"Buti naman naisipan mo nang bumalik dito. Akala namin kinalimutan mo na kami. Akala namin ayaw mo na saamin, akala namin hindi mo na kami kaibigan. Waaaa!--- Aray!" Natumba si Roderick sa kinauupuan niya ng hampasin ko siya ng dustpan matapos niyang magpout at magiyak-iyakan na parang bata. Hindi pa nakontento at nagtantrums pa. Sht kadiri. Hindi siya cute. Mukha siyang ngongo! sht talaga.
"Tngna! Ang sakit non Vicky! Bakit ba lagi nalang ako ang sinasadista mo?"
"Bakit ba lagi nalang ako ang binabadtrip mo?" Balik na tanong ko sakanya. Hindi na siya umimik pa at tinungga na niya ang iniinom niya.
"Hoy Vicky! Kumusta na yung driver mo? Isang linggo na ha. Ptcha baka mategoks yon konsensya ko pa!"
Halos mabulunan ako sa sinabi niya. Natatawa ako sa tuwing naaalala ko yun. I'm here at their place again. Hindi na ako nagtatampo sakanila. Wala eh, kailangan ko ng kasama ngayon. At sila lang ang gusto kong makajamming. Medyo bwelo ako ngayon kasi nagkasakit nga yung driver namin. Alam niyo kung ano ang sakit? Diarreah lang naman. Hwag niyo na tanungin kung bakit siya nagkaroon ng ganon for 1 week. Epektibo ang binigay sakin ng tarantad*ng katabi ko.
"Pffft! Hahaha! Mahina pala yung binigay mo eh. Hwag kang mag-alala. Tumawag sa bahay kanina, makakapasok na daw siya bukas."
"So hindi ka na makakapunta dito?" Ininom ko muna yung laman ng shot glass ko tsaka sumagot.
"For now, pero Hwag kang mag-alala. Alam mo namang hindi ako nakakatagal sa lunggang yon."
"Yes! Haha! Love mo talaga kami Vicky! Ayiiieeeee." Tinignan ko siya ng masama. Saka itinaas ang mid-fing ko.
"Fck you."
"Alam mong hindi mo magagawa yan Vicky. Wala ka naman kasi nung ano eh. Hahaha!----Aray! Ptcha! Oo na tatahimik na!" Tumahimik na siya nong binato ko siya nung shot glass.
"Remember my patience is not long. I can do anything if I'm pissed." Nagsmirk nalang si Rod atsaka nahiga sa carpet.
Kanina ko pa napapansin na matagal nang wala si Rosalie. Hindi na ako nagtanong kasi baka bumili lang ulit yon ng mga ingredients para sa lulutuin niyang Carbonara. Well, of course. It's for me.
"RODERIIIIIIIIIIIIIIIIIIICK!!" Halos mabasag ang eardrums ko sa lakas ng tili ni Rosalie. Napabangon sa pagkakahiga si Roderick at tumakbo papunta sakanya. Sumunod din ako to check what happened to her.
Naabutan namin si Rosalie sa kwarto niya na nakatalikod. Parang may hawak din siya na hindi pa namin nakikita.
"Hey Sis what happened to you---- oh fck!"
Bakit? Ano ba yung..
"HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAH!" Halos mamatay na ako sa kakatawa ng makita ko kung ano ang mga hawak ni Rosalie at sinapak ito kay Roderick. OCD masyado si Rosalie. Ayaw niya ng maduduming bagay. Napakalinis nga ng bahay nila. Lalo na ang kwarto niya. Pero.. pero... sht! This is hilarious!
"Sht ka Roderick! Nawala lang ako kahapon! Bakit nasa kwarto ko ang mga yan ha?!" Halata sa mukha niyang inis na inis siya. Kahit masakit sa tenga ang boses ni Rosalie ay hindi pa din ako natitigil sa pagtatawa. Eh kasi naman! Stupid Roderick.
"Sorry na Rosalie. Nagkamali pala ako ng kwartong napasukan kagabi-- awww! Teka let me explain!" Sinisipa sipa na siya ngayon ni Rosalie. Oh no. Rosalie is a taekwando player! Woooo this is gonna be fun!
Kasalukuyang nagwrewrestling ang magkapatid. While me, still laughing to death. Sila lang talaga ang nakakapatawa saakin ng ganto simula nong mga bata pa kami. Lagi kasing taob si Rod kay Ros. She's the boss kaya kapag may nagbubully kay Rod eh si Ros agad ang makikipag-away. Sila lang ang nakakakita sa side ko na palatawa. I don't laugh and smile infront of other people. I always show my usual side, which is my boring and bad side pero ang totoo, masayahin ako, dati.
"Vicky! Hwag kang tumawa lang dyan! Tulungan moko----teka, ano gagawin mo dyan sa gunting?! Hwag dyan! Tngina hwag ang buhok ko!" Panay pa din ako sa tawa. Lalo na nung kumuha na ng gunting si Rosalie at ginupitan ang buhok ni Roderick! Sht that was epic! Roderick doesn't want his hair touched!
"Tngina Rosalie maawa ka!"
"Bakit? Naawa ka ba sa higaan ko ha? Ang baho baho na sht ka! Makita ko lang kung sinong babae ang dinala mo dito sabay ko kayong pupugutan ng ulo! You damn casanova!"
Kahit mas matanda ng 6 minutes si Roderick, takot at talo siya kay Rosalie. Playboy si Rod pero hindi niya kayang paglaruan ang kapatid niya. Kumalma ako sa pagtawa ng may maalala ako. Hindi ko dapat maaalala yon pero kapag kasama ko ang kambal, naaalala ko lahat.
Nahalata kong tumigil sila sa pagwrewrestling dahil nakita nila akong natahimik. Napangiti ako ulit nang makita ko ang panit na buhok ni Rod.
Umalis na si Ros sa ibabaw ni Rod at lumapit saakin.
"Okay ka lang ba Vicky? Sorry kung nag-away kami ni Rod sa harapan mo."
"Are you kidding me? That was fun! Hahah!"
"Don't fool us Vicky. Hindi ka natatawa. I know naaalala mo nanaman si Denise." Hindi naman straight forward magsalita si Rosalie no? Psh. They are really my friends. Alam nila kung ano ang tunay kong pinapakita.
"Ang buhok ko."
"Shut up, Rod. We're serious here."
"Seryoso din ako! Grabe ka Rosalie! Ptek tirahin mo na lahat hwag lang buhok ko!"
"So okay lang kung tirahin ko yang kayamanan mo? Nang tuluyan ng mabaog?"
"Syempre exception 'to!"
"Shut up Rod, may kasalanan ka pa saakin."
"What?! Hindi pa ba sapat ang pagpanit saakin para hindi ka na magalit saakin?"
"IIMIK KA PA?" May kasamang pagbabanta ang boses ni Ros habang hawak hawak pa din ang gunting. Natatawa nanaman ako sa kanila. Hindi na umimik pa si Rod pero halatang gusto pa niyang sagutin ang kapatid niya.
Hindi nalang din ako umimik at bumalik na sa mesa at ipinagpatuloy ang iniinom kong alak.
"Huy! Okay ka lang?" I nodded.
"Ikaw okay ka lang?" Tanong ko sakanya.
"Syempre hindi! Ikaw ba naman! Makakita ka ng condom at panty na pula sa kwarto ko! And yuck! Ang cheap nung brand nung panty kaya halatang hindi yon saakin! Nakakainis si Rod! Kadiri!"
"Haha ulul, so anong plano mo?"
"Kukunin ko ang credit card ni Rod."
"Wow, feeling ate ha. Pero, good yan."
"Ikaw Vicky, namimiss mo din ba maging ate?" Nailapag ko bigla ang shot glass ko and answered her without looking at her.
"Hindi."
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Depression
RomanceIt takes courage and faith to fight shts in life. - The Bad Girl's Depression