Nandito ako sa balcon ng kwarto ko while playing my guitar. As usual, nilock ko yung pintuan sa kwarto at chineck kung walang tao sa baba dahil humihithit ako ng sigarilyo. I'm used to it. I started at the age of 14. Yeah, maaga akong nagrebelde. Well of course, SECRETLY. Kapag nalaman nilang nagbibisyo ako, ipapadala nanaman ako sa America at tatratuhin na parang nasa prisinto. And I don't want that to happen kaya nag-iingat ako. And believe it or not? Hindi pa ako nahuhuli ni Dad or kahit sino sa pamilya ko. Ha. Am I just that great?
It's been a month since my last encounter with that guy. Tinupad niya talaga ang mga hiniling ko sakanya. I'm quite impress. Hindi niya talaga ako nilalapitan, kinakausap o kahit tignan man lang. What a good dog.
The pictures that you sent me they're still living in my phone,
I admit I love to see them, but I'll admit I feel alone ~*KNOCK*KNOCK*
Damn. Hindi ko matapos tapos ang pagiguitara ko sa kantang 'to dahil sa mga letcheng istorbo!
"SINO BA YAN?!"
"Genevic!"
Dali dali akong nagmumog ng tubig, tsaka nag toothbrush. Sht! Ang pangit ng lasa! Pero titiisin 'to, kaysa naman sa maamoy ng magaling kong ama! Pagkatapos kong mag-ayos, Agad akong lumakad papunta sa pintuan.
"Ano kailangan mo?"
"Is that the proper way of saying 'Good Morning?'" Inirapan ko lang siya at sumandig sa ding-ding. Waiting for his next sentence, or paragraphs.
"Aalis ulit ako ng isang buwan para sa launching ng branch ng company sa Thailand. And I want you to behave habang wala ako, Genevic. Isasama sana kita pero may pasok ka. So, you have to stay here and behave. Ayaw kong tatawag si Manang Gie na may ginawa ka nanamang hindi wasto. Are we clear?"
"Clear as crystal ball."
"Ayokong nagpupupunta ka sa bar. Umuwi agad pagkatapos ng klase. Hatid sundo ka naman ng driver mo at huwag mong subukan ulit tumakas."
"Ano ako kinder? Psh. Whatever."
"I'm just putting up your safety. Hindi ka pa familliar dito sa lugar natin, baka mapano ka."
"Will you just trust me? I'm seventeen. I'm not a four-year-old kid."
"I trusted you several times Genevic, you know that."
"Then trust me again." Tumawa ako pero mukhang nainis siya.
"Genevic, I'm serious."
"Bakit? Kailan ka ba hindi naging serious? Kailan ba tayo nag joke joke kapag nag-uusap tayo? Atsaka, bakit mo pa pala kailangang magpaalam saakin na aalis ka? Wala akong pakialam kung saan ka man pumunta."
"Genevic, I'm just saying. Para naman malaman mo na hindi kita pinapabayaan tulad ng iniisip mo all this time. Akala mo ba hindi ko nararamdaman yon?"
"Wow! Nafefeel mo din pala yon? Akala ko ako lang eh."
"Iniisip mo talaga yun anak? Alam mong hindi totoo yan. Bakit ba galit na galit ka saakin? Yun ba ang sinabi niya sayo bago kayo maghiwalay? Ang magtanim ng galit saakin?"
"What the fck Dad? Hwag mo siyang idadamay dito."
"Watch your words again young lady. Hindi bagay sa babaeng tulad mo ang magmura. Hindi kita pinalaki ng ganyan."
"Correction. Hindi ikaw ang nagpalaki saakin." Natahimik siya sa huli kong sinabi. Alam niyang totoo ang sinabi ko. So how dare him say that to me?
"Yun nga siguro ang mali ko. Hindi ko sana hinayaan na mamalagi ka sa panig niya kaya ka lumaking ganyan-----
"SHUT UP! DON'T YOU EVER SAY THAT! HWAG NA HWAG MONG SASABIHING WALA SIYANG KWENTA DAHIL SAINYONG DALAWA, IKAW ANG WALANG KWENTA!"
*paaaaak*
Sht!
Dejavu ha. Mas masakit nga lang ngayon.
Hinimas ko ang kaliwang pisngi ko sa hapdi ng pagkasampal ng taong kaharap ko na kasalukuyang niyayakap ako. Pagkatapos niya akong sampalin? Humiwalay agad ako sa yakap niya.
"Umalis ka na." Walang enerhiya kong sabi. Parang hinigop noong sampal na yon ang lakas ko. All I know is my cheecks are already wet. Mas sumakit ang kaliwang pisngi ko dahil sa luha ko.
"I'm sorry Genevic. It's just that---
"Oh, before I forgot. Your daughter has been the 2nd Honor in her class and got a slap as her reward." I said happily. Of course, sarcasticly happy.
He froze at that moment. Halo halong ekspresyon ang nakikita ko sa mukha niya ngayon. Guilt? Sadness? Ashamed? Proud? I don't care. Lumakad niya palapit saakin pero umatras ako. I stopped him by raising my left hand, to stop him from getting near.
"Stop. Umalis ka na please. I don't want to see you for now." I don't have the right to complain kung bakit niya nagagawa saakin yon. I'm always forcing him to do that. Kahit sino naman siguro, sasapakin ako dahil sa inaasal ko. Atsaka, expected ko na 'to jusko. Parang hindi naman ako sanay. Nakakaiyak lang kasi laging natatapos ang sagutan namin kapag nasampal na niya ako. Kumbaga, sign na yun na tapos na ang away namin. Ang saya diba?
Nakakainis kasi umiiyak nanaman ako. Which is the sht of my life!
"Sabi ko umalis ka na!" Napaatras siya ng sigawan ko siya. Humahagulgol na pala ako sa iyak? Sht sht sht! Ayokong makita niya akong ganto!
Agad kong siniraduhan ang pinto. Hindi na siya nagpilit na kausapin pa ako. Narinig kong lumakad na siya paalis. Ganyan naman siya eh. Pagkatapos ng away namin, diretso sa trabaho. Minsan umiinom. Tch. Ni hindi man lang na niya ako kakausapin kasi gusto niya ako muna ang lalapit sakanya. Pero pasensya siya. May namana naman ako sakanya kahit papaano. Ang pagkataas ng 'Pride.'
If today I woke up with you right beside me?
Like all of this was just a twisted dream.Kung nandito lang sana siya. Isang yakap niya lang, wala na lahat ng sakit na nararamdaman ko. Baka sakaling, matigil na tong depresyong nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
The Bad Girl's Depression
RomanceIt takes courage and faith to fight shts in life. - The Bad Girl's Depression