Chapter (K) - King's wish

186 3 0
                                    


MARVEL'S POV

Nandito kami ngayon sa bahay. Safe kami dito since mahigpit ang security and of course, isa sa pinaka successful ang business namin at maimpluwensya kaya hindi kayang pasukin ito basta basta ang bahay na ito. Kasalukuyang naghihintay kami ng information tungkol sa pamilya ni Vicky. May inutusan kaming mga tauhan para gawin yon.

Nilingon ko si Rod na kanina pang natutulog. Grabe ang natamo niyang sugat at pilay ang kanyang isang paa dulot ng matinding pagbubugbog sakanya. Hindi madali ang pagtakas namin sakanya. Laking pasasalamat namin sa kapatid ni Vicky na si Gustin. Kahit galit na galit siya sakin, ay nagawa niya kaming tulungan para sa kaibigan ng kapatid niya.

*flashback*

"Good Morning sir Marvel."

"Good Morning boss." Bati ng mga tao sa bahay nang makarating agad kami dito mula sa isla.

"Where's my dad?" Tanong ko sa isa sakanila.

"Nasa office niya po sir." Tumango lang ako at umakyat ng opisina niya kasama si Ros.

"Infairness Marvs sobrang laki ng bahay nyo. Kumikinang pa. Gawa ba to sa ginto?" Umiling nalang ako sa mga pinagsasasabi ni Ros. This is not the time para magkwentuhan.

Kumatok muna ako sabay ng sigaw ni papa na 'Pasok.'

Pagkapasok na pagkapasok namin ay hindi maganda ang mga tingin niya saamin. Lalong lalo na saakin. Alam kong may ginawa akong kasalanan sakanya kaya hindi na ako magtataka. Lumapit ako sakanya at nag bow pero nung nagkaharap na kami ay bigla niya akong sinapak.

"MARVEL!" sigaw ni Ros. Tumakbo siya papunta saakin at inalalayan tumayo. Sht! Ang lakas nung sampal niya. Akala ko matatabingi na ang panga ko.

"ALAM MO BA KUNG ANO ANG GINAWA MO MARVEL HA?!" Galit na galit na sigaw ni Papa.

"I have no choice! I have to save her!"

"That's nonsense! Sabi kong pabayaan mo na ang babaeng yon! Tama lang yon sakanya! Hwag ka ng makialam sa issue ng pamilyang yon!"

The Bad Girl's DepressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon