Nowhere

524 19 1
                                    

Chapter 5

I got distracted because of his presence. Oo at aaminin ko na yun. Ni halos hindi ko magawang ubusin ang kakapiranggot kong pagkain dahil na rin sa... hindi ako kumportable lalo na't alam kong nasa isang lugar lang kami.

Agad na pinagkaguluhan si Simon. His luxurious friends greeted him at halatang tuwang-tuwa sila nang makita ang kaibigan. Ganoon din ang mga magulang ko na parehong dinumog ng mga kaibigan at media kaya mag-isa ako sa table namin.

Inabot ko ang juice ko at mas piniling ituon ang atensyon sa pagkain. He must be good huh... ang dami pa rin ng kaibigan niya sa kabila ng batikos at tsismis laban sa pamilya niya, may mga kaibigan pa rin siyang di nahihiya na makasama siya. Maybe, they knew Simon well... kaysa sa mga nababalita nila at nakikita sa mga newspaper and even social media na gawa lang ng isang printing press na puro paninira lang ang alam.

Inaamin ko naman na karamihan ay maaring nanggaling sa supporters ni Papa but we can't force them not to hate the Florendos. Kahit na kay Simon, wala akong magagawa kundi ang tumahimik at huwag nang makidagdag sa iringan.

I want to ask myself... Why this is so sudden? I can't explain it or... iniiwasan kong maliwanagan ako sa nararamdaman.

"Alone?"

I didn't raise my head kasi alam ko na kaagad kung sino iyon. My head went blank kasi ang isiping lumapit siya sa mesa ko sa kalagitnaan ng maraming tao... hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko. We're in the middle of family feud tapos lalapit siya na parang wala lang.

O baka praning lang ako dahil mukhang wala namang nangyayaring kakaiba sa paligid. Parehong busy ang mga tao.

The music suddenly changed. It was the Die for you by The Weekend. Nainis pa ako kasi bakit ganoon naman 'yung naging kanta. Naisip ko kung alam niya ba ang ginawa niyang paglapit sa akin, not until I saw him... wearing a mask---enough to hide his face. Even his attire, naiba. Wala na yung coat na sinuot niya kanina. The hair is now messy---kasalungat ng naging porma niya kanina. Sumulyap ako sa puwesto niya kanina at nakitang wala na siya roon.

So, it was really him!

Kumunot ang noo ko at ramdam kong halos lumuwa ang dibdib ko dahil sa kaba. I can't say that it's a butterfly in my stomach too. I won't tell it! Nahihirapan ako sa presensya niya, ang bigat. Maybe because he's a Florendo and like my mother, kumukulo ang dugo niya dahil Florendo siya. Baka yun nga. Oo, baka ganoon din ako!

"Where's your parents?" He asked again na parang close na close talaga kami. I only saw his eyes, looking and talking to me. Nangungusap kaya ang sarap tuhugin.

"W-what are you... doing?" mahina pero madiin kong tanong. Nilamon ko ang natira kong pagkain at masama siyang tiningnan. He looked at me blankly. With his eyes, like an owl, parang dilat na dilat lang sa akin.

You know what I'm thinkin', see it in your eyes

You hate that you want me, hate it when you cry

Sinuklay niya ang kaniyang buhok at lumingon sa likuran ko. "Come with me," he said at hindi na hinintay kung papayag ba talaga ako! He turned his back at me proudly! Akala niya talaga susunod ako sa kaniya!

You're scared to be lonely, 'specially in the night

I'm scared that I'll miss you, happens every time.

Pero sumunod nga ako.

I don't want this feelin', I can't afford love

I try to find a reason to pull us apart

It ain't workin', 'cause you're perfect, and I know that you're worth it, I can't walk away, oh.

Maliliit ang hakbang ko dahil hindi ako sigurado sa ginagawa.Sumunod ako sa kaniya at kahit papaano ay malayo na sa mga bisita ang inabot namin. Doon ko lang narealize kung saan kami papunta. Nakarating kami sa pool area. Malaki ito at walang tao. Medyo tago at madilim pero may mga dimmed lights naman na nakasabit sa mga puno kaya kahit papaano ay maliwanag pa rin.

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon