Chapter (O) - Open Feelings

163 4 2
                                    

GENEVIC'S POV

"Hahahaha! Ang tatanga talaga nila Genevic oh! Hahahaha!"

"Malamang! Para saan pa at tinawag silang 3 idiots?!" Imbis na matatawa ako sa asal nitong lalaking to ay naiirita ako. Take note, nakita niya na daw yan 5 times! The hell pero natatawa pa din siya. Umiling iling nalang ako ng marinig kong tumatawa nanaman siya.

Nakailang hikab na ako ng mapansin kong mag-ring ang cellphone ni Brent na nakapatong sa ibabaw ng lamesa. Agad akong tumakbo para maunahan si Brent sa pagsagot nito. Ayaw niya kasi akong pahawakin ng phone. Kapag may tumatawag ay nila-loud speaker niya lang ito. Psh.

"Hello?"

[Vicky?] Si Marvel.

"Yeah. How's the twins?"

[They're okay. How about you?]

"Kumusta ang kapatid ko?" Biglang natahimik sa kabilang linya.

[Hindi pa din nagigising si Gustin. But don't worry, he's a fighter.] Feeling ko maiiyak nanaman ako. I miss my brothers. Asan na kaya si Kuya Greg?

[Asan si Brent?]

"Nandito. Kakausapin mo ba?"

[Ahh.. No. Nevermind. I'll just call him later. Did you ate your lunch already?]

"Oo na. Ikaw? Kumain ka na ba?"

[Wow. It's the first time.. I mean... Yes. Ehem. Vicky do you still remember what I've said to you before I left?]

"I think so. Why? What about it?"

[Nothing..] Ibababa ko na sana ang phone ng magsalita pa siya.

[I love you Vicky. Happy--] Inend ko na kaagad ang call at bumalik sa kinauupuan ko kanina. Pagbalik ko ay wala na si Brent.

Hinanap ko siya sa kusina, sa kwarto niya, sa loob ng bahay wala siya. Saan kaya siya pumunta? Hindi na ako nag abalang hanapin pa siya. Inaantok ako. Babalik nalang yon. Bwist bakit kasi umaalis siya ng hindi nagpapaalam? Pumasok muna ako ng kwarto at natulog. Bahala siya sa buhay niya.

--

Nagising ako nang may marinig akong kalabog sa labas. Actually kanina pa ako gising. Hindi lang ako makalabas dahil pinakikiramdaman ko muna ang ingay sa labas. Si Brent na kaya yon? Tinignan ko ang oras sa wall clock. Damn! Ang tagal ko pala natulog? It's already 9 in the evening.

Napagdesisyunan ko ng lumabas sa kwarto para icheck kung ano ang gumagawa ng ingay sa labas. At first I was hesitant because it may be Alejandro's men. They maybe found out that I am here. Pagkalabas ko ay sobrang dilim. Nabangga nga ako sa isang cabinet, ugh! Halos wala akong makita. Tinry ko ding buksan ang mga ilaw pero hindi ito gumagana. sht! Brownout ba? Bakit sa kwarto merong kuryente?

Lumabas ako ng bahay. Syempre nag iingat pa din ako. Feeling ko talaga may nagmamatiyag saakin. Argh! Asan na ba kasi si Brent? I'm freaking out here! Hindi niya ba naiisip na baka may mangyareng masama saakin dito? Damn! He better come right now or else!

Pumunta ako sa may duyan na tinatambayan ko. And again, I forgot to bring jacket! Hindi na ako masyadong natatakot dahil sobrang liwanag ng buwan. Nakaka-inlove ang gabing ito. I wish she was here beside me. I wish I could hug her so tight. Telling my goals in life. Sharing my extraordinary thoughts and etc. I just want to be with---

"BOOOOO!"

"Sht!!" Nahulog ako sa duyan nang may letseng gumulat saakin! Agad namang sumaklolo ang gag* at inalalayan akong tumayo. Pagkatayo ko ay sinuntok ko kaagad siya.

The Bad Girl's DepressionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon