ko sa bag at naglaro nalang. Halos ibato ko sakanya 'tong bote ng softdrink nang agawin niya bigla saakin ang cellphone ko.
"Fck why did you----
"Sebastian Grant! Ilang taon ka na dito sa St. Martin, hindi mo pa din ba alam na cellphones are prohibited inside the campus? Come to my office right now." Masyadong mabilis ang nangyare. Nang umalis na ang malditang principal namin ay nakita kong nagligpit na ng gamit ang kaharap ko at tumayo na.
"Here's your phone." He said smiling. Bago pa man ako makaimik ay naglakad na siya palayo at sumunod sa principal. That stupid guy.
Tumayo na din ako para sundan siya. Pero hinarangan ako ng mga kaklase kong nakaengkwentro ko dati.
"Napahamak nanaman si Brent ng dahil sayo! Looser ka talaga forever!" Pero imbis na makisagutan ako ay kinuha ko ang ketsup na nakalagay sa mesa niya at binuhos ito sa bandang dibdib niya. Ano nga ulit pangalan nito?
Napasinglap ang lahat sa ginawa ko. Ang iba ay tumawa at pumalakpak.
"AAAAAAAAAAAHHHH! You're a btch!" Nagsmirk ako bago tuluyang umalis sa harapan nilang lahat.
That's right barbie. I'm a btch.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Depression
Storie d'amoreIt takes courage and faith to fight shts in life. - The Bad Girl's Depression