Chapter 15
Sinagot ko na sa si Simon, one month after election. Maraming nangyari pagkatapos nu'n. His father, Governor Simon Florendo Jr. is now proclaimed. At gaya ng inaasahan, expected na may iilang supporters ni Papa ang nagkaroon ng mass rally. Pero dahil ayaw ni Papa ng gulo, pinatawag niya ang lahat at nakiusap nang maayos para hindi na tuluyang lumaki ang rally at makagawa pa ng panibagong gulo.
My father did it too. Governor Florendo thanked my father for doing that... siyempre si Mama... hindi ata kakayanin ng pagkatao niya ang tanggapin ang puri at pasasalamat ng isang Florendo.
Natapos na rin ang last semester ko at halos maiyak pa because I was able to finish the bloody sem in Agri-business. Magfo-fourth year na ako kaya nilubos ko na ang sarili ko na gumala. As we celebrate our 3rd monthsary, Simon and I decided to have a visit in one of his resthouse in Bansalan. Buti nalang talaga at napilit ko si Mama na payagan akong gumala kahit na... nagsinungaling ako para lang payagan niya.
"Where?"
My heart pounded so fast. Halos sasabog na ata dahil sa kaba. "B-Bansalan, Ma. Kasama ko naman ang mga kaibigan ko. It's just an overnight... pajama party kasi. Minsan lang naman siya mag-party kaya please, Ma... Kahit ngayon lang!" I smiled cutely.
Hindi pa rin niya ako pinansin kahit na nagpapacute at ginawa ko lahat ng inuutos niya. I even cleaned my room, arranged my clothes and stuffs and even the garden! Pinaliguan ko 'yung plants and played with the cats too. Naging masunurin ako at mabait whole day!
"Just text me, okay? And promise me..." Mama pointed me using her finger. "No drinking, Joyce. I'm telling you."
Kaya naman, para akong nakawala sa kwadra dahil sa pagpayag ni Mama. Simon chuckled as he looked at me with a wide smile. Nakashades siya ngayon habang nagmamaneho. Lumingon ako sa backseat at nakita kung gaano karami ang binili niyang pagkain para sa amin.
"Resthouse mo ba talaga 'yun?" I asked. Hindi pa rin ako makapaniwala na at his young age, may resthouse na siya. Though, iba naman 'yung nalalaman at naririnig ko sa tsimis. Some media outlets claimed that his resthouse and his family assets were obviously came from corrupted money. Pinabuluunan naman ni Simon lahat ng iyon at tinawanan nalang ang kumakalat na tsismis.
"The media always said that." He chuckled. "Bigay sa akin iyon ng lolo noong nakapagtapos ako ng college. It was not new... pero ayaw niyang mabulok at ibenta lang kaya pinagkatiwala niya sa akin," he said.
"Your lolo died last year, right?"
Tumango siya. "Yes, and he died peacefully."
Hindi ko na inopen-up ang topic na iyon dahil ayokong maging malungkot siya. I decided to take some selfies nalang at nag video para makunan kung gaano kaganda ang nadadaanan naming palayan at maisan. The road was long for us kaya naman nakaidlip ako. I opened my eyes when I felt Simon's lips on my forehead. He even smiled at me and poked my nose.
"We're here, sleepyhead."
Agad akong napaayos sa pagkakaupo. I removed my seatbelt and bumaba ng sasakyan. Pakiramdam ko tuloy malayong-malayo ako sa city.Tahimik kasi ang lugar at tanging huni lang ng ibon ang naririnig ko.
Simon held my hand and pulled me closer. Naglakad kami papasok at napadaan sa malaking puno ng mangga. May mga avocado trees and mulberry din. Nakita ko kaagad ang resthouse ni Simon. It looks like a tropical design and beautifully made of bamboo. May mga tuyong dahon ng Nipa rin at duyan.
"Wow... ang relaxing naman dito." Hindi ko maiwasang hindi mamangha lalo na't naramdaman ko kung gaano kagaan sa pakiramdam ang simoy ng hangin. Preskong presko.

BINABASA MO ANG
In the Middle of Nowhere (Love Boundaries Series #1) COMPLETED
RomanceWarning: This story contains mature scenes, lines and disturbing content. Reading comprehension is a must. A love story like Romeo and Juliet but not written by Shakespeare. The story is about the romantic relationship despite the grave hatred bet...