Chapter 2 - Punishment

511 11 0
                                    

"White spaghetti and iced tea please." This ugly lady just stared at me. Hindi niya ba ako naintindihan? Ugh.

"Ate, hwag ka hong tanga, sabi ko paorder ho ng white spaghetti o carbonara at iced tea. Bingi ka ba? Or sadyang hindi ka nakakaintindi?" Mas nilakasan ko ang boses ko. Baka kasi bingi na siya o bobo.

"Ah! Pasensya ka na iha pero wala kami noon dito."

"What?! What kind of school is this?" Halos pasigaw kong tanong. And there's the murmuring again. Mga chismosa, chismoso! I'm not over reacting but I don't eat anything for snacks except carbonara in my  entire school days when I'm in States.

"This is an exclusive school for teenagers like you Ms. Ravago. Naiintindihan naming nasanay ka sa paraan ng pamumuhay sa ibang bansa pero hindi porke't ganoon, ay pwede mo ng bastusin ang mga tao dito, pati na din ang eskwelahang ito. Nagkakaintindihan ba tayo?"

Nilingon ko kung sino ang nagsermon saakin. Who is she? I looked at her from head to toe. Wearing high class heels, appropriate attire for women, irritating formal hairstyle, ages I think 40 years? There's no mistake that this is the Principal.

"Oh. Is that so? Okay, I understand. Might as well leave the campus to buy snacks." Ngumiti ako sarcasticly living the people there staring at me. Pakialam ko ba sakanila. Palabas na sana ako ng canteen ng tawagin nanaman ako nung matanda.

"MS. RAVAGO! COME TO MY OFFICE NOW!"

**

Sumunod ako sa principal papunta sa office niya. I think I'm going back to tbe old me. Matagal na din akong hindi nakakapasok sa mga gantong office. Itry ko kaya often ng matuwa pa lalo saakin si Dad? Hahah!

Nawala ako sa pagdadaydream ng biglang pinalo ng principal ang mesa niya gamit ang ruler.

"Ms. Ravago, pang ilang araw mo na dito sa St. Martin?" Hindi ako sumagot pero nag hand sign akong 'dalawa' yung parang peace sign. ✌

"Sa tingin mo ba, gawain ng mabuting estudyante ang ginawa mo kanina?"

"I was just asking kung bakit wala kayo non. Anong masama don?"

"Ganun ba dapat ang tamang pagtanong? That was an offensive way of asking the canteen lady. Hindi mo ba alam yon?" Imbis na sumagot ako ay nagkibit-balikat nalang ako.

"Base sa records mo, hindi ka tumatagal sa isang school dahil diyan sa ugali mo. Well dear, ibahin mo dito sa St. Martin. Hindi namin tinotolerate ang mga ganyang ugali. At hindi ka lalabas sa school na 'to hangga't sa hindi ka nagbabago. Your father told us that." Natawa ako ng bahagya na siyang ikinagulat niya.

"Alam mo naman pala kung ano ang past ko at kung sino ako. Bakit pa ako nandito? Sinesermonan mo ako? Ha! Para naman pong may magbabago saakin? Sure. Nasasawa na din kasi ako lumipat. Dito nalang ako. Tulad nga ng sinabi mo, hindi ako makakalabas dito hangga't sa hindi ako nagbabago. We'll see about that."

Namilog ang mata niya at para bang sinasakal na niya ako sa pamamagitan ng mga titig niya. Funny old lady.

"Gusto mo bang ipatawag ko ang tatay mo?!" Naiiritang tanong niya.

"Bakit mo naman ho gagawin yon?"

"Para malaman niya ang kabastusang ginawa mo ngayon. Wala ka bang malasakit sa Papa mong ginagawa lahat mapabuti ka iha? Sikat na succesful buisness man ang Papa mo. Malaki ang impluwensya ng pamilya mo sa bansa, pati na din sa ibang bansa. Aware ka ba doon? Balang araw ikaw ang mamahala sa lahat ng pinaghirapan ng Papa mo. Do you ever think of that?"

I yawned and rolled my eyes at the end of her word. Wala akong pakialam sa mga sinasabi niya. Matatawa ba ako? Hwag na. Baka atakihin pa siya dito. Konsensya ko pa. Tumayo na ako at kinuha ang bag ko.

"Where do you think you're going? Hindi pa tayo tapos mag usap Ms. Ravago!"

"No need to call my Dad. You can punish me if you want." Tila nag liwanag ang mukha niya. Yun lang pala siguro hinihintay niya ang dami pang satsat.

"Good. Well then, dalawang linggo kang tutulong sa library. Mag-aayos ka ng mga bagong dating na libro. Tutulungan mo ang libririan na mailagay sa shelves ang mga iyon. Magdedeliver ka din kada room ng mga books. Gagawin mo yan every last period in the afternoon since 3:30pm ang dismissal niyo. Maaari ka ng magsimula mamaya. Naiintindihan mo Ms. Ravago?"

"Yeah yeah. Whatever. And call me Vic. I'm annoyed whenever I hear my father's last name." Lalabas na sana ako ng magsalita pa siya.

"Hindi na ito makakaabot pa sa Papa mo. Hwag mong isipang takasan ang parusa mo. Vic, hindi lahat ng tao kailangan mong pagbuntungan ng galit."

Nilingon ko siya.  Ano bang alam niya? Hindi ko na siya pinansin at padabog na sinirado ko ang pinto.

Dumating ako sa classroom ng 30 minutes late. Bumili pa kasi ako sa labas ng pizza at coke. Duh. Hindi ko hahayaang hindi ako kumain sa recess. Hindi ako sanay.

"Sa pagkakaalam ko Ms. Ravago ay kanina ka pa lumabas sa principal's office. Bakit ngayon ka lang? Para malaman mo, ayoko ng late sa klase ko. At dahil sa baguhan ka palang, palalagpasin ko muna ito. Maliwanag?" I just raised my eyebrows up and down as a sign of 'whatever, yeah. I get it.'

Natawa ako ng irapan ako ng teacher ko. First time kong makain-counter na bakla ang History Teacher ko. Isasaksak ko na sana ang earphones ko sa tenga ko ng marinig kong nagbubulungan ang mga nasa unahan ko.

"Girl, did you see her Back pack? Exclusive lang  yun sa Paris!"

"Oo nakikita ko! Sino ba siya? Mayaman ba siya? Bakit ang simple lang ng dating niya?"

"Talk about jeans, plain shirts and vans shoes! Baka naman fake yung bag niya. Made here in the Philippines. Haha!"

"Oo nga. Hahaha!" Stupid btches. Tinapunan ko sila ng masasama kong tingin. That shut them up. Hindi na napigilan ang mga insecurities nila. Hindi na nahiya. Tinitignan nila ako habang nag-uusap sila. Pasalamat sila ayoko ng bumalik sa office. Kundi kanina pa sila nasa clinic.

"Okay Class. Let's continue this tomorrow. Review the lessons. Goodbye." Agad na niligpit ko ang mga gamit ko at tumayo na sa upuan. Pakalabas na pagkalabas ng teacher ko ay bigla nalang may humila ng braso ko. Tumampad saakin ang 5 babae.

Pagsisihan nilang hinawakan nila ako.

"Hey transferee. Saang ukay ukay mo binili yang bag mo? Ang galing ha! Gayang gaya ang designs and details na gaya sa Paris."

"Hahaha! Oo nga. Yuck. Tsaka, bakit hindi ka pa nakauniform? May salamin ka ba sainyo? Ang baduy ng suot mo eh."

"Haha. Tsaka, look at your face. Ang plain. Plain ka na nga, plain pa mukha mo. Hindi mo ba alam na sa school na 'to ay mga sassy at social? I think naligaw ka."

"Yeah. Baka scholar siya. Hahaha kawawa naman siya.  Right girls?"

"Hahaha totally! Hahahah." Nagtawanan ang mga demonya sa harap ko. Akala ba nila mapipikon nila ako? Nagpapatawa ba sila? Bully na ba sakanila yon? Cheap barbies.

"Who pulled my arm?" Natahimik ang lahat ng umimik ako. I'm not in my usual mood. Sa lahat ng ayaw ko ay hinahawakan ako. Nag step forward ang isa sakanila. Mukhang siya ang leader.

"Ako. Bakit? Anong gagawin mo?" Matapang na sabi  niya. Tumawa ako ng pilit which made them look funny. Naweirdan sila saakin.

"Ikaw?" Lumapit ako sa chalk board at kinuha ang eraser na hindi pa napapagpagan. Agad kong pinagpag yon sa pagmumukha niya.

Inexpect ko ng aatake ang ibang tuta kaya inunahan ko na sila ng sipa at sabunot ko sakanila. Nasuntok nila ako pero madali naman akong nakabawi. Napatumba ko ang 3. Natitira nalamang ang leader at isa pang kasama niya.

"Fck you btch. How dare you did this to us?!"

"How dare you touch me too flat a**?" Feeling ko umusok ang ilong niya. Hindi ko namalayang lumapit saakin ang isa sa alagad niya at hinawakan ako. Papalapit na saakin ang leader bitbit ang stick at paparating na ipapalo saakin. Napapikit nalang ako upang hintayin ang bagsak nito sa ulo ko.

"BITIWAN MOKO!"

I opened my eyes to confirm what happened next. What the hell is he doing here?

The Bad Girl's DepressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon