Stubborn

649 26 9
                                    

Note: I just want to say thank you for your sudden support. Huhuhu nakakataba po ng puso at maraming salamat sa 1k reads po! Pasensya na at nagsisimula pa po akong magsulat kaya please bear with my errors and grammars. I'm still doing my best for this series! I hope y'all doing well and once again, gracias! Keep safe mga langga. 💕

Chapter 19

Trigger Warning: Abortion and Language

Wala ako sa sariling napatingin kay Vina habang kinakausap ang isang doctor na naka pambahay pa ata... Tumitingin si Vina sa akin at agad na napapakamot sa noo niya. Ginalaw ko ang katawan ko at pinakiramdaman ang sarili.

"Thank you, doc... Pasensya na at naabala pa talaga kita."

The doctor chuckled. "Ano ka ba Vina. Okay lang naman basta... iyong bilin ko ha? Huwag mong kakalimutan," aniya at tumingin din sa akin. I looked away kasi baka makilala niya ako kapag nakipagtitigan ako sa kaniya.

Tumango lang ang doctor at agad na lumabas ng kwarto. I don't know if she's pretending ... o hindi niya ako siguro ako nakikilala. Magaan na ang pakiramdam ko ngayon

pagkatapos kong makaramdam ng grabeng sakit kanina. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil nagising nalang ako at nasa isang private clinic na.

"Don't worry... Dra. Cabalse is my close friend. She just gave me some of your vitamins and... ipinaliwanag ko sa kaniya ang nangyari." Agad niya akong inalalayan para makabangon. "Hindi kita puwedeng dalhin sa hospital dahil delikado... at uh... si Simon pala, nasa labas lang."

My eyes widened. Hindi siya umalis?

"Kailangan na nating umuwi—"

"I already called your mother. Sinabi kong matatagalan tayo," she cut me off. "Noong una, nagduda pa siya pero dahil ako naman 'yung kasama mo, wala na siyang nagawa kundi ang pumayag nalang."

I sighed. Napahawak ako sa tiyan ko.

"You're 4 weeks pregnant... at masyado ka raw na stress kaya nakakaramdam ka ng pananakit at kirot. You shouldn't—"

"How to get rid of this?" I closed my eyes habang tinatanong 'yun sa kaniya. Ayokong makitang madi-disappont si Vina sa akin dahil sa binabalak ko.

"Kailan... pa naging kayo ni Simon?"

"After election," I said.

She sighed. "You know he's a Florendo, right? Alam mong—"

"Yes, Vina. Kaya nga tinapos ko na. Kaya nga gusto kong mawala na 'to." I pointed my tummy.

"Tinapos? Pero bakit pa siya nasa labas, Joyce? Alam mo ba kung gaano siya natakot kanina? You looked pale and weak at halos mamutla na rin siya habang pinapasok ka niya sa kotse ko," She closed his eyes again. "He's patiently waiting outside, Joyce."

"Aalis din iyan."

"And you can't rid of that... huwag mong sabihin sa akin ang bagay na iyan nang ganoong kadali."

Mapait akong ngumiti. Nagbabadya na namang tumulo ang luha ko. "This is the right thing to do. I want abortion, Vina."

Pagod siyang umupo sa isang sofa. She closed her eyes again at kapag napapadilat, titingnan niya ako na para bang... kay sama kong tao.

They can't understand me... habang ako, naiintindihan sila.

Alam ko namang ang hirap kong intindihin dahil mas iniisip nila ang kagustuhan kong magpa-abort. Iniisip nila ang bata? Ang buhay na gusto nilang buhayin ko kahit na ang totoo ay hindi pa ako handa? Pero paano ako? Paano pangarap ko? Kakayanin ba ng katawan ko? Matatanggap ko ba ang galit nila? I will delay everything for the sake of the baby! Eh ayoko nu'n!

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon