"Vicky sige na. Halika na dito, mamake-upan na kita."
"Sabihin mo muna para saan ba 'to naiinis na ako!"
"Alright alright! Chill. Marvel prepared a dinner for you two. Tss."
"Bakit kailangan ko pang isuot ito at kailangan may make-up? Hwag mo nga ako pinagloloko Ros. Huwag mo ako dinadamay sa mga kalokohan mo. Nasaan ba si Marvel?"
"Hindi ako nagloloko ano ba!" Nagulat ako sa sigaw niya pero hindi ko yun ipinahalata. Kitang kita na din ang sobrang pagkainis niya.
"Oh sige kung ayaw mo mag-make up isuot mo nalang yang dress and heels please? Marvel really prepared all this stuff for you. Oo hindi na siya ang nilalaman ng puso mo pero huwag mo naman sayangin lahat ng effort niya sayo." Padabog na inilapag ni Ros ang paper bag sa kama.
"You're so stubborn. Learn not to be Vicky. Hindi lang ikaw ang napapagod at may karapatang magalit." Sabi pa niya at nagmadaling umalis sa kwarto.
Argh!
Umupo muna ako sa kama at kinalma ang sarili ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at huminga ng malalim. Damn this. Tinignan ko ang orasan. It's already 8. I still have 30 minutes to get ready in their so called date namin ni Marvel. Pag ako talaga pinaglololoko nila hummanda silang lahat saakin.
--
8:45 and I'm ready. Late na ako ng 15 minutes. Ilang beses na nga ako kinakatok dito ni Mommy. Well, I'm sorry. Medyo matagal yung pag memeditate ko and I needed strength to apologize to Ros later. Yeah. I feel guilty.
Sinuot ko yung red dress na laman nung paper bag at nag-jacket. Pero hindi ko sinuot yung heels. Hindi kasi ako sanay mag heels. Naka-flat shoes lang ako. I applied make up by myself. Added some jewelries and styled my hair.
Lumabas na ako ng kwarto at medyo nabigla ako kasi lahat sila nakaabang sa labas ng kwarto ko.
"You look stunning sis." Nginitian ko lang silang lahat.
Kumpleto ang lahat maliban kay Marvel. Nahagip ng mata ko si Ros na nakatingin at nakangiti saakin. Lumapit ako sakanya.
"I'm sorry about earlier."
"Sus! Okay lang yon. Sorry din. Nasigawan kita kanina."
"Mabuti pa't ihatid mo na siya Ros. Late na siya ng 15 minutes."
"Oo nga pala! Ikaw naman kasi nagemote ka pa. Tara na!" Hinila na ako ni Ros at medyo patakbo na ang kilos namin. Parang may hinahabol kami. Buti naman nung nakalabas na kami ng rest house ay naglakad na kami. Pero hawak niya pa din ang kamay ko.
Ilang minuto na kaming naglalakad. Medyo malamig na din ang lugar na 'to. Hindi ko 'to alam na lugar. Palibhasa hindi naman kasi ako nagalalakad lakad dito sa resort.
"Malapit na ba tayo?"
"Oo sandali nalang."
Sa hindi kalayuan ay may naaaninag na akong cottage. Sa labas palang maganda na ang pagka-organize ng ilaw. Tumigil kami sa tapat ng cottage.
"Oh Vicky, hanggang dito nalang ako. Pumasok ka na."
"Sino kasama mo pabalik?"
"Sus! Ano ka ba. Kaya kong bumalik mag-isa. Tsaka hindi naman ako mawawala dito. Tayo lang naman ang nandito eh. Ano ka ba. Hahah!"
"Alright then." Bago siya umalis ay niyakap niya ako. Ganun din ang ginawa niya.
"Be happy." Hindi ko maintindihan kung ano ang ibig sabihin niya noon kaya nginitian ko nalang siya. Kumaway na siya at umalis na.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Depression
RomanceIt takes courage and faith to fight shts in life. - The Bad Girl's Depression