Chapter 26
Bakas pa rin sa mga mata ko ang gulat dahil hindi ko inaasahang mararamdaman ko siya ulit. Hindi ako nilubayan ni Simon kahit ilang minuto na ang nakalipas para sa amin. Mas lalo kong napansin ang mga pagbabago niya... at ang itim na tinta sa braso niya.
A bold italic uppercase letters spelled the sacred word CORINTHIANS.
Napako ang tingin ko roon kaya ganoon nalang ang paglandas ng labi niya sa tainga ko. Alam ko ang ibig sabihin nu'n pero ayoko pa ring umasa lalo na sa kabila nang nangyari sa amin. Hindi biro ang sampung taon. Ang daming nangyari. Ang dami pa ring puwedeng mangyari at hindi magiging sapat na nandito lang siya ulit pagkatapos niyang makulong.
Dahil alam kong... mas lalo siyang kinamuhian ng pamilya ko.
"They said... love is patient and kind." He looked at me. "It does not envy or boast— arrogant or rude. It does not insist on its own way," he whispered again at tuluyang ginapang ng kamay niya ang bewang ko. Parang alam niya kung bakit ko tinitingan ang braso niya. Nanatili ang tinginan namin sa malaking salamin. Nangatog ang tuhod ko dahil ang dali-dali lang para sa kaniya ang sakupin ako. Ganoon ako kaliit kumpara sa kaniya!
"Sa loob ng kulungan, wala akong hinangad kundi ang kaligtasan mo. Ipinagdarasal ko na sana hindi ka umiiyak..." He closed his eyes and burried his lips on my hair. Halos ayaw niya akong pakawalan. Parang hindi na importante sa kaniya ang kung sino ang puwedeng makakita sa amin. "Na sana hindi ka nahihirapan dahil alam kong kahit anong gawin ko, hindi kita madadaluhan. I was scared. I did a mistake that's why I lost you... I lost how many years," gasgas na ang boses niya. "It killed me. The tragedy scared me lalo na noong tuluyan akong ipinakulong ng mga magulang mo... I thought it was the end of us."
Pinigilan ko ang mga luha ko at hinayaan ang sariling pumikit. I know, Simon. I know. That's why... this is not right. Minsan na nating sinuway ang galit nila noon kaya tayo humantong sa ganito... kaya hindi talaga puwede.
"Y-You showed me... what it was to cry," he said.
I breathe. "Bitiwan mo ako," I said, pulling his hand on me. "Bitiwan mo ako, Simon. B-Baka makita tayo ni Miguel. Ayoko nang gulo..."
Nakakapagod.
Nakakapagod siyang itulak papalayo... ulit.
Dapat hindi na kami nagkikita ng ganito dahil nakakapagod na itulak siya papalayo.
Hinuli niya ang tingin ko. Nanghihina niyang sinalubong ang mga mata ko kaya bago paman mag-iba '-yun, tuluyan ko na siyang tinulak. I raised my hand to stop him when he tried to pull me again. Nakikiusap ako na sa pag-angat ng kamay ko ay makikinig siya. He closed his eyes again at laking pasalamat ko na nagpaubaya siya. Agad akong nakahanap ng tiyempo kaya kinuha ko ang mga gamit ko at tinalikuran siya bago paman mahuli ang lahat.
Hinanap ko mun 'yung katinuan ko para lang tuluyang hanapin si Miguel.
"Miguel... Let's go," I said nang makita ko siya sa bench press. Pawis na pawis pa siya nang lingunin niya ako.
"Uuwi na tayo? Tapos ka na?" Nagulat pa ata siya.
I nodded. "Uh... ginutom ako 'eh. Can we just... eat na?" palusot ko. Buti naman at hindi na nagtanong si Miguel at pinagbigyan nalang ang gusto ko. Ang daming gumugulo sa isipan ko pero pinili kong iwakli lahat ng iyon. I want to convince myself that I don't need to stress out dahil kay Simon. Pagkatapos niyang magbayad ng fee namin at nakapagbihis, agad niya akong dinala sa McDo para makapag breakfast. Kaya lang, iniisip ko talaga ang ginawa ni Simon kanina. Lagi niya talagang ginagawa 'to. Hindi siya natatakot. Bumuntong-hininga ako.
"You don't want the pepper steak?" Miguel asked me dahil muntik ko nang makalimutan kong kasama ko nga pala siya. I'm too occupied! Kailangan ko na talagang bumalik ng Gensan bago paman may ibang gawin si Simon na ikakabaliw ko. Hindi na kami dapat magkita pa.
BINABASA MO ANG
In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. A love story like Romeo and Juliet but not written by Shakespeare. The story is about the romantic relationship despite the grave hatred bet...