Anbang Falls

490 18 0
                                    

Chapter 10

Nginuya ko 'yung binili niyang burger para sa akin. I offered him my food pero umiling siya. Alam kong pagod siya sa pagda-drive at gutom pero kanina niya pa tinatanggihan lahat ng offer ko!

"So what's the point of buying snacks kung ako lang naman 'yung kakain?" Tinaas ko 'yung isang supot na chichirya. "Kain ka nga!" I tried to give him the chips pero binuka niya 'yung bunganga niya.

Napakurap-kurap ako. Kita mo 'to... gusto naman palang kumain.

"Subuan mo pa ako," he whispered at mas nilapit pa yung bunganga niya sa kamay ko to get the chips.

Uminit ang pisngi ko pero ayoko namang magutom siya! Mukhang malayo pa naman 'yung magiging byahe namin. Kainis kasi siya dahil ayaw niyang sabihin sa akin kung saan kami pupunta.

"Are you good?"

He nodded. Lumandas pa 'yung dila niya sa labi niya kaya para akong napaso at agad na inilayo sa kaniya ang kamay ko. I checked my watch and realized we're almost half a minute na ang nakalipas mula nang umalis kami sa Matanao proper.

"Saan nga kasi tayo pupunta?" tanong ko ulit kasi naiinip na ako. Ang sakit na ng puwet ko sa kakaupo.

"Secret," walang kuwenta niyang sagot.

I just rolled my eyes and closed my eyes to rest. Hindi nga lang tuluyang makatulog dahil sinisilip ko siya. He's seriously driving tapos wala pang matinong kain. So I suggested na puwede naman kaming kumain to some carenderias pero hindi nga lang ako puwedeng bumaba para safe. Kaya niya naman sigurong kumain nang mag-isa...

"I'm not hungry. Tsaka, malapit na tayo..."

I sighed.

Sitio Talambato, Asbang. That's what I saw when I tried to activate my google map. Wala rin naman kasi silbing magtanong pa ako sa kaniya dahil puro secret lang ang sasabihin.

Sa wakas, may clue na rin ako kung saan kami pupunta! Sasapakin ko na kasi siya dahil ang layo-layo na ng narating namin. Para na kaming nasa bukid! Magtatanong pa sana ako pero natigilan ako dahil hindi ko mapigilang hindi buksan 'yung window because of what I saw!

"Hey—" he tried to stop me pero inunahan ko na siya.

"Just a minute!" I said before turning my phone on cam. Kumuha ako ng video para kita 'yung green scenery. Ang ganda! Hindi ko alam na kaya pala akong manghain ng mga nagsasayawang puno at palay sa gilid ng daan. You'll be greeted with the highland mountain ranges and landscapes. May iilan pang farmers na abala sa kakayuko para lang sa pananim nila. The view is really perfect for road trip and instagram post.

Okay na sana 'eh kaso bigla niya lang ipinarada ang sasakyan niya sa gilid tapos may dalawang lalaking parang naghihintay sa amin. Inayos ko agad 'yung cap ko pero naramdaman ko ang kamay ni Simon sa balikat ko.

"It's okay. They're my bodyguards. Believe me... hinding hindi sila magsusumbong."

Kumunot ang noo ko. "How sure are you huh?"

He smirked. "I know my people, Joyce. I just want you to believe me... this time."

Lumabas siya ng kotse kahit na gusto ko pang umalma pero hindi niya na ako pinagbigyan. Tumango siya sa dalawang lalaki bago ako tuluyang pinagbuksan ng pintuan. Inayos ko pa rin ang cap ko at agad na sinuot ang jacket. He reached my hand as he closed the door kaya halos mabuwal ako sa kinatatayuan ko. His warm hands covered mine bago may sinabi sa mga bodyguards niya na tuluyan nang nakalapit sa amin.

"How was it?"

"Settled na po, Sir. Kami na po bahala sa sasakyan niyo tsaka may nakaabang na rin na tourist guide para sa inyo. He will contact us kung sakaling magdesisyon na po kayong umuwi," the big guy said without looking at me! Loyal siya masyado sa amo niya... sa sobrang loyal nila, aakalain mong para kang hangin na hindi nila nakita. Si Simon lang talaga ang tinititigan nila.

In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon